Doubt and Happiness

1638 Words
Jelhien POV "Chu di ko alam na may kotse ka pala at marunong ka magdrive" "Yeah I know how to drive pero sa papa ko to hiniram ko lang" "Saan tayo pupunta?" tanong ko habang patingin tingin sa labas ng bintana "Ano bang plano ng GF ko ngayon?" nakangiti nyang tanong "Plano ko magDivisoria para bumili ng mga damit pamasok" "Sa Mall na lang tayo ang daming tao doon e" May pagka maarte talaga tong lalaking to. Hindi tulad sa probinsya, pormang porma sya ngayon. I am just staring at him while driving "Keep staring at me like that and I will stop the car just to kiss you" he said without looking at me "Haha wala lang namiss lang kita, ibang iba ka rin ngayon masyado kang nakaporma" "Konti lang kase dala kong damit nung nasa Palawan tayo haha" "Iba talaga aura mo e, muka kang mamahalin ngayon. Nakakotse ka, naka rolex ka pa, naka Nike Mags ka pa. Parang di ikaw yung Nathan na kilala ko" seryosong sabi ko sa kanya. Pero di man lang nagbago reaksyon nya "Kay papa ang kotse, etong relo at sapatos regalo lang ng amo ni mama. Lagi mo ko pinagdududahan, pareho lang tayo nangangapa sa relasyon natin pero sana wag mo pagdudahan yung intensyon at nararamdaman ko" matigas ang tonong sagot nya Hindi na ko umimik, pero patuloy pa rin ako nag iisip. Napaka natural nya mag english, halatang lahat ng gamit nya ay mamahalin. Tinigilan ko na ang pag iisip at hinayaan ko na lang ang sarili kong maging masaya sa relasyon namin. We're together till morning, we stroll around the city, we ate in different restaurants, we bought some couple things, we kiss and it happen again. I am in his condo naked, and he is sleeping beside me. "Nathan, gising na umaga na. Uuwi na ko sa dorm" He open his eyes, and pull me back to bed. "I don't want to, I love you Ming" "Ano ka ba aga aga e, bangon na uuwi na ko" "I always said I love you, but no I love you too from you. Hayyyy. Penge akong schedule mo sa school para ihahatid at sundo kita, magbreakfast muna tayo sa labas saka kita ihhatid sa dorm mo. Hmm what if wag ka na magdorm dito ka na lang saken tumira?" "No, nakakahiya baka malaman ng parents natin" pagtanggi ko "Okay lang sa parents ko, 25 yrs old na ko di na ko alagain pa ng magulang ko Ming" "Ako alagain pa, beside kailangan ko magfocus para makapasa ako board" "I am always here to support you Ming" Dumaan ang mga araw at masaya kame ni Nathan, he is very supportive to me. Hindi alam nila Mama na magkasama kame dito, madalang lang tumawag saken si Papa dahil  na rin sa mahina ang signal doon. Madalas ay sa condo na nya ko tumira and it feels like I am his wife. Masaya at malungkot ako. Masaya ako sa relasyon namin pero malungkot ako kase alam kong mali ang ginagawa ko. Ganun pala yon no, kahit alam mong mali ang ginagawa mo gagawin mo pa din kase dun ka masaya. Is it wrong when it feels right? Nathan POV I am planning to introduce Jel to my parents, alam kong hindi lang basta relasyon ang pinasok ko at desidido na ko na di man nila tanggapin ang desisyon ko I will stand on my feet from now on. Hinahanda ko lahat ng pera ko at nag invest sa isang negosyo katiwala si Billy. Pati ang mga pera ko sa bank account ay nilipat ko sa ibang bangko. Nagdaan pa ang isang linggo at di na ko umuwi samin, I am living in my condo with Jel and I feel completed. Billy keeps calling me, after the board exam I will go back to Palawan and ask her hand in marriage. "Chu, ang bango ng kili kili mo" "Chu, ipagluto mo ko nung niluto mo dati? yung pasta na maraming cheese?" "Chu, ibili mo ko ng prutas na iba't ibang klase tapos biling kang condensed saka cheese" And her request goes on, I don't understand her. Ang weird nya netong nagdaang araw. Gustong gusto nya amuyin kili kili ko ang bilis nyang magtampo at iiyak sya pag di ko nasunod ang gusto nya. I keep thinking that maybe I already have my son in her tummy and that idea make me smile. I love to have a son. Tulad ngayon kauuwi nya lang at inaamoy amoy na naman nya ako. Maya maya pa ay kumain sya, ilang araw na ang puro pagkain nya ay pasta at fruit platter.  Masaya ako kung totoong buntis sya, pero panigurado ayaw nya gusto nyang maging Accountant and I feel selfish right now, di ko man lang inisip ang future nya. Tuwing umaga ay tamad na tamad na syang bumangon, madalas daw syang mahilo at antukin "Ming itry mo to" inabot ko sa kanya ang binili kong pregnancy kit. Malakas ang pakiramdam kong buntis sya. Nang makita nya ang laman ay bigla na lang syang umiyak ng umiyak. Alam ko naman na ayaw nya pa, pero wala na kame magagawa kundi tanggapin na lang. Niyakap ko sya at pinapahinahon, pumasok sya sa banyo at sabay namin inantay ang result. "Daddy na ko? Daddy na ko!!!!" masayang masaya ako at tumulo na naman ang luha nya "Pano na to Nathan? Anong sasabihin ko sa magulang ko? paniguradong magagalit sa akin si Papa, malapit na kong matapos sa review at mag aantay na lang ako hanggang board exam" Hinimas himas nya ang tiyan nya "Hindi naman sa ayaw ko sayo baby pero di pa ako handa" "I am here, hindi naman kita pababayaan" "Paano mo nasabi? Paano mo ko massuportahan? Wala ka namang trabaho at nakaasa ka pa sa magulang mo? Paano ako makakapasa sa board ng ganto ang sitwasyon ko? Paano pa ko magiging accountant ? Paano ko mabbigyan ng magandang buhay tong batang to? Paano pa magiging proud sakin si Papa? Ano ng gagawin ko" sumalampak sya sa sahig saka humagulgol. Nasaktan ako sa sinabi nya alam ko naman na mangyyari to pero di ko akalain na mamaliitin nya ko ng ganon. "Kaya kitang suportahan, may sarili akong pera. Kaya kitang panindigan at kaya kong gawin lahat para sayo. Pero pano ko kakayanin kung mismong ikaw ay minamaliit ako" Masama man ang loob ko sa sinabi nya, hindi ko magawang iwan sya sa sitwasyon nya. Iyak sya ng iyak at natatakot akong baka may mangyari sa anak ko. "Tumahan ka na, baka kung ano mangyari sa baby ko" "Ang dali dali lang sayo sabihin yan lalaki ka kase at di mo iniisip yung problemang haharapin natin pag nalaman nila Papa na buntis ako" umiiyak na sabi nya "And so what kung lalaki ako? Hindi ako natatakot sa Papa mo, at anong gusto mong gawin? Ilaglag yung anak natin? Kung ayaw mo sa bata sige ipagbuntis mo lang at ilabas mo ibigay mo saken at gawin mo na lahat ng gusto mo sa buhay" galit na ring sagot ko. Ang tanggapin at panindigan ang pinaka magandang gawin sa sitwasyon ngayon, pero ayun sya at iyak ng iyak na para bang gusto na lang nya ilaglag yung bata. Galit man ako ay pinaghanda ko pa rin sya ng paborito nyang pasta at ang fruit platter nya. Natawa na lang ako ng panay kain nya kahit umiiyak sya. I guess this is really love, no matter what she said I'm still here for her, no matter what will happen I will be on her side. I touch her belly "My son loves pasta and fruit platter" "Pano mo nasabing lalaki to?" "I just feel it, stop crying and take a rest after you eat. Please trust me Ming" I call Billy to prepare for our wedding, I also asked him to buy a ring. I will propose after her review and I will call Mang Ricardo and tell him the truth. Jel is pigging out again and I find it amusing. I am excited to meet my son. I asked her out and she's already eating on the way. "Pano ka pa makakain mamaya nyan kung kain ka na ng kain?"  "Nagugutom ako e. Saan ba tayo pupunta?" "Secret" Nagpa reserve ako sa isang restaurant to surprise her. Kabilin bilinan ko kay Billy na mag order ng pasta at fruit platter. Nasa tagaytay kame ngayon at napakaganda ng view. Hindi man lang sya na amazed sa view siguro dahil mas maganda ang sa Palawan. Pinagpapawisan ako ng malamig, kinakabahan na baka ayaw nya kong pakasalan. Kain lang sya ng kain sa harap ko habang ako ay di makakain humahanap ng tyempo sabihin ang gusto ko itanong. "Ming?" "Oh? Ayaw mo ba ng pagkain? Di ka kumakain e masarap naman a. Ang sarap kumain" "Ming" di ko matuloy tuloy ang gusto ko sabihin "Ano ba yon? Ming ka ng Ming a" "Ming ! Marry me please?" sabay pakita ko ng singsing na pinabili ko kay Billy. "Ayaw ko sana dahil hindi pa ko handa sa ganyan. Pero pag nalaman ni Papa to paniguradong ipipilit nya rin ako ipakasal sayo" "Dahil doon? Ayaw mo ba?" "Gusto ko naman. Mahal kita Nathan di ko naman siguro ibibigay yung sarili ko kung hindi pero kung hindi ako buntis ayaw ko pa. Isuot mo na saken yung singsing" pilit ang ngiting sagot nya saken. Nakakalungkot. Di ko na sya inimik pagkatapos nun. Tinanggap naman nya ang pag aaya ko ng kasal pero di dahil sa gusto nya kundi dahil lang sa nabuntis ko sya. Wala syang kaalam alam pero alam na ni Mang Ricardo ang totoo at malamang ay paluwas na sila dito. Sinabi kong sa condo ko na nakatira ang anak nya kaya dito sila pupunta, malamang sa bukas o makalawa ay nandito na sila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD