Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatitig sa kawalan habang hinihintay na makabalik si Luna galing sa banyo. Hindi ko alam kung ano ang sunod na gagawin. Nablangko na naman ang isip ko. Sa ilalim ng lamesa kung nasaan ang mga kamay ko, nando'n na ang sing-sing na ibibigay kay Luna. Pero mukhang tinakasan na naman ako ng tapang ko. Alam ko na okay na kanina. Planado na ang lahat pero bakit ngayon e biglang ganito? Akala ko ay magiging madali sa akin ang bagay na 'to pero iba pa rin pala kaag nasa kasalukuyan ka na at ilang segundo na lang ang hinihintay mo. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bagay na nasa palad ko. Nagpakawala ako nang isang malalim na hininga. 'Hindi ko kaya—' Nakatingin ako kila Recco nang bigla na lang silang sumulpot kung saan dala ang iba't ibang kul

