Office War

1860 Words
Nathan POV Pinalagyan ko ng CCTV ang tapat ng station ni Jelhien, nang sa ganon ay makita ko kung anong ginagawa nya, kung dumating na ba sya, kung ano ang reaksyon nya sa bawat nilalagay ko sa lamesa nya. Call me stalker if you want I don't care. Lunes na, late na pero wala pa sya. Para akong tanga na nag aabang ng pagdating nya sa monitor ng computer ko. Mag aalas 10 na ng umaga ng makita ko syang maupo sa lamesa nya, hinihingal pa sya suot ang formal na longsleeve at mini skirt. "Bro, Jelhien Javier walk in here for job application" one of my friend txted me "Reject it" pagrreply ko. Tumataas ang galit sa ulo ko, talagang wala syang plano makipag usap sa akin, wala rin syang plano ayusin ang pamilya namin. Tumingin muli ako sa monitor ko at busy na sya sa pagttrabaho. Napakatigas ng puso nya. Nakasimangot akong nakatingin sa seryosong seryoso nyang muka. "Napakasungit, ni hindi man lang hinawakan ang flower na nilagay ko sa lamesa nya" "Excuse me Sir, may meeting po kayo with the Dept. Heads after 10mins" naistorbo ako sa panonood kay Jelhien ng pumasok ang secretary ko. Parang may light bulb ang biglang sumulpot sa ulo ko. Tama, ipapatawag ko sya sa secretary ko. "Ivy, call Ms. Jelhien of Credit Dept., then cancel all my appointment after this meeting. Thanks" Maya maya akong tumitingin sa orasan, magllunchbreak na sana matapos na ang reporting na to. Di na ko nakapagtimpi. "Stop. Meeting adjourned, just leave all the report to my secretary. Thank you" Dali dali na kong umalis at pumunta sa opisina ko. Baka nag aantay na sya doon. Sana ay maayos na namin ang problema namin dahil balak ko ng ipakilala ang sarili ko sa mga anak ko sa weekend. Sabik na sabik na kong mayakap sila at tawagin nila akong Papa. Pagdating ko sa office ay walang Jelhien na nag aantay. Kaya naman pinatawag ko ulit sya sa secretary ko. Dumaan ang isang oras at wala pa rin sya. Damn! Mukang iniignore nya ko. Tiningnan ko ang ginagawa nya at muka syang busy na busy. Maya maya pa ay napansin ko ang longsleeve nya na halos hanggang dibdib ang bukas ng butones, kanina ay nakasara iyon, ngayon ay halos makita na ang dibdib nya kahit pa may tube yun sa loob. Hindi na ko nag isip at ako na lang ang tatawag sa kanya papunta rito. Jelhien POV Lahat kame ay nagulat nang biglang bumukas ang pintuan ng aming dept. Si Nathan, at mukang galit na galit sya. "Pinatawag kita sa Secretary ko diba?" Matigas ang tono na sabi nya sa harap ng station ko, alam kong pinipigilan nya ang galit nya pero di ako papatinag. "Kung yung feasibility study Sir, naisend ko na po sayo. May mga deadlines po akong dapat tapusin" sagot ko habang tutok na tutok pa din sa computer ko "Ms. Gemma, excuse Jelhien for a while, ipasa mo muna ang trabaho nya sa iba. May importante lang kameng dapat pagusapan" Hindi na nya hinintay pa ang sagot ng Dept. Head ko at hinila na nya ko sa braso dahilan para mapatayo ako at magpatianod sa paghila nya, saka binato sakin ang coat nya at sinalo ko naman at niyakap baka malaglag. "Teka, teka lang naman Nathan" "Hindi ka madaan sa mabuting usapan ha! Isang linggo na kitang inaantay" patuloy pa rin sya sa paghila sa akin hanggang makarating kame sa elevator, mag 2pm pa lang at walang gaanong tao sa elevator. "Bat ka ba nanghihila, nakakainis ka naman e, di ko tuloy naisuot yung heels ko tsk" Tumingin naman sya sa paa ko, tama nakayapak lang ako, masakit kase sa paa ang heels kaya naman kapag nakaupo lang naman ako ay hinuhubad ko yun. Laking gulat ko ng buhatin nya kong parang sako ng bigas ng bumukas ang elevator. "Ano ba Nathan! Ibaba mo nga ako, kakakain ko lang masusuka ako" pagpupumiglas ko sa pagkakabuhat nya. Parang wala syang naririnig at dire diretso lang sa opisina nya, buti at wala ang secretary nya sa labas ng opisina nya, wala rin tao dahil office nya lang ang nasa buong 10th floor. Binaba nya ko sa mahabang sofa , nahilo yata ako sa pagkakatiwarik. Binato ko sa gilid ko ang coat nya at sandaling pumikit, nahilo talaga ako, 1st day pa naman ng dalaw ko ngayon tsk.  Nathan POV Binato nya ang coat ko at tinakpan ang muka nya. "Here, suot mo muna yan. Ipapakuha ko kay Billy ang gamit mo" abot ko sa tsinelas "Bakit? Uwian na ba?" Tanong nya saken, habang takip takip pa din ang muka nya "Bat mo tinatakpan muka mo? Pinpimple ka ba ulit?" Naalala ko noon, kapag may pimple sya sa noo ay tinatakpan nya ng bangs, kapag naman nasa pisngi nya ay lagi nyang hinaharangan ng palad nya. "Hindi. Nahilo ako sa pagbuhat mo. Nakakainis ka talaga kahit kelan. Bakit ka ba kase nagpakita pa ulit? Di ka na lang maglaho forever?" Galit na sagot nya saken. "Hayyy hanggang kailan ka magiging ganyan saken? Tatakbuhan mo ko? Mag aapply ka ng trabaho sa iba? Magssend ka lang ng proposal, sa sister company ko pa?" Gulat syang napatingin sa akin. Akala nya ba hindi ko alam. Tsk you underestimate me. "Ayaw ko rin kayong iwan. Akala mo ba nakatulog ako ng mahimbing mula ng iwan ko kayo? " nagagalit na talaga ako, mas mapapadali ang buhay namin pareho kung papatawarin nya na ko. Hindi sya sumasagot at nakatitig lang sa akin. Seryoso syang nakatingin sa akin, kaya naman tinuloy ko ang pagpapaliwanag ko. "Matagal na kong hinahanap ng magulang ko para imanage ang negosyo namin na to, isang anak lang ako kaya naman ako lang ang inaasahan nilang magpatuloy nito, libo libong pamilya ang nakasalalay sa negosyo na to, nung umuwi ako'y ilang araw lang namatay ang daddy ko, kaya naman mas lalo akong nagtagal sa Italy dahil na rin sa mga inheritance claims, bukod pa dun ay pinag aralan kong mabuti ang company para ivote ako ng board as CEO, si Mommy pa rin ang Chairman sa ngayon" pag uumpisa ko, di pa rin sya sumasagot "Ang kasalanan ko lang ay di ko sinabi ang tunay kong pagkatao, natatakot ako kaya nilihim ko na lang. Di ako makapaghanap ng trabaho noon dahil mattrace nila kung nasaan ako, at ang perang ipon ko lang ang bumubuhay sa atin noon. Sa perang yun alam kong hindi ko kayo mabubuhay, nag isip isip ako ng gabing yun, kaya ko kayo buhayin ng mas marangya kung uuwi ako sa amin. Kaya naman kahit masakit mas pinili kong iwan kayo para sa mas magandang buhay. Naghangad lang ako ng mas magandang buhay para satin, masakit sa akin na di ko man lang maibigay ang bahay na gusto ng misis ko, kailangan ko pa ibenta lahat ng meron ako magkaroon lang ng magandang party ang anak ko" tumulo ang luha ko kasabay ng pag alala sa nakaraan kung saan binenta ko ang condo at kotse ko, maging ang mga relo na koleksyon ko ay naibenta ko rin. Nilingon ko sya at nakatingin lang sya sa akin, umiiyak. Lumapit ako sa tabi nya. "Hindi pa rin mababago ang katotohanang niloko mo kame Nathan, kahit yata pakinggan ko ang sinasabi mo, hindi gumagaan ang pakiramdam ko, hindi nawawala ang galit sa puso ko" "Kahit di mo ko mapatawad kaagad, maghihintay ako. Sana lang wag mo ipagdamot sa akin ang mga bata. Kung alam mo lang Ming, miss na miss ko na sila" humahagulgol kong sabi sa kanya. Gustong gusto ko makalaro si Carrick at Calleigh. Gusto ko silang mayakap, tabihan matulog, mamasyal , magshopping at kung ano ano pa. "Wag mong guluhin ang isip nila, kung gusto mo ay pwede mo sila makita wag na wag ka lang magpakilala bilang ama nila" Ayaw ko man ng ideyang iyon ay sumang ayon na lang ako, siguro tama na rin yun dahan dahanin ko ang mga bagay. "Sige naiintindihan ko, sa sabado ay pupunta ako sa bahay nyo, sana mabuo na natin ang pamilya natin please, sana mapatawad mo na ko" "Marami pa kong gusto itanong, pero di ko pa kaya marinig lahat ng sasabihin mo. Napakasakit alalahanin lahat ng nangyari kaya kung pwede sa ibang araw naman" Tumayo na sya at akmang aalis, pero parang ayaw ko sayangin ang pagkakataon na kinakausap nya ko. Malamang bukas ay pahirapan na naman sya ipatawag. Bago pa nya mabuksan ang pinto ay hinila ko na sya at hinalikan. Miss na miss ko na talaga sya, halos ilang taon akong nagtiis na wala sya. Ang pagganti nya sa halik ko ang mas nagpaigting sa sabik na nararamdaman ko, mahigpit ang kapit ko sa bewang at batok nya, ang mga kamay nya ay nakayakap sa katawan ko.  Ang bawat galaw namin ay nagiging agresibo tanda ng aming pagkasabik sa isat isa. "Tok tok. Bossss Bossss!!" May tumatawag sa labas ng pinto. At boses yun ni Billy. Pareho kaming napahinto sa aming ginagawa. Nagttimpi kong binuksan ang pinto. "Boss, eto na gamit ni Madam mo" ngi ngiti ngiting bungad nya sakin. "Billy, magpasa ka na ng resignation mo ngayon din, kase kung hindi ipapa shoot to kill kita" Hinila ko na si Jelhien bitbit ang gamit nya. Nakakainis, nandoon na e. Malapit na kame sa sexy part, hindi ko mapigilan ang mayamot sa nangyari. "Saan tayo pupunta?" Tanong nya na hila hila ko pa rin. "Ipapakita ko sayo yung binili kong bahay para sa pamilya natin" Di naman sya kumibo at sumunod lang. Di rin nya ko kinakausap sa buong byahe, di tulad noon na palagi kameng nagbbarahan kahit nasaan man kame. Nakakamiss, kung nung una pa lang sana ay nagsabi na ko ng totoo baka sakaling di umabot sa ganto, pero matatanggap nya ba ko kung sakali? Nilibot namin ang bahay. Katulad ng pangarap nya ay pinadesinyuhan ko ito ng elegante, malaki ang bahay na to at may sariling library, meron rin itong 5 kwarto at may garden. Katulad ng palagi nyang knkwentong gusto nyang bahay. Ang dalawang kwarto ay pinadesinyuhan ko ng pang lalaki at pang babae para sa 2 kong anak. Kumpleto na ang lahat dito, sila na lang ang kulang. "Do you like it?" "Ayos lang" tipid na sagot nya "Sana soon, makalipat na tayo" "Lumipat ka, okay lang saken na magsleepover ang mga bata tuwing Sabado kapag natanggap ka na nila" "E pano tayo? Wala ka bang balak ayusin ang relasyon natin?" Nakakagalit, parang wala syang pakialam sa estado ng relasyon namin at parang ang mga anak na lang namin ang connection namin sa isa't isa "Wala na. Sinira mo na ang tiwala ko, maging ang buhay ko ay sira na ng dahil sayo, ngayon isa na lang akong ina na kailangan gabayan ang mga anak, kahit isa sa pangarap ko ay walang natupad dahil nabulag ako sa pagmamahal mong walang kwenta" Pagkatapos ng masakit na linya nya ay iniwan na nya ko rito, nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi nya. Hindi ako dapat mapagod suyuin sya diba? Kailangan ko tiisin ang bawat sakit ng sumbat nya, sana ay lumambot na ang puso nya at patawarin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD