Chapter 2 - Trevor Madrigal

1108 Words
Tatlong buwan din ang nagdaan bago ako naka-recover. Sinamahan ako ni Edward na dalawin ang puntod ng anak ko at doon ay nangako ako na gagawin ko ang lahat para makaganti sa mga Madrigal sa ginawa nila sa sa akin, sa Nanay at sa anak ko. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Caballero laban sa mga Madrigal. “Phoenix Club…” basa ko sa pangalan ng mamahaling club kung saan naroon kami ngayon. “Puro yata mayayaman ang pumupunta rito." “Kaibigan ko ang may-ari," sagot ni Edward habang nakasunod ako sa kaniya papasok. “Karamihan sa mga customers dito ay mga artista, politician at mga socialites." “At ano namang mapapala natin dito?" Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. “Don't you remember what I told you about Trevor Madrigal? He’s a certified womanizer. He spends his weekends here, hooking up with beautiful hot women.” “So, kaya ako nandito kasi—" “Si Trevor Madrigal ang magiging daan mo para makapasok ka sa mansyon nila. Sa dalawang magkapatid, siya ang madaling manipulahin dahil kahinaan niya ang mga katulad mo." Napatingin ako sa suot ko. Nakasuot ako ng knee-high black boots para ipares sa daring at mamahalin kong suot na red body-hugging dress. Nakalugay din ang wavy kong buhok. Ako naman ang nag-make up sa sarili ko dahil parang sanay na sanay na akong gawin ‘yon. Pagpasok namin sa loob ay nangibabaw ang malakas ng upbeat music at hiyawan ng mga taong nagsasayawan sa gitna. Naningkit ang mga mata ko dahil sa makukulay na ilaw at napahawak na lang ako sa braso ni Edward. “Are you scared?" tanong ni Edward habang paakyat na kami sa taas. Medyo nabawasan na ang ingay roon. “O-Okay lang ako," alanganing sagot ko. Hindi ko pa rin kasi maiwasang matakot. Paano kapag nawala ako sa sarili ko kapag nakita ko ang lalakeng gumago sa akin? Paano kapag nasira ko ang plano? Paano na si Nanay? “Hey, if you can’t do this, pwede naman nating hindi ituloy ‘to—" “Edward, kaya ko ‘to," paniniguro ko at ngumiti nang maliit sa kaniya. Puno kasi ng pag-aalala ang mga mata niya. Bumuntong-hininga siya at may kinuha mula sa bulsa niya at pinasak sa kanang tenga ko. “You should update me with this," sambit niya habang inaayos ang buhok ko para takpan ang earpiece na nilagay niya. “In case may mangyari, nasa tabi-tabi lang ako." Tumango ako sa kaniya at bumuga ng hangin. Maya-maya ay dumating na ang kaibigan niya na may-ari ng club. Morisette Alvar ang pangalan ng babae at mukha itong model. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila. Touchy ang babae dahil kanina pa ito humahawak sa balikat at dibdib ni Edward. Hindi ko alam kung anong relasyon nila at wala na akong paki roon. Maya-maya pa ay mag-isa na akong naghihintay sa loob ng isang malaking VIP room. Nakasuot ako ng pulang maskara dahil ang sabi ni Edward ay kailangan ko munang maakit si Trevor bago ko maipakita ang mukha ko. Klaro ang plano: Magpapakilala ako kay Trevor bilang si Michelle Vellez, at dahil walang nagbago sa itsura ko ay mababaliw ito sa kakaisip kung ako si Rose na matagal nang patay. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa sobrang lamig pero napatuwid ang upo ko nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na lalake na nakasuot ng suit. Kaagad akong tumayo at hindi pinahalata ang kaba ko. Totoo nga ang chismis. Makalaglag-panga nga ang kapogian ng lalakeng ito. Puno ng karisma ang mga mata niya at may matutulis na panga. Kahit sinong babae ay bibigay sa lalakeng ito—liban sa akin. Kusang nagkuyom ang mga palad ko at hindi ko namalayan na naglakad na siya palapit sa ‘kin nang may ngisi sa mga labi. “What’s with the mask, huh?" Napapitlag ako nang maramdaman ang hininga niya sa batok ko. Naglalakad na siya ngayon sa likod ko. Amoy alak ang hininga nito pero sinubukan kong huwag mag-react. Gustong-gusto ko siyang itulak palayo at sapakin. Nagulat ako nang bigla niya akong pinihit paharap sa kaniya at kinabig ang bewang ko, dahilan para magdikit ang mga katawan namin. Nakatingin siya sa mga labi ko at akmang susunggaban niya ako pero itinulak ko siya palayo. Muntik pa siyang masubsob sa couch. “What the hell was that for?!" kunot-noong sikmat niya. “Ayaw mong magpahalik?! Then why the hell are you doing here, b***h?!" "Rose, anong nangyayari?” tanong ni Edward mula sa kabilang linya. Sasagot sana ako pero biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako roon at napahiyaw sa sakit. "T-Trevor, anong ginagawa mo?! Bitawan mo ‘ko!” Naroon ang takot sa boses ko. Isang alaala. Mapait na alaala kasama ang demonyong nasa harap ko. Napapikit ako nang mariin habang hinahayaang dumaloy sa isipan ko ang mga senaryong iyon. Parang naroon ako sa madilim na lugar. Hindi ako makagalaw. Nanlalabo ang paningin ko pero naaninag ko pa rin ang nakangising mukha ni Trevor. “Akin ka na ngayon…" "T-Trevor…bakit…” “T-Tama na!" malakas na sigaw ko na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. “Rose! Hang in there!" May bahid ng pag-aalala ang boses ni Edward bago siya nawala sa kabilang linya. “Why are you acting like that, huh? Baka nakakalimutan mong binili na kita—" “Kailangan ko nang umalis," mariing tugon ko habang hindi makatingin nang diretso sa kaniya. Kailangan ko nang umalis dito bago pa tuluyang masira ang plano. Tumalikod na ako at nagtungo sa pinto pero hinawakan niya ako sa braso at pilit pinaharap sa kaniya. Nagpumiglas ako at hindi ko namalayan ang pagluwag ng tali ng suot kong maskara. Huli na para maayos ko iyon at tuluyan nang bumagsak sa sahig. Awtomatikong lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Trevor habang nilalakbay ng mga mata niya ang kabuuan ng mukha ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya at napaatras. “Y-You…” Kaagad kong pinulot ang maskara ko at nagtangkang umalis pero napako ako sa kinatatayuan ko nang magsalita siya muli. “R-Rose…” Napapikit ako nang mariin, pinipigilan ang sarili na aminin sa kaniya ang totoo. Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at hinayaan ko siyang ipihit ako paharap sa kaniya. Ngunit nagulat ako nang makita ang luhaan niyang mga mata. “Y-You’re alive…” Pinigilan ko ang singhalan siya. Anong karapatan niya na umaktong ganyan pagkatapos ng lahat ng ginagawa niya at ng pamilya niya sa akin? Oo, buhay ako. At nandito ako ulit para gumanti sa lahat ng ginawa ng pamilya n’yo sa akin. At ikaw, Trevor… ikaw ang uunahin ko…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD