THIRD PERSON'S POV GULAT ANG unang naramdaman ni Scythe nang makita niya ang kaniyang pamilya na tulad niya, wala na ring buhok. Mula sa kaniyang mommy at daddy, hanggang sa kaniyang kuya at bunso, lahat sa pamilya niya ay pinakitang sinusuportahan ng mga ito ang pagsubok at hamon sa buhay na pinagdaraanan niya. It was unexpected. Ngunit ang pinaka nakapagpagimbal ng pagkatao niya ay ang pagsama ni Bruno sa plano ng kaniyang pamilya. Hindi niya maiwasang hindi maiyak. Sobrang swerte niya sa pamilyang napuntahan niya. Sa pamilyang ibinigay sa kaniya ng Diyos. Dahil hindi naman niya mapipili ang mga taong magiging magulang niya dahil sanggol lang siya. Ngunit maswerte siya dahil binigyan siya ng Diyos ng ganitong pamilya, na sinasamahan siya sa lahat, lumalaban sa hirap ng buhay, lumalaban

