PAGE 7

2226 Words
Nagising ang diwa ko nang makaramdam ako ng bigat. Para bang may nakapatong na kung anong mabigat na bagay sa aking katawan dahilan para mahirapan akong gumalaw. "A-ahh," ingit ko dahil para rin akong nahihirapang huminga at ramdam ko na ang pamamawis ng katawan ko kaya itinaas ko na ang kamay ko upang kapain ang nasa ibabaw ko, dahil likas akong tamad ay hindi ko na naidilat ang aking mga mata, basta na lang akong kumapa sa ibabaw ko. May nahawakan akong dalawang malambot na bagay kaya naman pinindot ko 'yon at halos manindig ang mga balahibo ko nang may marinig akong ungol. Muli kong pinindot ang bagay na 'to. "A-ahh," ungol muli kaya naman idinilat ko ang aking mga mata at tiningnan ang hawak ko. Halos magulantang ang buong pagkatao ko dahil sa nakita ko. 'Yong dalawang kamay ko, parehas na nakahawak sa d-dibdib ni Luna! "L-luna?" kandautal na tawag ko sa kaniya at agad na binawi ang mga kamay ko. Nakasuot siya ng bra at pantalon pero hindi ko maintindihan kung bakit siya nasa ibabaw ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit kong katawan at ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa posisyon namin ngayon ni Luna. She's crazy! Agad kong dinampot ang kumot sa tabi ko at itatakip sana 'yon sa dibdib ko dahil wala akong suot na damit pero nahuli ni Luna ang aking mga kamay kaya natigil ang pagtangka kong pagtakip sa aking katawan. "W-what are you d-doing!?" tanong ko sa kaniya at napatingin sa kaniyangmukha. 'Yong mga mata ni Luna na nakakaakit at ang labi niya na makintab. Dahan-dahan siyang dumapa sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay tinakasan na ako ng kaluluwa ko. Ang paghinga ko ay napigil ko na rin nang maramdaman ko ang mga dibdib ni Luna na dumikit na sa dibdib ko. "Shh," bulong niya. Napalunok na lang ako at wala ng ibang lumabas na salita sa aking bibig. Pinanood ko na lang siya sa kaniyang gagawin at nanlalaki ang aking mga mata nang makita kong pumikit siya at unti-unting ilapit ang mukha niya sa mukha ko na para bang balak niya akong halikan kaya naalerto ako at agad na tumagilid upang sana ay hindi niya ako mahalikan. Hindi nga ako nahalikan ni Luna pero nagising naman ako sa katotohanan. "Aray!" sigaw ko dahil sa biglaang pagkalabog ko sa sahig. Unang tumama ang balakang ko kaya naman hawak-hawak ko ito habang tumatayo ako. Panaginip. Isang nakakakilabot na panaginip. Inilibot ko pa ang aking paningin sa paligid upang siguraduhing walang Luna rito. Tahimik ang paligid kaya naman napakagat ako sa aking labi bago indahin ang balakang ko. Bakit naman hanggang sa panaginip ko ay ginugulo ako ni Luna!? Handa na sana akong tumalikod nang may isang bagay akong napansin. Nakita ko ang kama ko kung saan natutulog si Luna. Kung gano'n ay ro'n pala ako nakatulog kagabi, kaya siguro napanaginipan ko si Luna kagabi. Napailing na lang ako bago maisipang lumabas muna sa k'warto. Naghihikab pa ako habang bumababa sa hagdan, kailangan kong magluto dahil wala ang taga-luto ko. Ang sama ng panaginip ko, kailangan kong libangin ang sarili ko upang maalis sa isipan ko ang bagay na 'yon. Wala akong pagnanasa kay Luna. Nag-inat ako at agad na nagtunugan ang buto ko sa likod. Ang sakit pa rin ng likod ko pero kailangan kong magtrabaho ngayon ang problema nga lang ay wala akong trabaho. Napabuntong-hininga na lang ako. Tinanggal na nga pala ako ng boss ko sa dati kong trabaho. "Tao po!" Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong boses na nanggagaling sa labas. "Kenan!" 'Teka, si Aling Lourdes ba 'yon?' Lumapit ako sa bintana at sumilip do'n. Nakita ko si Aling Lourdes na nasa gate namin, magkasalubong ang mga kilay habang nakatingin sa bahay namin. "Kenan!" tawag nitong muli sa akin kaya naman agad na akong lumabas sa bahay. "Kenan!" "Ito na po, Aling Lourdes," sagot ko at pumunta sa gate upang papasukin ang matanda. "Bakit ba ang tagal mong buksan ang gate!?" tanong nito sa akin kaya naman napakamot ako sa aking batok. Ang aga-agang nangbubulahaw. Ano kayang pakay niya? Alam ko ay binayaran na ni Luna ang utang ko sa kaniya kaya anong ginagawa niya rito. "Kakagising ko lang po, pasensya na," sabi ko rito para naman matahimik na siya. "Nand'yan ba ang asawa mo?" tanong niyang muli na sumulyap-sulyap pa sa bahay ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "A-asawa po?" tanong ko rito at pinanglakihan naman niya ako ng mata kaya napaatras ako. "Oo! 'Yong maganda, may asawa ka na pala hindi mo man lang ako inimbita sa kasal niyo, e di sana ay naisuot ko ang bagong biling bestida sa akin ng anak ko!" mataray na wika niya. Napabubtong-hininga na lamang ako. Iba talaga ang panagap ni Aling Lourdes, ang lakas masyado. "Biglaan lang din ho ang nangyari, kahit na ako nga po ay nagulat sa k-kasal namin," paliwanag ko rito. "E, wala na akong pakialam, nand'yan ba ang asawa mo?" tanong niya sa akin. "Wala ho rito si Luna, umuwi po siya sa kanila, ano po bang sadya mo kay Luna?" "Wala ba siya? Sayang naman at nagluto ako ng kakanin at bibigyan ko sana siya pero wala pala siya," anito kaya napatingin ako sa hawak niya. "Sige, mauna na ako sa'yo, wala pala ang sadya ko rito." "Nandito naman ako Aling Lourdes, sa akin mo na lang ibigay ang kakanin na 'yan," sabi ko at tiningnan ang hawak niya pero agad naman niya iyong iniwas sa akin. "He! Para ito kay Luna," sambit niya bago ako talikuran. Napailing na lang ako dahil sa kataratayan ni Aling Lourdes. Sinara ko na lang ang gate at muling pumasok sa bahay dahil mas lalo akong nakaramdam ng gutom dahil sa bitbit na kakanin ni Aling Lourdes, para lang pala 'yon kay Luna. Pumasok na lang ako sa kusina at sinimulang magluto. Sa dalawamg araw na wala si Luna rito magiging mapayapa ang buhay ko. Kapag kasi nasa paligid ko siya ay para bang nasa paligid ko lang din si Kamatayan. Habang nagluluto ay pasipol-sipol ako. Ano kayang ginagawa ngayon ni Luna? E, ano namang pakialam ko? Tch! Kumuha ako ng plato at inilagay ro'n ang nilutong hotdog at itlog. 'Yan lang ang alam kong lutuin, d'yan umiikot ang mundo ko. Nilapag ko ang mga ito sa lamesa at naupo na rin sa upuan. Napakapayapa. Walang magulo. Walang maingay. At walang— "Good morning, Kenan!" Peste... "Anong pagkain mo? Pahingi ako, hindi pa ako kumakain," aniya at walang ano-anong kinuha ang plato nanasa harap ko. "Zup." Kay Drake naman nalipat ang paningin ko nang pumasok siya sa kusina. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila habang nakakunot ang noo. Tiningnan ko si Recco na ngayon ay nilalantakan na ang niluto kong pagkain na para sa akin. Binabawi ko na ang mga sinabi ko kanina. "What are you doing here? Luna's not here," sabi ko sa kanila. "And that's the point, wala rito si Luna pero nandito ka. Magbihis ka na dahil pupunta tayo sa bahay niya," sagot ni Drake na aking ikinagulat. Ang akala ko ay magiging tahimik ang weekends ko pero ito, nasa harap ko na ang mga taong gumugulo sa buhay ko. "Ayaw ko," sagot ko, narinig ko na naubo si Recco samantalang si Drake ay tumaas lang ang kilay. "We're not asking you, utos 'yon ni Luna," sabi ni Drake. "Then, tell her na ayaw kong sumama sa inyo," simpleng sagot ko sa kaniya. "Kenan, gusto mo na ba talagang mamahinga?" tanong sa akin ni Recco kaya naman naplunok ako. "You're m*ron," bulong pa nito. "Hindi mo gugustuhin kapag si Luna pa ang sumundo sa'yo," dagdag pa ni Drake. Hindi ko alam kung nananakot lang ba sila pero base sa kanilang mga hitsura ay seryoso sila. "Magbihis ka na kung ayaw mong magkaro'n ng part two ang pag-k*dnap namin sa'yo," wika ni Recco na kinagulat ko. Kung gano'n pala ay silang dalawa ni Drake ang dumukot sa akin no'ng nakaraan at sila rin ang nagdala sa akin kay Luna? Kinilabutan ako sa naisip ko kaya naman tumayo na ako upang magbihis dahil baka kung ano pang gawin ng dalawang ito sa akin, wala rin naman akong trabaho na papasukan ngayon kaya mas mabuti na rin na sumama na ako sa kanila baka ipakilala na rin ako ni Luna sa pamilya niya kaya kailangan kong maging presentable. Ang lakas ng tama no'ng dalawang 'yon, buti na lang talaga at mabait ako. Nagbihis ako ng isang prensentableng damit, polo at nagpantalon pa ako. Inamoy ko ang sarili ko at buti na lang at wala akong amoy kahit na hindi pa ako naliligo. Humarap ako sa salamin na nandito sa k'warto namin ni Luna at tiningnan ang suot. Alam ko namang bagay sa akin ang lahat ng isuot ko dahil g'wapo ako. "Ho..." Nagbuga ako ng hangin sa bibig bago hilahin sa ibabang paster ang suot kong polo. I need to be handsome, baka mamaya ay ipapakilala na ako ni Luna sa mga magulang niya at makita ang hitsura ko. Kailangan ay maging g'wapo tayo sa paningin nila dahil maganda si Luna. "Wow, dito ang k'warto niyo?" Agad akong napatingin kay Recco na biglang pumasok sa k'warto namin. Nakita ko na nakangisi siya habang inililibot ang paningin sa loob ng k'warto namin ni Luna. Siguradong lalaitin na naman niya ang k'warto namin. "Whoa," aniya habang natatawa, tumingin siya sa akin kaya naman tiningnan ko rin siya. "Isa lang ang kama, tabi kayo matulog?" tanong nito na nakapagpatayo sa mga balahibo. "Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, 'yon ang sofa ko, d'yan ako natutulog, kahit kailan ay hindi kami matutulog ng magkatabi," sabi ko rito at nilagpasan upang bumaba na baba kung nasaan si Drake na naghihintay sa amin. "Never kayong natulog ng magkatabi? Hindi mo alam baka mamaya ay may nangyari na sa inyo." "Shut your mouth, Recco. Kulang pa ba ang kinain mo?" tanong ni Drake nang mukhang narinig ang mga pinagsasabi ni Recco. Una palang alam ko na siraulo na talaga si Recco. "Luna will k*ll you, you're f*cking b*stard," dagdag pa ni Drake na talagang sinamahan niya pa ng malulutong na mura. Pagkatapos murahin ni Drake si Recco ay nauna na itong lumabas sa akin kaya ngayon ay kaming dalawa na lang ni Recco ang nandito sa loob ng bahay. "Luna will k*ll you, your ass! Tss!" bulong ni Recco na parang ginaya pa ang boses ni Drake. "C'mon, Kenan. Luna will get mad kapag hindi ka namin nadala sa kaniya sa oras ng usapan. Alam mo naman si Luna, ayaw na ayaw kang nawawala sa paningin niya." Tumaas ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Wala talagang preno ang bibig ni Recco minsan. Hindi ko alam kung kaano-ano ba sila ni Luna pero palagay ko ay malapit silang kaibigan ni Luna o hindi kaya ay malapit na kamag-anak. Umiling na lang ako upang mawala sa aking isipan ang bagay na 'yon, ang dami ko pa talagang hindi alam kay Luna. Sumunod na lang ako sa kanila at nakita ko ang isang mamahaling sasakyan sa labas ng gate namin at nagulat ako nang makita na ang daming tao na nakatingjn sa bahay namin. Ayan na naman sila, may panibagong topic na naman sila. Hindi ko na lang sila pinansin, nang mai-lock ko na ang gate ng bahay namin ay sumakay na ako sa back seat ng kotse na nasa harap ko. Pagpasok ko ay agad nang binuhay ni Drake ang kotse at sinimulang i-drive, si Recco naman ay nasa harap din nakaupo. Habang nasa byahe ay para bang machine ang bibig ni Recco na hindi na nagtigil sa kakabuka. Hindi ba napapagod ang bunganga niya sa kakasalita? Ako na kasi ang napapagod para sa kaniya. "Hindi ko alam kung bakit hindi ka pa sinama ni Luna kagabi sa pag-uwi niya sa bahay niya basta ang alam ko ay mainit ang ulo niya, may ginawa ka bang hindi niya magustuhan?" Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa tanong ni Recco. Si Luna? Mainit ang ulo? Hindi kaya dahil 'yon sa nangyari kagabi? Kaya ba siya umalis at umuwi sa bahay niya? Napalunok ako sa mga naisip ko. Galit siya sa a-akin? D*mn! Hindi kaya ay nagsumbong siya sa pamilya niya? Tapos i-t*rture na lang nila ako bigla dahil nasaktan ko si Luna, not physically but emotionally. Sisimulan ko na bang magdasal? Mamaya ay isa palang nakakatakot na mafia ang buong angkan ni Luna. "M-medyo?" hindi siguradong wika ko kay Recco. "Tsk! Tsk! Tsk! Kaya naman pala gano'n ang mood ni Luna dahil si Mister ang probelma, basta ang masasabi ko na lang sa'yo, goodluck. Hindi madaling suyuin si Luna, kung ako sa'yo para lumamig ang ulo niya ay bigyan mo siya ng anak." Anak ng— anak!? Kapalit ng paglamig ng ulo ni Luna!? Paano na lang pala kung araw-araw siyang wala sa mood at mainit ang ulo!? E di araw-araw rin kaming mag— Aish! Ano ba 'tong nasa isip ko. Masyado ng nagiging marumi ang pag-iisip ko. Parang biglang ayaw ko na tuloy makilala ang angkan ni Luna at parang gusto ko na lang bumalik sa bahay at matulog maghapon. Pero paano nga kung bigyan ko na ng anak si Luna, total 'yon lang naman talaga ang gusto niya sa akin pero... Hindi ko kaya! Hindi ko ma-imagine na ginagawa namin ang bagay na 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD