Pinagmasdan ko ang naggagandang mga tuxedo na nasa aking paligid. Bawat isa sa kanila ay naglalakip ng daang libo ang halaga kaya wala na 'kong ibang naggawa kung hindi ang mapalunok habang nakatingin sa iba pang damit na nandito sa store ni Luna kung saan nagtatrabaho ang tiyahin ni Joyce. Hindi ko alam kung ano'ng gingawa namin dito, pagkatapos ng klase ay rito na kami dumiretso nila Drake. Ang akala ko ay sila ang may sadya sa lugar nito pero nagulantang ang buo kong pagkatao nang sabihin ng mga ito na ako raw ang nangangailangan bumuli ng bagong tuxedo dahil may mahalaga raw mangyayari na okasyon sa susunod na araw at kailangan ay nando'n ako. Hindi raw ako p'wedeng mawala ro'n kaya ngayon, nandito kami sa shop upang pumili at bumili ng tuxedo na gagamitin ko sa okasyon na 'yon. "

