PAGE 93

3002 Words

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa hita ni Connor habang yakap niya ako. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at ang mukha ni Connor ang bumungad sa aki. Nakapikit ng mga mata niya habang yakap ako. Nakatulog na rin pala siya habang nakaupo. Sinubukan kong gumalaw pero naramdaman ko na mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya natigilan ako. Tiningnan ko ang mukha niya at nakita ko na bahagyang magkasalubong ang kaniyang mga kilay na tila nagtataka kung ano ang nangyayari sa kaniyang paligid. Napahinto ako sa paggalaw na ginagawa ko at saglit na tinitigan ang kaniyang mukha. Ang maamo niyang mukha na halos walong taon ko nang hindi pinagsasawaan na hangaan at titigan. Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya para bang ang kalmado ng paligid ko. Sobrang kalma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD