Revelation & New Life

1673 Words
JELHIEN POV Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Di ako makapaniwala nasa condo ni Nathan ang magulang ko at alam na nila ang kalagayan ko. Napahagulgol na lang ako habang patuloy na humihingi ng tawad. "Ano ng mangyayari sa buhay mo ngayon ha? Akala mo ba ganun kadali ang bumuo ng pamilya?" Galit na galit na sabi sakin ni Papa habang si Mama ay umiiyak lang at nakahawak sa braso nya "Mang Ricardo, pakakasalan ko po ang anak nyo at paninindigan ko kung ano ang nangyari" "Hindi iyon ang pinupunto ko, sinira mo ang buhay ng anak ko. May mararating ba sya sa buhay kung pakasalan mo sya? Wala diba? Magiging isang maybahay lang sya na walang gagawin kundi mag alaga ng anak ! Kaya ayaw ko ng anak na babae, pero anong magagawa ko ikaw ang naging anak ko!" Napakasakit na marinig yun mula kay Papa. Pero wala akong maisagot dahil talaga namang kasalanan ko. Nagsisisi ako kung bakit, at alam kong mali pero sinisisi ko si Nathan sa nangyaring to. "Wala kang utang na loob !! Halos lahat binigay ko sayo eto gagawin mo saken? Palibhasa wala kang alam. Nakapag aral ka nga ng kolehiyo pero para ka pa ring mang mang na walang pinag aralan !! Ano ngayon ang plano mo? Hindi na ko mag aaksaya kahit piso para sayo, bahala kayong mamuhay na dalawa at wala akong pakialam ano man ang mangyari sa inyo" Halos tagos sa puso ko ang lahat ng masasakit na sinabi sakin ni Papa. Galit na galit sya sakin at tinatakwil na niya ko. "Alam mo bang sinangla ko sa isang pribadong tao ang buong lupain natin sa Palawan, ang bahay at taniman, para lang makapag aral ka" umiiyak na pag amin sa akin ni Papa. Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy na umiiyak, si Nathan naman ay nasa tabi ko inaalo ako "Hirap na hirap akong magbayad ng malaking interest buwan buwan alam mo naman na laging binabarat ang mga pananim natin ng gobyerno, hindi ko naman mailako sa pribadong kompanya dahil mababa lang ang pinag aralan ko simpleng inglis ay hirap ako paano pa pagdating sa mga ligal na dokumento?"  Humahagulhol na pagpapatuloy ni Papa "Sinugal ko ang lahat ng meron ako para maibigay lahat ng suporta para sa pag aaral mo, umaasa ako na balang araw ay mapapalago mo ang taniman natin, pero eto ikaw inuna ang paglalandi mo" "Papa, patawarin mo ko. Hindi naman dahil magkakaanak na ko e basta ko na lang papabayaan ang pangarap nyo saken" "Sinira mo ang tiwala ko. Magpakasal kayo para hindi kahihiyan sa lugar natin. Ayaw kong tumira kayo sa bahay. Wag na wag ka ng pupunta sa bahay" Ayun ang huling linya ni Papa saken bago sila umalis ni Mama, di man lang ako tinapunan ng tingin ni Mama umaasa ako na yayakapin nya ko at hahayaan lang umiyak sa braso nya. Niyakap ako ni Nathan pero di ko maramdaman ang kapayapaan sa puso ko. Wala akong kwentang anak, wala akong kaalam alam sa buhay namin basta lang ako nagllustay ng pera na hindi iniisip kung panong hirap ang dinaanan ng magulang ko maibigay lang yun. Wala akong kaalam alam sa estado ng buhay namin, di ko alam na nakasangla pala ang lupa namin, mas lalo akong napahagulgol. "Wag ka na umiyak, bigyan mo muna ng oras ang Papa mo alam kong di ka nya matitiis" patuloy na pag aalo saken ni Nathan "Ano bang alam mo ha? Kung hindi dahil sayo hindi sana mangyayari ang lahat ng to" "Hindi natin massolusyunan ang problema kung ganyan gagawin mo, tumahan ka na at magpahinga" Tumakbo ako sa kwarto at nagkulong wala akong paki kung panay ang katok ni Nathan saken basta magdamag kong iniyakan ang sinabi saken ni Papa. Isa talaga akong walang kwentang anak. Kinabukasan ay kinakatok pa rin ako ni Nathan. Wala akong gana kahit gutom na gutom na ko. "Ming, pinaghanda kita ng paborito mong pasta at fruit platter" Galit na galit ako kay Nathan, sinisisi ko sya sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Kung hindi ko sana sya nakilala hindi mangyayari to. Lumipas ang ilan pang araw at hindi ko pa din pinapansin si Nathan. Hindi ko sya kinikibo kahit palagi syang nag eeffort para pansinin ko. Alam kong nagagalit na sya sakin pero parang gusto ko na lang sumuko sa buhay ko.  "Ming, wag mo idamay ang anak ko, kung galit ka sa akin ayos lang basta kumain ka. Kung gusto mo kong iwan okay lang basta wag mo pababayaan ang anak ko. Kung ayaw mo sa bata ibigay mo sakin. Lahat ng gusto mo susundin ko please wag ka lang ganyan" Naiyak na naman ako. Gulong gulo na ko. Di ko alam ang gagawin ko. Naramdaman ko na lang ang mainit nyang yakap sakin kasabay nun ay ang pagtulo ng patak ng luha nya sa balat ko. Sa pagyakap nya saken naramdaman kong hindi lang ako ang nasasaktan sa sitwasyong ito, wala na rin naman ako magagawa kundi panindigan ang ginawa namin. Niyakap ko sya pabalik, si Nathan lang ang makakapitan ko sa sitwasyong to. Lumipas pa ang isang buwan at hindi talaga sinasagot ni Papa ang tawag ko. Hindi ako susuko alam kong di nya rin ako matitiis. Di na ko nakatuloy sa pag aaral ko dahil sa paglilihi ko madalas akong magsuka at halos manghina na ko hanggang sa makakatulog na ko. Madalas umalis si Nathan pero di ko alam kung nagttrabaho ba sya, basta sabi nya ay may inaasikaso lang sya. Isang gabi ay basta na lang nya inimpake ang mga gamit namin at sa Palawan daw kame titira, nagtaka man ay sumunod na lang ako. "Ming nakabili ako ng bahay sa may bayan ng Palawan, isang sakay lang papunta sa bahay nyo para kung sakaling namimiss mo ang magulang mo makakapunta ka sa kanila. Dun na tayo titira" Marami akong tinatanong kay Nathan tulad ng pano kame mabubuhay kung ang trabaho nya pala ay parang sugal, lagi nya lang sinasabi na sya ang bahala. Simpleng bahay ang nabili ni Nathan may isang floor lang ngunit sapat lang ang laki para sa amin. Tnxt ko kay Papa ang address umaasa na sana ay puntahan nya ako. Sa araw araw ay nag aantay ako kay Mama at Papa na dalawin ako. "Ming okay lang ba kung simpleng kasal lang? Nilalakad ko kase ang papel natin sa munisipyo" "Okay lang pero sana nandon sila Papa. Teka, di ko pa nammeet parents mo alam na ba nila?" "Oo pupunta sila sa kasal natin, balak ko sana ay next week na" Makalipas nga ang isang linggo ay kinasal kame. Simple lang, magulang lang namin ang kasama namin, pero kahit ganun ay masaya na rin ako dahil nandon sila Papa at kumain rin sila sa bahay namin di man nya ko pinapansin ay alam kong konti na lang at magkakaayos na kame. "Chu parang di mo kamuka parents mo" "Ah may ganon naman diba? Sa Lolo ko kase ako nagmana" Si Nathan kase mukang mamahalin samantalang ang parents nya ay simple lang. "How's my baby boy?" baling nya sa tiyan kong nakausli na "Pano ka nakakasigurado na lalaki?" "I feel it, see he is moving" Tingin ko magiging mabuting ama si Nathan. Tuwing umaga ay bago pa ko magising nakahanda na ang almusal ko, magigising na lang ako na kinakausap nya ang tyan ko. Tuwing aalis sya ay palagi syang may pasalubong. Gustong gusto nyang mamili ng gamit ng baby namin. Ngayon ay makikita na namin ang gender ng baby namin, maganda ang location ng bahay na nakuha ni Nathan dahil malapit to sa ospital at palengke. "Baby boy ko, makikita na naman kita sa monitor and soon karga na kita sa braso ko" usap nya sa tyan ko habang nag aantay sa clinic "Ms Javier" Tawag sa akin ng nurse, ako na ang iuultrasound. Kitang kita ang saya sa mata ni Nathan ng sabihin ng doctor na lalaki nga ang baby ko. "I told you Ming, its a boy. I want to name him Carrick" "Saan mo naman nakuha yang name na yan?" "Wala naisip ko lang maganda diba? Tara na mamili na tayo ng mga gamit ng baby boy ko" Masayang masaya si Nathan habang namimili ng mga gamit. Hanggang pg uwi namin ay ganadong ganado sya magluto. Mas excited pa nga sya na manganak na ko. Sana lang kasama ko si Mama sa journey kong ito, pero alam kong di nya magagawang umalis ng bahay mag isa dahil natatakot sya hindi kase si mama marunong bumasa ng signboard ng mga dyip. Nalungkot na naman ako tuwing naaalala ko ang magulang ko. 9am na ng umaga at wala akong kabalak balak tumayo, umalis si Nathan para magwithdraw ng pera, kabuwanan ko na at hirap na hirap na ko kumilos. "Anak? Jelhien?" May tumatawag sa labas at boses no Mama yun.  Dali dali akong tumayo kahit parang nananakit ang puson ko. Pagbukas ko ng pinto ay si Mama nga, mag isa lang sya kaya naman nagtaka ako. "Mama" niyakap ko sya at wala pa man akong sinasabi ay naiyak na ko sobrang miss na miss ko lang talaga sya "Ang laki na ng tiyan mo, babae ba o lalaki ang apo ko?" "Lalaki Ma, miss na miss na kita Ma. Bakit ngayon mo lang ako dinalaw?" Umiiyak kong tanong sa kanya. "Lumayas ako sa bahay anak, lagi kame nag aaway ng Papa mo dahil ayaw nya ibaba ang pride nya para sayo" Nilingon ko ang malaking bag na dala nya, mukang naglayas nga sya, eto ang unang beses na sumuway si Mama kay Papa. Maya maya lang ay dumating si Nathan, wala naman problema kung dito tumira si Mama para na rin may katulong ako pag nanganak, pareho kase kameng walang alam ni Nathan sa pag aalaga ng bata. "Ugh, Nathan tulong" tawag ko pero walang dumadating, sigaw ako ng sigaw pero parang walang nakakarinig. Sobrang sakit na ng tyan ko. Habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. Sana may makarinig sakin, sana ay may dumating
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD