Chapter 3 - The Bait

1585 Words
"H-Hindi ako si Rose," nanginginig ang boses na sagot ko. "Kaya bitawan mo 'ko." Hindi niya na ako muling pinigilan pa at hinayaan na akong makaalis sa lugar na 'yon. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Nabunggo ko ang grupo ng mga lalakeng sumasayaw sa dance floor. May sinasabi sila sa akin pero hindi ko maintindihan. Nawawala na ako sa sarili ko. Hindi ako makahinga. Hindi maalis sa isip ko ang kapirasong alaala na 'yon. "Rose!" Naramdaman ko ang mainit na bisig na yumakap sa akin. "H-Hayop ka..." nanginginig ang boses na sambit ko. Nagkumawala ako sa mula pagkakayakap ng lalake pero walang laban ang lakas ko sa lakas niya. "It's okay. I'm not him," masuyong bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko. "You can curse me all you want." Napahagulhol na lang ako sa sinabi niya. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at hinayaan niya lang ako. Humigpit ang pagkakahawak ko sa suot niyang coat. "H-Hindi ko pala kaya, Edward..." Paulit-ulit akong umiling. "I-Ilayo mo na 'ko rito, please..." "It's okay. Uuwi na tayo." *** "Bakit hinayaan mo siyang umuwi? Hindi dapat kayo umatras! Pagkakataon na 'yon, eh!" "Mas iisipin ko pa ba 'yon kaysa sa kalagayan ni Rose? Pinagdaanan mo rin ang pinagdadaanan ng anak mo ngayon! Bakit hindi mo 'yon maintindihan?!" Pumikit ako nang mariin, nagpapanggap na hindi ko naririnig ang pag-aaway nina Nanay at Edward mula sa labas ng kwarto ko. Para akong paslit na nagtatago sa madilim na kwarto. Ayaw ko ng kausap at hindi nagsasalita. Dumilat akong nang marinig ang pagpasok ni Nanay sa kwarto ko. Umupo siya sa tabi ko kaya napilitan akong bumangon para harapin siya. Madilim man ay naaninag ko pa rin ang pagkislap ng mga luhang dumadaloy sa pisngi niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "A-Anak, naiintindihan mo naman ako, 'di ba?" umiiyak na tanong niya. Tumango ako bilang sagot kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko. "H-Hindi ko po naalala lahat pero...damang-dama ko 'yong takot na naramdaman ko nang ginawa niya 'yon sa 'kin. G-Gusto kong lumaban, Nay. Pero paano ko magagawa 'yon kung tuwing nakikita ko siya o tuwing nahahawakan niya 'ko ay naaalala ko ang kahayupan niya?" "Naiintindihan ko, anak. Pero hindi tayo pwedeng magpatalo sa emosyon. Kailangan mong lumaban para sa 'kin...para sa sarili mo at lalong-lalo na para sa anak mo." Umiling ako at nagbaba ng tingin. "M-May makukuha po ba tayo sa gagawin natin? Maibabalik pa ba lahat ng nawala sa 'tin kapag gumanti tayo? Hindi ba pwedeng lumayo na lang tayo, Nay?" Binitawan niya ang kamay ko. "Akala ko ba napag-usapan na natin 'to? Akala ko naiintindihan mo 'ko?" Tumitig ako sa mga mata niya. "Nay, bakit parang ginagawa mo 'kong bala sa isang kanyon? Hindi rin 'to madali sa 'kin." Bumuntong-hininga siya at nagbaba ng tingin. Maya-maya pa ay tumayo siya at walang pasabing lumabas ng kwarto ko. Bumuga ako ng hangin at humiga na lang ulit. Naramdaman kong may pumasok ulit pero hindi ako nag-abalang tingnan kung sino 'yon. "You have to be patient with her. Masyado siyang emosyonal katulad mo. Hindi kayo magkakasundo." "At sinong iintindi sa 'kin?" tanong ko sa kaniya. "Gusto kong mapag-isa, Edward." "Just so you know, naiintindihan kita. I'll accept whatever your decision is." Lumingon ako sa kaniya pero wala na siya roon. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako dahil nagkakagulo sa labas. Parang hinila pababa ang puso ko dahil nakita ko si Nanay na walang malay habang pilit ginigising ni Ferrer at ni Edward. Katabi niya ang mga pills na nagkalat at ang boteng lalagyan nito. Kaagad namin siyang sinugod sa ospital at nakahinga ako nang maluwag nang ideklara ng doktor na okay na siya. "Kasalanan ko 'to, eh," umiiyak na sambit ko kay Edward. "Kung pumayag sana ako sa gusto niya, hindi mangyayari 'to—" "It's not your fault. Okay?" "Pero kasalanan ko kung bakit niya nagawa 'yon sa sarili niya!" frustrated na sigaw ko. "Anak niya 'ko kaya dapat ako ang mas nakakintindi sa kaniya!" "Sinasabi mo bang itutuloy mo ang misyon?" kunot-noong tanong niya. Hindi ako sumagot. Mas importante sa akin ang kalagayan ng nanay ko. Lumuluha na hinawakan ko ang kamay ni Nanay habang wala pa siyang malay. "S-Sorry, Nay. Alam kong mahirap pero gagawin ko na 'yong gusto mo. Huwag mo lang uulitin 'to, please..." Hinalikan ko ang kamay niya at nagulat ako nang gumalaw 'yon. Napangiti ako nang makitang gising na siya. "Narinig ko 'yon," nakangiting sambit niya. Tumango ako at hinaplos ang buhok niya. "Oo, Nay. Gagawin ko na ang gusto mo." Kahit mahirap, kahit hindi ko alam kung kakayanin ko. Gagawin ko lahat para sa kaniya. *** "So, you have changed your mind...again." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Edward at itinuon lamang ang atensyon sa natutulog na si Nanay. "You don't have to do it—" "Gagawin ko, Edward," putol ko sa sinasabi niya. "Hindi ko hahayaan na magkaganyan si Nanay dahil sa 'kin." "Paano ka? Do you even think about yourself?" Bumuga ako ng hangin at hinarap siya. "Pwede ba—" "Boss! May paparating!" Napatingin kami pareho sa kakarating lang na si Ferrer. "Si Trevor Madrigal! Nandito siya!" Nagkatinginan kami ni Edward at sabay na napakunot ang noo. "Hindi ka niya pwedeng makita rito. Makikilala niya si Maria," sambit ni Edward. "A-Anong gagawin ko?" tarantang tanong ko. "Face him." Napalunok ako sa sinabi niya, kinakabahan sa muling paghaharap namin ng lalakeng 'yon. Naramdaman ko ang paghawak ni Edward sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Get yourself together. Nasa likod mo lang kami." Bumuntong-hininga ako at tumango. Tinungo ko ang pinto para lumabas at saktong natanaw ko si Trevor na naglalakad palapit. Nakasuot pa siya ng suit. Wala siyang kasama. Halos hindi ako makahinga nang huminto siya sa harap ko. Itinago ko ang nanginginig kong mga kamay sa likod. "Paano mo nalaman na nandito 'ko?" kaagad kong tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa kabuuan ng mukha ko. Alam ko na nakikita niya pa rin sa akin ang dati kong mukha dahil kitang-kita 'yon sa mga mata niya. "You really look like her," tila-wala sa sariling sambit niya. "Sino?" pagmamaang-maangan ko. "Si Rose? Iyon ang tinawag mo sa 'kin nang makita mo ang mukha ko, 'di ba? Hindi Rose ang pangalan ko. Ako si Mich." Tumikhim siya at umiling. "It doesn't matter anyway. That woman died five years ago. You look like her but you are way more prettier." Gusto ko siyang sapakin sa mga pinagsasabi niya. "Anyway, I have my ways to find you that's why I came here despite of my hectic schedule. What are you doing here anyway?" Tumingin ako sa pinto ng kwarto ni Nanay at ibinalik ang tingin kay Trevor. "May dinalaw lang ako. Uuwi na rin ako." Nilampasan ko na siya pero pinigilan niya ako sa braso. Napapikit ako at pinigilan ang sarili na iwakli ang kamay niya. Hinarap ko siya at ngumiti nang peke. "We're still talking. Bakit ka ba nagmamadali?" "Bakit mo ba ako hinanap?" balik-tanong ko sa kaniya. Iyon ang sinabi sa akin ni Edward. Kapag nagtanong siya ng mga bagay na hindi ko kayang sagutin, tatanungin ko siya pabalik. Mukhang effective 'yon dahil tumawa siya. "May utang ka pa sa 'kin. Umalis ka na lang bigla kagabi. Akala mo ba gano'n-gano'n lang 'yon? Binili kita." Tumawa ako nang sarkastiko. "Excuse me lang, ha? Kaming mga babae, hindi kami nabibili. Kung gusto mo, babayaran na lang kita." "Nah. I don't need money, and you can't throw me away just like that. Bakit ka ba kasi biglang umalis?" "Bakit hindi ka maghanap ng ibang babaeng lalandiin mo?" balik-tanong ko ulit. Nagkibit-balikat siya. "I couldn't get you off my mind. Hindi ko alam kung bakit." Pinaikot ko ang mga mata ko. "Libog lang 'yan." "I know." Tumawa pa siya at humalukipkip. "How do I get you? Tell me anything you want." Tumaas ang kilay ko. "Anything?" "Anything," nakangiting sagot niya. Nag-isip ako kunwari. "Kapatid mo si Gun, 'di ba?" Naningkit ang mga mata niya, nagtataka sa pagbanggit ko sa pangalan ng kapatid niya. "Yes. Why?" "Gusto ko siya. Gusto ko siyang makita araw-araw." "What do you mean?" Sa isang iglap ay naging seryoso siya. "Kunin mo 'ko bilang maid mo. Pwede mo 'kong maging alipin kapalit ng pabor na hinihingi ko sa 'yo." Bumuntong-hininga siya at tumingin sa taas habang hinahaplos ang sariling jawline. "I...don't get it." "Alin ang hindi mo maintindihan?" Gumalaw ang panga niya. Tumingin siya ulit sa akin. Sa pagkakataon na 'yon ay madilim na ang mukha niya. "Why him?" "Bakit hindi siya?" Hindi siya sumagot at nakipagtagisan lang ng tingin sa akin. Hindi ako bumitaw. Hindi ko pwedeng ipakita sa kaniya na mahina ako. "Do you really like him that much? Magpapaalipin ka sa 'kin para lang makita mo siya palagi? That's pathetic." "Mukhang natamaan ko yata ang ego mo, Mr. Madrigal?" pang-aasar ko. Ngumisi siya at humakbang palapit sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at tumitig lang sa nanghahamon niyang mga mata. "You're the only one who made me feel insecure. I mean, kung ibang babae ang kaharap ko ngayon, matutuwa pa sila sa offer ko. But unlike you..." "Mahirap akong makuha, Mr. Madrigal," pagmamalaki ko. "Kaya kung talagang gusto mo 'ko, gagawin mo rin ang gusto ko." Matagal siyang tumitig sa akin bago niya hinawakan ang baba ko. "Fine." Tumaas ang isa kong kilay. "Pumapayag ka na?" "I'll take you to my house."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD