"Nagmukha ka ng tao," puna ni Drake sa akin nang matapos akong gupitan nitong napag-alaman kong kapatid pala ni Drake. Hindi ko alam na may kapatid pala siya— sa labas. Kapatid niya si Jame sa Nanay. "Pre, hindi mo na naman matanggap na may mas g'wapo pa kaysa sa atin, hindi na ako magtataka kung bakit ikaw na talaga ang pinili ni Luna," ani Recco habang nakatingin sa salamin at tinitingnan ang kaniyang buhok na bagong gupit din. "Hindi mo naman sinabi na dadaan pala kayo rito, sana ay nakapagdala man lang ako ng pagkain para habang nandito kayo ay may pagkain kayo," sabi ni Jame habang nililigpit ang nga gamit na kaniyang ginamit sa amin. "Oo nga pala, Drake. Pinapatanong ni Mama kung kailan ka dadalaw sa kaniya? Matagal-tagal na rin daw simula no'ng huling pumunta ka sa bahay." "Sab

