Nathan POV
It's been 1 month since my confession but no progress yet. Hindi nya ba ko gusto? It's so frustrating. Im in the middle of thinking when my phone ring
"Hello Billy, napatawag ka ata?"
"Boss, nandito mommy mo hinahanap ka. Anong sasabihin ko?"
"Edi sabihin mo Im working"
"Pumunta sya sa office at nag aaway ngayon ang magulang mo. Umuwi ka muna dito boss"
I sighed. "Bukas. Tell them na uuwi ako, wag na wag mo sasabihin nasaan ak1o Billy"
I think deeply, I have to tell Jel that I'll go home. Anong sasabihin ko?
"Uy Chu, may problema ka ba?" binalingan ko ang nasa tabi ko na busy sa pagssolve
"Wala naman. Magreview ka lang dyan. Kelan ka nga pala babalik ng Manila? Gusto mo sabay tayo?"
"2 weeks na lang at magsstart na ko pumasok sa review center. Masaya nga ako at kinakausap na muli ako ni Papa"
"Kelan mo nga pala ako sasagutin? Di ka ba naaawa saken lagi ako pinag iinitan ng Papa mo sa farm tapos lagi mo rin ako pinapahirapan" pagpapaawa ko sa kanya. Gusto ko sana ay bago ako umalis ay may relasyon na kameng tinatawag.
"Bakit naiinip ka na ba?"
"Ramdam ko naman kaseng may gusto ka rin saken pero bakit wala pang tayo?"
Tumingin lang sya saken at tumawa. Tingnan mo yang babaeng yan di man lang maging sweet sakin.
"Bat di ka magsalita? Puro ka salita. Sa madaling salita, mahirap na magsalita"
"Haha ikaw ba yan Sinio?" pagttukoy nya sa linya ko na narinig ko kay Sinio yung nagffliptop
"Kilala mo rin pala yun haha, sagutin mo na kase ako." pagpipilit ko
"Bakit ba nagmamadali ka?" natatawang sagot nya
"Aalis ako bukas" seryosong sabi ko
"Punta ka sa bayan?"
"Hindi. Uuwi ako sa bahay namin. Di ko alam kung kelan ako makakabalik. Gusto ko sana masecure yung relasyon natin bago ako umalis. Para mapanatag ako na merong tayo"
"Ganon" nakakainis yung mga ganyang sagot nya grrrr
"Ayun lang? Di ka man lang malungkot?"
"2 weeks na lang din naman at pupunta na kong Manila, wala rin naman akong assurance kung tatagal tayo"
"If you believe, it will happen. Kahit naman pumunta kang Manila susunod ako sayo. Saan ba yung review center?"
"Sa sta. mesa manila"
"Kayang kaya pala kita puntahan e. Sa Makati ang bahay ko. Bawat problema natin dapat pag usapan para magawan natin ng paraan"
"Ah talaga" Nakakainis na sagot na naman nya.
"Ano ba. Seryoso ako. Sagutin mo na kase ako"
"Bakit nga pala bigla bigla yata ang pag uwi mo?"
"Ah umuwi mother ko galing abroad"
"Ah okay."
"Kakainis wala man lang matinong sagot to saken. Bat ka ba ganyan"
"Ang clingy mo hahaha. Okay na nga"
"Ano ngang okay? Okay sinasagot mo na ko?" pang aasar ko rin sa kanya
"Oo" seryosong seryosong sagot nya
Nanglaki ang mata ko di makapaniwala. Madalas ay lagi ko syang binibiro na sagutin ako at palagi nya lang ako tinatawanan.
"Talaga ba? talaga? Waaahhh girlfriend na kita Ming. Hahaha" masayang masayang wika ko. Ganto pala pag sinasagot haha. Unang beses ko pa lang nagkaroon ng GF kaya naman di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko basta ang alam ko masaya ako.
I hug her and suddenly I kiss her passionately. I don't know but there's something inside me that I want more than a kiss, she kissed me back that make my body more hungry for her. Dati naman ay kahit dalawa lang kame sa Nipa house na to wala akong nararamdamang ganto. I roam my hands in her back without ending our kiss f**k I can't stop, I know this is wrong, I am planning to stop when she linger her arms in my neck, the heck Im having a b***r.
"Ming. I cant stop. I want you"
----
"Di ko alam kung kailan ako babalik, if ever makabalik ako agad sabay na tayo magbyahe pa Manila. If hindi naman aantayin na lang kita sa Manila. Itxt mo saken ang address ng boarding house mo. Yung mga bilin ko ha, palagi ako tatawag sayo sagutin mo ha"
"Oo na sige na alis na"
Jelhien POV
Nakaalis na si Nathan. Lumulutang ang isip ko sa nangyari kagabi. Ayaw ko na muna mag isip
di naman siguro mangyayari ang kinatatakutan ko.
