Back to Present
Jelhien POV
Pagdating ko sa bahay ay tulog na ang dalawa kong anak. Sa tuwing nakikita ko si Carrick ay palagi kong naaalala si Nathan dahil talaga namang magkamukang magkamuka sila. Magdamag akong umiyak, nag iisip kung anong hakbang ang dapat kong gawin. Pagkatapos ng ilang taong sanay na ko na wala sya saka sya babalik at guguluhin ang buhay namin.
Hindi ako pwede magresign basta basta dahil na din sa contract na pinirmahan ko. Hindi ko rin naman maiiwasan dahil sya ang CEO ng kumpanya. Nakatulugan ko na lang ang pag iisip.
Nathan POV
Inaasahan ko na ang galit na bubungad sa akin sa oras na magpakita ako kay Jelhien, miss na miss ko na ang anak ko. Nung mag apply sya sa kumpanya ay ang unang beses kong nakita ng personal ang anak kong si Carrick ang laki na nya ngayon at napakagwapo, bagamat nagttaka ako dahil may kapatid syang babae , nagkaroon ba ng BF si Jelhien nung wala ako? Sa report naman ni Billy ay single sya simula ng umalis ako, kaya naman iniisip kong anak ko rin si Calleigh.
Sinundan ko ang taxi na sinakyan nya ng umalis sya at huminto ito sa isang iskinita, sumunod pa rin ako at nakita ko syang pumasok sa isang maliit na bahay, mukang iskwater ang lugar, maraming tambay at nag iinuman sa paligid. Hindi maganda ang lugar na ito kalakihan ng mga anak ko. Natanaw ko pa sa bintana ang mama ni Jelhien, malamang ay magagalit din sya kapag nakita nya ako, mas lalo siguro si Mang Ricardo ganunpaman hindi iyon makakahadlang sa akin para ayusin ang pamilya ko.
Jelhien POV
Lunes na naman at parang ayaw ko pumasok. Sabagay, hindi naman bumababa ang CEO sa Credit Dept., kailangan kong tatagan para sa mga anak ko lalo pa ngayon na ieenroll ko si Carrick sa kinder. Hindi ko afford ang magresign at iend ang contract ng taniman sa Kennemer Corp. malaki pa ang pagkakautang namin at wala kaming ibang maaasahan ni Mama.
"Goodmorning Jelly" masaya ang bati sakin ni Tin mukang may improvement sa panglalandi nya kay Billy.
"Mukang Good nga ang morning mo Tin, nalandi mo ba ng maigi ang crush mo?" Bigla na lang sya namula at nangisay na kinikilig, bata pa si Tin at fresh graduate kaya naman natutuwa ako sa kanya kase napaka pure pa ng bawat sinasabi nya hindi katulad ng ibang tao sa office na palaging nakikipagkumpetensya.
"Ano ba! Ako nga nilalandi nya hihi" kilig na kilig na sabi nya kasabay ng paghampas sa akin. Ang sarap hampasin din ng malakas netong batang to.
"Ano to? Sakin ba to?" Pagtutukoy ko sa isang kahon na nakabalot.
"Ewan ko. Tingin nga baka kay Billy yan at para saken talaga haha. Pero pagdating ko rito nandiyan na yan"
Nagtataka man, binuksan ko ang kahon at napakaraming chocolote na iba iba ang hugis, kasama nun ang isang gold na card with written notes "I am very sorry Ming, please give me a second chance"
Tsss. Does he think that I'll forgive him if he gives me present? I close the box angrily and hide it to the cabinet. Paborito ni Calleigh ang chocolate at iyon ang wish nya palaging pasalubong tuwing aalis ako kaya naman kahit masama ang loob ko ay iuuwi ko pa rin yan para sa anak ko.
"Ano yun Jelly? May nangliligaw ba sayo? Ayieeeeeeee iba na talaga pag maganda" pang aasar sakin ni Tin, walang may alam sa office na may anak na ko, wala rin may alam sa nakaraan ko, di ko ugali magkwento ng buhay ko mahirap magtiwala sa mga tao.
"Maganda ka naman Tin a, wala ba nangliligaw sayo?" Tanong ko pag iiwas sa tanong nya
"Malandi lang ako Jelly hahaha soon may mangliligaw rin sakin, konting landi pa at liligawan rin ako nun"
"Goodluck! Ipapanalangin ko na lang ang malandi mong kaluluwa" natatawang sagot ko sa kanya.
Marami akong ginagawa sa opisina kaya naman kahit papaano ay di ko naiisip ang problema ko kay Nathan. Busy ako sa mga Receivables and Payables, halos lahat ng tao sa Dept. ay busy.
Wala kaming kamalay malay na pumasok na pala si Nathan sa Dept. namin at maging ang Dept. Head ay nagulat sa kanya.
"Yes Sir? Ano pong kailangan nyo?" Aligagang tanong ng Dept. Head namin kay Nathan, ibang iba na si Nathan ngayon mas nagmature ang itsura nya.
Kung dati ay muka syang mamahalin, ngayon ay mas muka syang mamahalin mula sa tindig nya, aura at maging ang pananamit nya.
Palinga linga sya sa paligid, hindi nya ko makikita dahil nasa isang sulok ako ng opisina at may mga nakaharang pang papeles sa akin.
"I am looking for Jelhien Javier, is she present today?"
Lumingon ang lahat sa gawi ko, dahilan para magtama ang paningin namin ni Nathan.
"Present ! Yes Sir? How may I help you?"
Ngumiti sya sa akin at sumenyas na sumunod sa kanya. Labag man sa loob ko ay wala naman ako magagawa kundi sumunod.
"Bat ka pinapatawag ng CEO Jelhien?" Nakataas na kilay na tanong sa akin ni Mam Gema ng mapadaan ako sa cubicle nya
"Baka po tungkol sa taniman namin sa Palawan Madam" pagddahilan ko na lang
Sinundan ko sya hanggang sa pumasok sya sa elevator at papanik sa 10th floor kung saan ang kanyang opisina. Gustong gusto kong magsalita na kaso lang ay may tao sa elevator at ayaw ko naman may makarinig sa pag uusapan namin.
"Anong kailangan mo Sir?" Pormal na tanong ko sa kanya ng makarating kame sa opisina nya.
"I miss your voice Ming, pwede na ba tayo mag usap at ayusin ang problema nating dalawa?" Maamong tanong nya saken
Tsss. Kung maaari lang sana ay ayaw ko ng iinvolve pa sya sa buhay naming mag iina. Okay na ko na kame na lang tatlo. Takot na kong magtiwala at baka sa oras na bumigay na naman ako e magising na lang ulit ako na sira na naman ang buhay ko.
"If you'll just talk about that, I better leave. I have nothing else to say but we're already contented to a life without you"
Bahagyang bumagsak ang balikat nya sa sinabi ko pero wala akong pakialam kung masaktan man sya ang gusto ko ay tigilan na lang nya ako.
"Let me explain, please hear me out Jelhien" pagmamakaawa nya sa akin.
"Alis na po ako Sir"
Tinalikudan ko na sya, wala akong pakialam sa rason nya o ang mga sasabihin nya pa. Ang dating na lang sa akin nun ay magddahilan na lang sya kung bakit nya kame iniwan. Bumubugso na naman ang galit na matagal ko ng tinatago sa puso ko, nung iniwan nya kame ay para akong tanga na araw araw ay umaasang babalik sya, muntik na akong makunan nung panahong iyon. Halos madepress ako sa nangyayari sa amin, araw araw ay umiiyak si Carrick hinahanap ang Papa nya, isang araw ay tumigil rin sya sa pag iyak at pagtatanong kung nasaan ang Papa nya ngunit kasabay nun ang pagbabago sa ugali nya, di na sya palangiti at madaldal, naging tahimik at masungit ang anak ko mula noon hanggang ngayon ay masungit pa rin sya at walang hilig makipaglaro sa mga bata, madalas syang mag aral mag isa o di kaya ay ang kapatid nya lang ang kinakausap nya.
Yinakap nya ko sa likuran bago pa man ako makarating sa pinto ng opisina nya.
"Ming, please let me explain. Mahirap rin para sa akin gawin ang desisyon na yun. Masakit rin para sakin gawin yun" tuluyan na syang humagulgol sa balikat ko
"Sa araw araw ay para akong mababaliw na wala kayo sa tabi ko, araw araw ay nag iisip ako kung ano nangyayari sa inyo" halos mabasa ang blouse ko sa pag iyak ni Nathan sa balikat ko. Naiiyak din ako sa pag iyak nya.
"Nathan. Hindi mo lang kame basta iniwan, niloko mo rin kame. Ibang iba ka na ngayon, maging pangalan mo ay iba, buong pagkatao mo ay di namin kilala."
"Hear me out first. Gusto kong ipaliwanag lahat sayo"
"Sa ibang araw na lang Nathan or should I call you Sir? Sa ibang araw na lang pag kaya ko na pakinggan lahat." Kinalas ko ang braso nya sa balikat ko
"Okay I will wait for you. I am eager to win you back Ming. I miss my wife so much"
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumalik sa upuan ko, mahirap na at baka magtanong sila pag nahalata nila ang pag iyak ko.
Kinabukasan ay merong bulaklak sa lamesa ko. Alam kong kay Nathan na naman galing iyon pero imbis na kiligin ay galit ang nararamdaman ko. Ilang araw pa ang nagdaan at palaging may kung ano ano sa mesa ko.
"Ms Javier" tawag sa akin ni Mam ivy
"Yes po?"
"The CEO want you to present the feasibility study of the farm"
Mukang gumagawa sya ng bagong hakbang para pumunta ako sa office nya.
Sa bawat regalo na nabubungaran ko sa umaga ay may note na "Let's talk to my office" pero binabalewala ko lang palagi yun. Wala akong plano makipag usap sa kanya. Naghahanap na rin ako ng bagong company na pwede pag supplyan ng cacao, ang contract naman na pinirmahan ko ay under review pa daw at di pa notarized kaya sa tingin ko ay di naman ako makakasuhan ng breach of contract. Desidido na ko, maghhanap na rin ako ng ibang trabaho.
Nathan POV
Ilang araw na ang ibinigay ko pero mukhang wala syang plano makipag usap sa akin. Nareceive din ng affiliate company ko ang resume nya, maging ang sister company ng Kennemer Corp ay nakatanggap ng proposal mula kay Jelhien about sa pagiging supplier ng cacao.
Hindi tumalab ang plan A ko. Kailangan ko na yatang magproceed sa plan B.
"Boss, e kung ipadukot mo kaya tapos itali mo saka mo ipaliwanag ang dahilan mo para marinig nya?" Suhestyon ni Billy sakin
"E kung ikaw kaya itali ko at ipalapa ko sa mga buwaya" wala talaga kakwenta kwenta mga sinasabi neto.
"May Plan B na ko. Ayaw nya sa maayos na usapan a, pwes bahala sya kase wala akong planong sumuko"
Inutusan kong ireject ang proposal nya sa sisters company na inaapplyan nya maging ang job application nya ay pinapareject ko rin. Wala kang kawala sa akin, noon pa man ay napakahirap na nya suyuin mas lalo na siguro ngayon.