KENAN's POV Nakatulala ako habang pauwi na kami sa bahay ni Tristan. Alam ko sa sarili ko na wala ako sa katinuan. Alam ko na nawala ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Sila Drake at Recco ay bigla na lang naglaho kanina habang nasa parking lot kami, hindi ko alam kung saan sila nagpunta pero hindi na mahalaga sa akin ng bagay na 'yon. Ang nasa isip ko lang ngayon ay si Luna at kung paano ko maipaliliwanag nang maayos ang nangyari sa kaniya. Nakita niya na 'mukha' kaming naghahalikan ni Joyce kaya naman alam ko na iisipin na talaga niya ay naghahalikan kami. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Mali ako e pero sana hinayaan niya akong magpaliwanag lalo na at may dahilan ako at kaya kong ipaliwang ang side ko sa kaniya, kayang kaya kong ipaliwanag 'yon at kayang kaya kong linis