Maayos na kame ni Papa at tanggap nya na rin ang relasyon namin ni Nathan, palagi lang sya nagpapaalala na wag ko sana sya biguin, kaya naman mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi.
Hindi ako lumabas maghapon sa kwarto, nag iisip isip ako kung tama ba ang nangyari ramdam ko naman na mahal talaga ako ni Nathan pero meron kase akong pakiramdam na hindi ko pa sya gaano kilala.
Sa gitna ng aking pag iisip isip ay tumawag si Nathan. Napakakulit talaga, napangiti ako
"Hello, bakit ka tumawag? Sigurado naman akong wala ka pa sa Manila"
"Wala lang namiss kita, at saka ano ka airplane naman ang byahe ko kaya mabilis lang talaga ang matagal lang ay yung pumunta sa airport dahil malayo ang airport dyan"
"Ming gusto ko lang sabihin na kahit ano man mangyare nandito lang ako di kita iiwan. Paninindigan ko ang nangyare saten"
Namula ako sa sinabi nya naalala na naman ang nangyari.
"Wag natin pag usapan yan. Nakakailang"
I heard him sigh over the phone.
"I think I got the wrong idea that we have the same feelings toward each other, I didn't court you just to have a GF I already see you as my future wife, but I think we're not on the same page. I'll call you later when I got home. Bye!"
Nagtampo na. Pero nakakailang naman talaga pag usapan yun. Mahal ko sya pero hindi ko gustong masira ang kinabukasan ko ng dahil lang doon. Mali rin naman ako dahil nadala ako sa nangyayari.
Ilang oras na at di pa rin sya tumatawag. Nagpasya na ko na ako na ang tumawag sa kanya, pero di sya macontact.
"Anak kain na" tawag saken ni mama sa labas. Pinagbuksan ko sya ng pinto at niyakap, niyakap nya lang din ako pabalik at tinanong kung gusto ko bang dalhan nya na lang ako ng pagkain.
My mom is the best. Alam nya kung kelan ko gusto mapag isa di ko man sabihin. Nagring ang cp ko at dali dali ko tong kinuha, tumatawag na si Nathan.
"Im sorry" bungad nya
"Wala yun. Kamusta safe ka bang nakauwi?" ayaw ko muna pag usapan sa ngayon at patuloy na lang ako mananalangin na sana di mangyari ang kinatatakutan ko.
"Yeah nagpahinga ako agad pagdating ko, kagigising ko lang kaya di ko nasagot tawag mo"
We talk all night, talking about non sense things. I feel in my heart that he's the one for me, his voice tickles my heart, his laughter makes me laugh, and his sincerity feels warm.
---
Today is the day that I will leave again my hometown, umiiyak na naman si mama parang mag aabroad ako, ayaw nya talagang lumayo ako pero wala naman kaseng review center dito sa Palawan saka mas maganda kung sa Manila na ko magrreview. Si papa ay suportadong suportado ako. Nag usap kami ni Nathan na pupunta na lang sya sa dorm ko pagdating ko. Netong mga nakaraang araw ay madalang na sya tumawag madalas ay sa gabi bago matulog na lang kame nagkkwentuhan, busy raw sya sa trabaho, ayaw naman nya sabihin kung ano basta daw ay maliit na negosyo ng papa nya. Hinatid ako nila Papa sa sakayan at tulad ng dati ay iyak ng iyak si Mama
Nakakamiss din pala ang ingay ng syudad. Agad agad kong tnxt si Nathan na nasa dorm na ko. Isang simpleng 'okay, see you tom' lang ang reply nya. Madalas ay palagi ko sya tinatanong tungkol sa buhay nya pero lagi nya lang sinasabi na simpleng buhay lang ang meron sya.
Kinabukasan...
Sabado ngayon at Lunes pa ang pasok ko may oras pa ko mamili ng dagdag damit ko pamasok. Napagpasyahan kong pumunta ng Divi ngayong umaga, baka gabi pa naman pumunta si Nathan dahil madalas ay gabi lang sya hindi busy.
Pero paglabas ko ng gate ay nag aantay si Nathan sakin. Malaki ang ngiti nya at dire diretso nya kong niyakap.
"Parang mas naging gwapo ka a" nakangiti kong bati sakanya
"Haha di lang ako naarawan, di tulad sa taniman lagi akong nasa araw. I miss you so much. Can we go on a date today?"
"Okay"
"Ayan ka naman sa ganyang sagot, wala man lang I miss you too?" nakasimangot na sagot nya, natawa naman ako namiss ko naman talaga sya maging ang mga sagot nyang palaging nagttampo.
"I miss you so much Chu" nakangiti kong sagot saka ko sya mabilis na hinalikan sa labi.