KENAN's POV Tahimik. Sobrang tahimik ng mga kasama ko habang nasa loob kami ng sasakyan na sinasakyan namin pauwi sa Maynila. Hindi naman sila ganito lalo na sila Recco at Yuhan pero parang may iba. Sobrang tahimik nila at malayo ang tanaw pero napansin ko agad ang mga kamao nila na nakakuyom habang ang mga kilay ay magmasalubong. Kulang na lang ay magdugtong na ang mga ito dahil sa sobrang salubong. Pansin ko rin ang mabilis na pagpapatakbo ni Tristan sa sasakyan namin, alam ko na mabilis talaga siyang magpatakbo pero iba ngayon, kulang na lang ay lumipad na ang sinasakyan namin dahil sa sobrang bilis. Pasasalamat ko na lang at walang police o mga check point ang nakaharang sa kalsada na tinatahak namin dahil kung hindi ay baka kanina pa may humahabol sa amin na mobile. Palihim ak

