PAGE 45

3026 Words

"I agree, Lo." Napatingin ako kay Naomi nang sumabat ito sa usapan nain ni Lolo. Nag-iwas siya ng tingin nang makita niyang napatingin ako sa kaniya. Mataray ang mga mata ni Naomi habang pinapaikot ang kaniyang buhok sa kaniyang daliri kaya nagsalubong ang aking mga kilay. "Tama si Papa, walang karapatan ang bata na 'yan na maging parte ng pamilya natin. Luna, ipalaglag-" Tumayo ako at malakas na hinampas ang ibabaw ng lamesa na gumawa nang napakalakas na ingay. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kusina pero hindi ko na nagawang tapunan ng tingi ang mga tao na pumasok dito. Nanatiling magkaslubong ang mga kilay ko at mabibigat ang bawat paghingang ginagawa ko habang palipat-lipat ang tingin sa mga taong kasama ko. "Paano niyong nagagawang magsalita nang ganiyan!?" galit na tanong ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD