Umayos na lang ako ng upo dahil hindi ako makatayo nang maayos. "Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Drake na nakaupo sa harap ko habang may hawak na bag ng yelo at dinadampi-dampi 'yon sa kaniyang mukha. "Ayos lang ako," tugon ko bago mapatingin sa tiyan ko kaya napatingin din dito si Drake. 'Baby, are you okay?' No'ng mawalan pala ako ng malay kahapon ay dinila ako ni Zero sa kakilala niyang doctor para ipatingin ako at ang kalagayan ng baby ko. Nalaman ko rin na hindi talaga siya kalaban at nag-eespiya lang siya kay Tres. Sinulyapan ko si Tres na nakap'westo na sa kaninag p'westo ni Drake. Nakataas din ang kamay nito at hinihintay magising ni Zero habang hawak ang latigo na ginamit kanina ni Tres kay Drake kaya nagkalatay-latay ang buong katawan ni Drake. Base sa k'wento ni Drake a

