Hinila ko ang hawak kong maleta papasok sa airport kung saan naghihhintay na ang bagong ayos kong private airplane. Buti na lang at naayos agad ‘to kaya hindi na namin kailangan pumila nang matagal para lang makabili ng ticket pauwing Pilipinas. “Ang akala ko ba ay gusto mo pa sa New York?” pabulong na tanong ko sa katabi ko habang sabay kaming naglalakad. Saglit naman niyang inihinto ang kaniyang pagkain bago ako tingnan at sagutin. “Naalala ko, wala na akong gagawin dito kung wala na kayo at isa pa hindi ako nakapagpaalam sa family ko na pupunta ako ng New York,” tugon nito naikinagulat ko pero buti na lang at may suot akong sunglasses kaya hindi niya nakita ang naging reaksyon ko. Pasaway talaga ang batang ‘to. Umalis sa bahay nila para sumama sa amin sa ibang bansa at ang malala

