THIRD PERSON'S POV TUMUTULO ANG luha mula sa mga mata ni Sceena habang ginugupit ang maganda, mahaba at makintab niyang buhok. Hindi iyon basta gupit lang. Tulad ng kaniyang mga magulang at mga kapatid, tulad ng kanilang layunin, magpapakalbo siya. She has no problem with that. In fact, siya ang nag-suggest nito sa pamilya. Ang akala nga niya, hindi papayag ang mga ito. And it turns out na parang nasa isip na rin ng mga ito ang pagpapakalbo kasabay ng kaniyang ate. Kaya naman, ni isa sa kanyang miyembro ng pamilya ay walang tumutol. Masaya pa nga ang mga ito dahil naisip niya iyon. Naaalala pa niya na ang mga kasambahay nila ay bumili ng kani-kaniyang bonnet kahit hindi naman magpapakalbo ang mga ito. Dahil nga sa sobrang pagmamahal ng mga iyon sa kanilang pamilya kaya kung ano ang pinag

