Daddy Material

1689 Words
Nathan POV Malakas ang kabog ng dibdib ko. Di ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko na makita ko si Jelhien na halos nanghhina na sa kwarto. Ngayon ay nasa ospital kame at inaantay ang sasabihin ng doctor. Mainit man ang ulo sa akin ni Mang Ricardo ay alam kong di rin sya mapalagay sa kalagayan ng anak nya. Isang oras na at di pa rin sila lumalabas sa delivery room, mas lalong kumakabog ang dibdib  ko habang tumatagal. Halos mangiyak ngiyak ako ng marinig ko ang iyak ng sanggol sa labas ng delivery room. Lumabas na ang anak ko. Maya maya pa ay nilabas ito ng nurse at saglit na pinakita sa amin. Di maipaliwanag ang saya ko ng makita ko si Baby Carrick, you're so lovely my son. Nakangiti rin si Mang Ricardo habang nakasilip sa sanggol na hawak ng nurse. "Napakagwapo ng apo natin Ricardo" napalingon ako at talaga namang tuwang tuwa ang mother in law ko. Bagamat masaya ako na makita si Baby Carrick di pa rin ako lubos na mapalagay dahil di nilalabas si Jelhien. Taimtim akong nananalangin na sana ay okay ang lahat. Pagkatapos pa ng ilang oras ay nilipat na si Jelhien sa isang kwarto kasama ang baby namin. Nakakaawa ang lagay nya dahil mukang lantang lanta ang katawan nya. "Are you alright? May masakit ba sayo? Anong gusto mo? May kailangan ka ba?" Sunod sunod na tanong ko ng makita kong dinilat nya ng bahagya ang kanyang mata "Ang sakit ng buong katawan ko, nasaan ang baby natin?" Binuhat ko naman si Baby Carrick at itinabi sa kanya. I feel completed just by the sight of her and our baby, it feels like I have more than I deserve. Jelhien POV Busy si Nathan sa pagpapaligo ng baby namin, hindi nya ako masyado pinapakilos pa dahil baka daw ako ay mabinat. Umuwi rin si Mama pagkatapos nyang magbilin kung paano mag alaga ng baby, sinuyo sya ni Papa at di na din naman sila bata para magpakipot pa. Nathan is a very caring person. He is very onhand to us, wala syang trabaho at ang savings nya lang ang bumubuhay sa amin. Pnplano ko na magtrabaho pag mga ilang buwan na si Carrick sa ganon ay meron pa din kameng panggastos alam kong hindi magttagal ang ipon nya. Mattanggap naman siguro ako kahit di pa ako nakapag board exam. Halos sa araw araw ay parang ayaw nya bitawan si Carrick. "Chu ihiga mo na yan sa crib nya tulog naman e" sabi ko dahil kahit tulog ay gusto nyang buhat buhat ang bata, kahit sa gabi ay di sya natutulog at nakatingin lang sa baby magdamag. Tuwing iiyak sa madaling araw ay dali dali syang tumatayo para magtimpla ng gatas. Hindi lahat ay maswerteng nabibiyayaan ng asawa na tulad ni Nathan kaya naman palagi akong nagpapasalamat. "Parang ayaw ko sya bitawan Ming, I think people will fall inlove once in a lifetime, but I am wrong you'll fall inlove over and over again to your child" "Ang bilis ano 1 month na sya, parang kailan lang ay nasa tiyan ko pa sya, Chu kamukang kamuka mo si Carrick ang mata nya lang ang nakuha nya sa akin matapang din ang mata nya, ang kutis nya pati ang pagtulog nya ay parehas kayo" Kamukang kamuka ni Nathan si Carrick, ang kutis nito ay maputi hindi tulad sa akin na morena. Bahagya ding kulot ang dulo ng buhok neto parang si Nathan. Netong mga nakaraang araw ay palaging dumadalaw si Mama at Papa sa bahay para sa kanilang apo sa tingin ko ay si Carrick ang susi sa pagbabati namin ni Papa. Madalas ding banggitin ni Papa na sa bahay na kame tumira para may katulong ako sa pag aalaga kay Carrick at tumulong si Nathan sa taniman. Gusto ko sana yun kaso lang tumututol si Nathan dahil daw sya ang lalaki at dapat lang daw bumukod kaming pamilya. Nathan POV Habang lumalaki si Carrick ay lumalaki rin ang gastos, bilang ama ay gusto kong maibigay lahat ng kailangan nya. I am willing to sacrifice anything for my son. "Hello Billy, I can't monitor my stocks and my dividends please give me an update, and I have favor to ask" Ang halos 3 milyong perang ipon ko ay mauubos na, ang paminsan minsang pagbbigay ng dividends sa mga stocks ko ang sumasalo sa mga gastusin, di ko sinasabi kay Jelhien ang bagay na to dahil ako ang lalaki at dapat ako ang responsable sa pagpprovide ng mga kailangan. Mag iisang taon na si Carrick at gusto ko sanang mabigyan ng enggrandeng birthday party ang anak ko, ngunit sa perang hawak ko ay alam kong di sasapat, sapat man pero wala na kameng panggastos sa mga susunod pang buwan. "Nathan Boss, hinahanap ka na rito isang taon na at iniipit na ko ng magulang mo dahil alam daw nilang may alam ako" sagot ni Billy sa linya "Basta manahimik ka lang. Di mo naman talaga alam nasaan ako diba?" "Hayy Boss hanggang kailan ka ba magtatago?" Isa rin sa mga dahilan kung bakit di ako makapag apply ng trabaho dahil malalaman ng magulang ko kung nasaan ako. "Basta. Billy, kailangan ko ng pera. Ibenta mo naman ang condo ko sana mabenta sya in best price. Rush sana please pati yung kotse ko ibenta mo na alam mo naman kung nasaan ang title at or/cr non" " Pero Boss, anong sasabihin ko pag nalaman ng  Daddy mo yun?" "Bahala ka na Billy. Alam mo na gagawin mo" "Sino kausap mo Chu?