Ganito ba 'yong pakiramdam niya no'ng makita niya kami ni Joyce? Kung gano'n ay sobrang sakit pala. Para akong pinap*tay nang dahan-dahan. Hindi ko alam kung anong oras na. Madilim ang pligid at tahimik ang buong silid ko. Si Tristan… pinabalik ko na siya kila Luna. Ano pa bang dahilan para manatili pa siya rito? Naramdaman ko na namang tumulo ang luha ko kaya muli ko na lang itong tinuyo gamit ang palad ko. Parang hindi nauubos ang mga luha ko. Pagod na 'yong mga mata ko. Nagmumukha na akong babae rito dahil sa kaiiyak. Wala e, sa tuwing naaalala ko ang posisyon nila na para bang gusto nila 'yong ginagawa nila, para akong tinu-t*rture. Sumasakit ang dibdib ko kapag naaalala ko ang mukha ni Luna habang nakadikit ang labi ni Brain sa labi niya. "This is so f*cking hell," naiusa

