Bumungad sa akin sila Drake na nagkukumpulan sa may sala nang bumaba ako rito upang kumain na ng umagahan pati na rin tanghalian dahil ala-una na ng hapon dito at kagigising ko lang. Anong oras na kasi kami nakauwi kagabi ni Drake, masyado kaming nalibang kakak'wentuhan at hindi na namalayan ang oras, basta nagulat na lang kami nang magliwanag na sa labas ng coffee shop, senyales na paumaga na kaya inaya na akong umuwi ni Drake upang makapagpahinga. Nang dahil sa ginawa naming pag-uusap ni Drake kagabi para bang gumaan ang pakiramdam ko, nabuksan at naliwanagan ang isip ko sa mga nangyayari sa amin. Kumalma na rin ang isip ko at masasabi ko na ngayon ay makakausap na ako nang maayos nila Litch. Nakakausap naman nila ako nang maayos pero hindi lang ko makapag-focus sa topic namin, lumil