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Jelhien sa kwarto ang alam ko ay nasa palengke pa sya. I want my son to experience everything. Sa malamang ay aabutin ng 5 milyon ang condo ko ang kotse ko ay swerteng maibenta ng 1 milyon sobra sobra na yun para sa gusto kong birthday party ni Carrick at may dagdag panggastos na ulit kame sa mga susunod pang buwan. "A kaibigan ko, sa online trading to. Magbbenta akong stocks para sana sa bday ni Carrick Ming" "Di naman kailangan bongga di pa naman maappreciate ng anak mo yun" "No I want the best for my son" Mga ilang linggo pa ay natransfer na sakin ni Billy ang pera na pinagbentahan ng condo at kotse ko. Mapagkakatiwalaan talaga si Billy bukod pa dun magaling sya magbenta ng kung ano ano. Masayang masaya ako dahil naibenta nya pa higit sa estimated price ko. Jelhien POV Busy si Nathan sa paghhanda para sa birthday party ni Carrick. Gaganapin iyun sa isang garden talaga namang pinagkagastusan nya ang party kahit pa sinabi kong okay lang ang simple. Nararamdaman kong hindi sumasapat ang pera nya kaya naman palagi kong sinasabi na ayos lang kung simpleng celebration lang para sa bday ni Carrick. Madalas ko syang nakikitang nagccompute ng mga bayarin, nagsuggest na ko na maghanap sya ng trabaho pero sabi nya ay ayaw nyang iwan kame. Ayaw kong mag away kame kaya naman kahit anong desisyon nya ay nakasuporta lang ako. "Chu kung wala kang pera wag mo na ipilit pang maging bongga ang bday ng anak mo, ang importante naman ay healthy ang anak mo" "Hindi. May pera ako para sa bday nya, naghhanap lang ako syempre kung meron mas makakamura" Sa tuwing usapang pera ay ayaw nyang nag iisip ako pero gusto ko rin makatulong kaya naman nagpplano na kong mag apply ng trabaho. Nairaos naman ng maayos ang bday ni Carrick at parang mas masaya pa si Nathan kesa sa bata. "Chu, mag aapply na ko ng trabaho, para naman makatulong ako sa mga gastusin dito sa bahay" "Bakit? Hindi pa ba sapat ang naibibigay ko?" Galit nyang sagot sa akin. "Hindi naman pero nararamdaman kong nahihirapan ka. Gusto kitang tulungan sa gastos" "Hindi ko kailangan ng tulong" maiksi nyang sagot "Ano ka ba! Wala naman masama kung magtutulungan tayo. Lumalaki ang bata lumalaki rin ang gastos. Syempre nangangarap rin ako, gusto ko sanang ituloy ang board exam ko, gusto kong tumira sa Manila at magkaroon ng magandang bahay don." "My decision is final. Stay here and take care of Carrick. I am responsible for that" Nathan POV Masakit para sakin na hindi pala kuntento ang misis ko sa buhay na kaya ko. Kung sana ay normal lang ang buhay, pagkatapos makagraduate ay maghhanap ng trabaho. Kaya kong ibenta ang lahat ng meron ako para sakanila. Madalas sa tuwing gabi bago kami matulog ay knkwento sa akin ni Jelhien ang pangarap nyang bahay. Ang bahay kase namin ay studio type lang pero may isang kwarto sapat lang para sa amin.  Madalas namin pag awayan ang kagustuhan nyang magtrabaho. Ayaw ko dahil ako ang lalaki at dapat lang na maibigay ko ang buhay na dapat sakanila. Dalawang taon na si Carrick at mas lalo kaming nagigipit sa pera, pati ang mga mamahaling relo ko ay naibenta ko na rin. "Hanggang kailan mo sasarilinin ang problema Chu? Nandito lang ako palagi alam mo yan. Handa ko rin gawin ang lahat para sa pamilya natin" Nakaugalian na naming mangarap para sa kinabukasan gabi gabi bago matulog at sa tuwing naririnig ko ang mga pangarap nya ay mas nag iigting ang puso kong gawin ang isang desisyon. "Pag nagkaroon tayo ng sariling bahay gusto ko lahat brown yung napakaelegante tingnan tapos may sariling kwarto ang mga bata tapos may garden tapos may library hayyy sarap mangarap" "Someday, lahat ng gusto mo mabibigay ko. Someday, lahat ng pangarap mo  matutupad. Someday, di mo na kailangan mangarap" Buong gabi akong umiyak habang pinagmamasdan ang mag ina kong payapa natutulog. Dahan dahan kong ginawa ang mga dapat kong gawin. "Mahal na mahal ko kayong dalawa" umiiyak kong sabi habang hinahalikan sa noo ang anak kong napakakulit na ngayon. Mabigat ang hakbang ko habang papalabas ng bahay. Hindi ko na napigilan at napahagulgol na ko, sobrang sakit na parang hindi ko kayang iwan ang mag ina ko pero para sa kanila ay kailangan kong gawin to. "Patawarin mo ko Ming patawarin mo ko anak. Aalis man ako ngayon pero pangako ko na babalikan ko kayo" Hindi na ko lumingon at tuluyan ng iniwan ang mag ina ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD