PAGE 8

2132 Words
Tahimik ako habang nasa byahe kami at gano'n din ang mga kasama ko dahil nakatulog na si Recco dahil siguro sa pagod kakadaldal. May kapaguran din pala ang bunganga niya. Tumingin ako sa labas ng bintana at napansin ko na para bang bukid na ang dinaraanan namin. Hindi ko alam kung gaano na kaming katagal na bumabyahe, basta ang alam ko ay malayo ang bahay ni Luna. Sobrang layo! Sigurado ako na maganda ang bahay niya. Napahikab ako dahil nakakaramdam na rin ako ng antok. "Malayo pa ba, Drake?" tanong ko kay Drake na driver namin. "We're almost here," sagot niya sa akin kaya naman tumango ako bago sumandal sa upuan. Napakalayo naman ng bahay ni Luna. Hindi ko alam na nakatulog pa pala ako kahit na ang sabi ni Drake ay malapit na kami. Nagising na lang ako nang may maramdaman akong parang may umaamoy sa bagay na nasa pagitan ng mga hita ko kaya naman kahit na pupungay-pungay pa ang mga mata ko ay tiningnan ko ito. May aso sa harap ko habang inaamoy ang nasa pagitan ng hita ko. 'Aso lang pala.' Ipipikit ko na sana ang mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang nasa harap ko. Isang malaking aso! Nanlalaki ang aking mga mata habang tinitingnan ang aso na nasa harap ko habang patuloy ito sa pag-amoy sa may harapan ko na parang may inaamoy na kung ano. "Sho!" Pagtataboy ko rito pero hindi ito natinag at nagpatuloy sa pag-amoy sa aking harap. Unti-unting bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Nakahinto na ang sasakyan namin pero hindi ko alam kung bakit may aso sa harap ko at inaamoy ang kargada ko. "S-sho!" Winasiwas ko ang kamay ko kaya naman napatingin sa akin ang aso. Nakatitig lang ito sa akin at bigla na lang tumahol kaya naman nagulat ako. "Luna!" sigaw ko at umusad upang makalayo sa aso na ngayon ay tinataholan na ako. "L-luna!" tawag kong muli sa babae. Hindi ko alam kung saan ako bababa, natataranta na ako. "Sho! Sho! F*ck! Luna!" Palapit nang palapit sa akin ang aso na parang sasakmalin ako ano mang oras. Akala ko ay katapusan ko na pero may narinig akong sipol at bigla na lang tumakbo palabas ng kotse ang aso na nasa harap ako. Ako naman ay napasandal sa upuan at nagbuga ng hangin. Hindi pa rin nahuhupa ang kaba ko. Akala ko ay katapusan ko na. "Are you okay?" Biglang bumukas ang pinto na nasa tabi ko at si Luna na may hawak na baril ang pumungad sa akin kaya naman muli akong napaatras. Napansin ata ni Luna kung saan ako nakatingin kaya tiningnan niya ang hawak niya bago 'to ilagay sa kaniyang baywang at takpan ng suot na damit. "Tara," aniya bago tumalikod at maglakad papalayo sa akin. Umiling muna ako bago ko mapagpasyahan na sumunod na rin sa labas dahil baka mamaya ay balikan na naman ako ng aso kanina. Paglabas ko ay malaking bahay ang bumungad sa akin. Isang malaki at magandang bahay, walang-wala rito ang bahay ko. "Whoa," bulong ko at tumingala upang makita kung gaano kataas ang bahay na ngayon ay nasa harap ko. "Amaze?" Tumingin ako sa babaeng ngayon ay nasa tabi ko na. Ang akala ko ay umalis na siya? "This is your house?" tanong ko rito. "Correction, 'our house'." Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya na mukhang napansin ni Luna. "Nakalimutan mo na bang mag-asawa tayo? Kaya ang sa akin ay sa'yo na rin at ang sa'yo ay sa akin rin," sabi niya bago ako tanguan. "Always remember that thing." Kung gano'n ang yaman ko na pala. Gusto kong ngumiti ng malapad dahil sa narinig ko pero kapag naiisip ko na si Luna ang kahati ko sa lahat ng ito, kinikilabutan ako. "P*tcha! Kenan! Ayos ka lang!?" Agad akong napatingin kay Recco na tumatakbo palapit sa amin pero agad akong naalerto nang makita ko ang kasunod tumakbo ni Recco. Agad kong hinawakan sa magkabilang balikat si Luna at pinang harang sa aking katawan. "That d*mn dog again," bulong ko habang nakatingin sa aso na tumatakbo rin papalapit sa amin. "Luna, do something to stop that dog," utos ko rito sa babaeng nasa harap ko. "Coward," bulong nito kaya naman humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniya. "Conna!" sigas ni Luna at nagulat ako nang biglang huminto ang as sa pagtakbo. "Come here," sunod na wika ni Luna at biglang tumakbo nang mabilis ang aso papunta sa direksyon namin. "L-luna," bulong ko rito at inalog. "Kenan! 'Wag kang matakot kay Conna, mas matakot ka sa taong hawak mo ngayon," saad ni Recco at sinundan ng malakas na tawa. Tiningnan ko si Recco bago mapatingin sa babaeng nasa harap ko. May punto si Recco, mas kailangan ko nga mag-ingat sa owner ng aso. "Ano? Kumusta ka? Balita ko inamoy raw ni Conna 'yan," aniya at nginuso ang nasa pagitan ng mga hita ko kaya naman tinakpan ko ito gamit ang mga kamay ko. Napangisi si Recco sa ginawa ko. "Mukhang nagustuhan naman ni Conna ang amoy niyan." 'B'wisit 'tong si Recco, kung ano-ano na naman ang lumalabas sa bibig.' "Stop teasing him, Recco. Kaya hindi nagiging komportbale si Kenan kapag tayo ang kasama," saway ni Luna sa lalaki na nakapagpatikom sa bibig ni Recco. "Okay, I'll go to my Papa Drake na lang," anito bago ulit tumakbo palayo sa amin. "Conna!" sigaw ni Recco at nakita ko na sumunod si Conna sa kaniya kaya ngayon ay kaming dalawa na lang ni Luna ang nandito. "C'mon, kain tayo." Umalis si Luna sa harap ko kaya sumunod na rin ako sa kaniya dahil nangagawit na ako kakatayo, isa pa gusto rin makita ang bahay NAMIN. Nauuna sa akin si Luna, habang ako ay nag-e-enjoy sa kakatingin sa loob ng bahay NAMIN. Simple lang ng design pero ang ganda. May taste rin pala si Luna pagdating sa mga ganitong bagay. Pero pansin ko lang, parang wala ata akong nakikitang tao bukod sa aming apat. Kanina pa ako nagmamasid pero kahit anino ng isang tao ay wala akong nakikita. 'Nasaan kaya mga tao rito? Baka umalis at hindi nila alam na uuwi si Luna sa bahay.' Napakibit-balikat na lang ako. Gusto ko sanang magtanong kay Luna pero nakakahiya naman baka isipin niya ay interesado ako sa buhay niya. Pero... Siya na rin naman nagsabi na mag-asawa kami, 'di ba ang mag-asawa dapat ay kilala na ang isa't-isa? Pero iba naman ang kaso nang sa amin, parehas namin hindi kilala ang isa't-isa o mas magnda atang sabihin na hindi ko siya kilala pero ako kilalang-kilala niya. "Do want something?" biglang tanong ni Luna kaya naman sa kaniya nalipat ang atensyon ko. "You," sabi ko rito at nagulat naman ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad kaya nabungo ako sa likod niya. Bigla siyang humarap sa akin na nakakunot ang noo. "What do you want?" takang tanong nito sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na p*ngit pala ang naging sagot ko. Mali ang pagkaka-delivered. Minsan talaga mas gusto ko na lang maging tuod. "A-anything," sagot ko sa kaniya na hindi makatingin sa mga mata ni Luna. "Then let's go to our kitchen," anitong muli at hinawakan ang aking kamay bago maglakad papunta sa kung saan. Para akong kinukuryente habang hawak ni Luna ang kamay ko, para ring may nagkakarerahan na mga kabayo sa dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ako at para ring may mga insekto ang nasa tiyan ko na nagwawala. Ramdam ko ang mainit kong mukha habang nakatingin sa kamay namin na magkahaka. Tahimik lang kaming naglalakad ng sabay at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Tanging tunog lang ng mga sapatos namin ang naririnig ko sa buong hallway. Tumingin ako sa kasama ko at nakita ko na nakatingin siya sa dinaraanan namin. Nakakabingi na ang katahimikan namin. Balak ko sanang magsalita pero hindi ko alam kung anong salita ang aking sasabihin para makapagbukas sana ng usapan. Lumiko kami sa isa pang hallway na may pinto sa dulo. Pumasok kami sa nasabing pinto at bumungad sa akin ang malaking kitchen. Parang ganito kalaki ang k'warto namin. 'Yong k'warto namin, kusina lang kay Luna. "Maupo ka na d'yan," utos sa akin ni Luna kaya naman humila ako ng upuan sa lamesa na nasa gilid ko. Nakita ko na kumuha siya ng apron at sinuot 'yon. "'Di ba namuhay ka ng apat na taon ng ikaw lang?" Ang akala ko ay magsisimula nang magluto si Luna pero nagulat ako nang bigla itong humarap sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. "Yes," sagot ko rito. "So, may alam ka sa pagluluto?" tanong nito sa akin at parang alam ko na kung saan papunta ang usapang 'to. "Medyo, tinuruan ako ng Lolo ko magluto," muling wika ko at nakita ko na napatango siya. "May Lolo ka? Nasaan ang Lolo mo?" tanong muli ni Luna. "He's passed away," maikling sagot ko rito. Hindi ko na nakita ang mukha pa ni Luna nang tumalikod na siya sa akin at magsimulang kumilos sa harap ng stove. "Siya ba ang kasama mo sa loob ng apat na taon?" "Oo, siya na ang kinamulatan ko, siya ang nakilala ko at nag-iisang tao na kasama ko." Siya ang kinilala kong magulang pero ang labis kong pinagtataka ay kung bakit wala akong maalala na kasama ko si Lolo no'ng bata pa ako. Wala akong maalala na may mga kasama ako no'ng bata pa ako. Tumingin ako kay Luna na nagsisimula nang magluto, wala naman sigurong masama kung magtatanong na rin ako sa kaniya dahil tinanong niya rin ako at sinagot ko siya ng maayos. May mga bagay rin palang tungkol sa akin ang hindi alam ni Luna, akala ko ay alam na niya ang lahat sa akin. "Uhm... L-luna?" agaw ko sa atensyon nito at saglit naman niya akong sinulyapan bago balikan ang ginagawa. "Hmm? May itatanong ka?" agad na tanong nito kaya naman nagdalawang isip pa ako kung itatanong ko na ba ang bagay na kanina pa bumabagabag sa isipan ko. Pero wala naman akong nakikitang mali sa bagay na itatanong ko kaya ibinuka ko na ang bibig ko. "Nasaan ang mga kasama mo rito?" tanong ko at napakibit-balikat bago ibaling sa ibang bagay ang aking paningin. "'Y-yong mga magulang mo?" tanong kong muli rito. "Ah, my parents? Wala na akong mga magulang," simpleng sagot nito sa akin at narinig ko ang pagp*tay niya sa stove kaya bumalik sa kaniya ang aking paningin. "Tulad mo ay wala na rin akong kasama sa buhay." "T-they— do you h-have a sibling?" pag-iiba ko sa dapat na itatanong ko. Itatanong ko kung p*tay na ba ang mga magulang niya pero baka biglang mag-iba ang mood ni Luna at biglang ako ang mapag-trip-an na lutuin. "Wala, wala na akong pamilya," sagot niya sa akin habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata. Nakatingin sa mismong mga mata ko si Luna, ang mga mata ni Luna na parang kinakausap ang mga mata ko. "Sa wakas, nagtanong ka rin nang tungkol sa buhay ko," sambit niya bago maglapag ng plato sa aking harapan. "Akala ko ay wala ka na talagang interest sa asawa mo." Dinilaan ko ang aking labi. Natutuwa pala siya kapag tinatanong siya. Kung gano'n ay wala na pala siyang kasama rito, wala na siyang pamilya. Ang akala ko ay ipapakilala na niya ako sa pamilya niya. Kaya rin ba sinsabi nila Recco na malungkot si Luna at tanging anak lang ang makakapagpasaya sa kaniya? Kung sakali mang magsama talaga kami at sa tuwing malungkot siya ay kailangan ko siyang bigyan ng anak? Nanginig ako sa naisip ko. Masyado ng nagiging m*laswa ang pag-iisip ko. "Kumain ka na," utos niya sa akin kaya hinawakan ko na ang kutsara na nasa harap ko. "Ako lang ang nandito sa bahay, gusto ko sana na rito tayo tumira ang kaso ay masyadong malayo sa bayan ang lugar na 'to at alam ko na mahihirapan kang pumasok sa eskwelahan niyo kung dito ka pa papasok." "A-ahh, you have a point," wika ko sa gitna ng pagsubo ko. Hindi na rin nagsalita si Luna at nakita ko na kumakain din siya kaya mas minabuti ko na lang din ang tumahimik na lang. Parehas lang pala kami ng buhay ni Luna, walang kasama at wala ng pamilya. Pero kahit na gano'n ay hindi ko nakikita na maging rason niya 'yon para gawin niya sa akin ang bagay na 'to. Mali ang ginawa niya na ipadukot ako at sapilitang ipakasal sa kaniya. Parang wala nga siyang pakialam sa nararamdaman ko, hindi man lang niya ako tinanong kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong plano ni Luna at bigla na lang siyang pumasok sa buhay ko pero isa lang sigurado ako. Hinding-hindi ko siya magugustuhan kahit na kailan dahil sa ginawa niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD