FLASHBACK
The first time I laid my eyes on him, he already got my heart.
First day of school, this is my first day as a college student. Tyrelle and Caleb is not yet here, napaaga yata ako?
Yumuko na lamang ako sa aking upuan, ako pa lamang kasi ang tao rito.
"Miss," nagising ako nang may kumalabit sa akin.
"Hmm?" I don't know why, my heart beats so fast that I can't breath properly. What the f*ck is wrong with me?
"Freshman?" tanong niya, tumango lamang ako habang titig na titig sa kaniyang mukha. He looks familiar.
I told you, Kezia Maureen! Lumapad ng husto ang aking ngiti. After all those years, nahanap ko na rin siya. My dream man!
"Ah. Okay, thanks." Agad kong hinila ang braso niya upang mapigilan sa pag-alis. Kunot-noong bumaling siya sa akin.
F*ck, gan’yang-gan’yan ang titig niya sa akin tuwing napapaginipan ko siya!
"Ahm, I'm Kezia. You are?" inilahad ko ang aking kamay sa harap niya.
"Zach," his cold baritone voice sent shiver to my whole system.
Agad siyang umalis, hindi man lamang kinuha ang nakalahad kong kamay. Hmmm. Hard to get!
Naging maganda ang mood ko sa buong araw nang dahil sa eksenang iyon. Agad kong kinuha ang aking sketch pad nang makarating sa bahay. Punong-puno iyon ng kaniyang mukha.
Since 9 years old, lagi ko siyang napapaginipan. I don't know why pero sa mga tagpo sa aking panaginip ay napakasweet namin. Sa mga unang panaginip, hindi pa klaro ang mukha nito kaya nang naging malinaw ang lahat agad kong iginuhit ang kaniyang mukha.
Ngiting-ngiti ako habang tinitingnan ang mukha nito sa aking sketch pad. Kahit na batang version niya ang lagi kong napapanaginipan, alam kong siya ito. Hindi ako pwedeng magkamali.
Zach Martinez. Hmmm.
Simula ngayon, hindi na kita patatahimikin hanggang hindi ka napapasa akin. Hihi!
"Hi, Zach!" second day, siya naman ang naunang pumasok ngayon. Umupo ako sa kaniyang tabi.
"Huy," hindi kasi nito ako pinapansin.
"Zach," tinanggal ko ang earphone sa kaniyang kanang tainga.
"Ano ba!" halos tumalon ako sa gulat nang sumigaw siya. Mabuti na lang at kami pa lamang ang tao rito.
"Hindi mo kasi ako pinapansin," nakatungong saad ko.
"Ts." Iyon lang ang sinabi niya bago ibinalik ang earphone sa tainga at hindi na ako muling pinansin.
Mukhang mahihirapan ako rito, ha? This is my first time chasing a man.
"Anong ginagawa mo, Kezia! Wala pang isang buwan, nagmumukha ka ng aso sa kakahabol diyan!" galit na hinigit ni Tyrelle ang aking braso nang nakitang hinahabol ko si Zach na wala namang paki-alam sa akin.
"Siya ang nakatadhana sa akin, Tyrelle!"
"What the hell!"
"Gagawin ko ang lahat, mapunta lamang siya sa akin." Nakangiti kong saad.
"Kahit magmukha kang desperada, tanga, at aso sa kakahabol sa kaniya?" malungkot akong tumingin sa kaniya ngunit naroon pa rin ang mga ngiti sa aking labi.
"Hindi ko man inasahan na ganito pala kahirap ang habulin siya, hindi pa rin ako titigil." Inirapan ako ni Tyrelle.
"Ewan ko sa iyo, mapapagod ka rin diyan! I know you, mabilis kang magsawa."
"Let’s see," napabuntong hininga na lamang siya.
Nagkaboyfriend na ako noong nasa ika-apat na taon ako ng high school. Ngunit hindi tumagal ang aming relasyon ng isang buwan. If I'm not mistaken, 2 weeks lamang iyon.
Hindi niya ako pinapahalagahan, nakita ko rin siyang may kalandiang babae. Anong pinag-kaiba niya kay Zach?
Mabilis ko rin bang bibitawan si Zach? Yes, we're not in a relationship but I can say na mas malalim ang nararamdaman ko sa kaniya kaysa doon sa naging boyfriend ko. Magtatagal kaya ako sa kakahabol sa kaniya?
I don't know.
END OF FLASHBACK
Isang buwan.
Isang buwan na simula nang huling kita ko kay Zach, maging kay Heidi. Ang usap-usapan, ikinasal na raw ang dalawa sa ibang bansa.
"Kumain ka na, Maureen."
"Busog pa ako."
"Nangangayayat ka na! Papatayin mo ba ang sarili mo?" napatayo na siya sa inis. But what can I do? Tinatamad na ako sa lahat ng bagay.
"Hayaan mo na muna siya, Caleb. It's part of moving on!" malungkot akong binalingan ni Tyrelle.
Nasa isang restaurant kami ngayon. Kakatapos ng aming klase nang napagdesisyunan nilang dito na lamang kumain.
"Ts. Alam kong mahirap pero hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo!"
"Ano ba, Caleb! Huwag ka ngang sumigaw, nakakahiya!" hinila siya paupo ni Tyrelle.
Tahimik ko lamang silang pinagmamasdan. Sa loob ng aking pagluluksa, hindi sila nawala sa aking tabi. Maging sila'y namomroblema sa aking sitwasyon.
"Tyrelle, Caleb." Mahinang tawag ko sa kanila kaya hindi nila ito naririnig, mas malakas pa kasi ang boses nila.
"Kezia," agad akong napatayo’t napatingin sa likod kung saan nanggaling ang boses na ‘yon.
"Z-zach?" umigting ang panga nito nang hawakan ko ang kaniyang braso. Marahan niyang hinila ang aking kamay.
"May pupuntahan tayo." Lumingon ako sa dalawang hindi pa tapos magbangayan. Bahala na.
Sumama ako sa kaniya. Nang makasakay na sa kaniyang kotse'y saka lamang ako nagtanong.
"S-saan tayo pupunta?" ngumiti lamang siya sa akin at agad na ibinalik ang mga mata sa daan.
Napakaraming tanong ang sumasayaw sa aking isipan ngunit kailangan ko pa bang isiwalat iyon? Hindi ko naman siya pag-aari.... ngunit pag-aari niya ako.
Minsan, naiisip kong ang unfair ng buhay. Mahal na mahal mo ngunit hindi ka naman mahal. Alam ko naman ang estado ko sa buhay ni Zach e, nagbubulag-bulagan lamang ako.
Bakit?
Alam kong kung magrereklamo ako, tuluyan na siyang mawawala sa akin. Tanga ako, hindi ba?
"Tara na," pinindot niya ang button sa harap upang bumukas ang dalawang pintuan ng kotse.
Tumingin ako sa paligid, nasa bahay nila kami.
"A-anong ginagawa natin dito?" bukod sa hindi pa niya ako ipinapakilala sa kaniyang mga magulang, batid kong hindi rin nila ako matatanggap.
"Don't worry, walang tao rito." Napangiti ako ng mapait. Oo nga pala, bakit ko naman iyon nakalimutan?
‘Saka lang naman ako nakakapunta rito kung walang tao. Dirty little secret, huh?
Pinagbuksan kami ng kanilang kasambahay, isang lalaking robot. Halos lahat ng kasambahay sa panahon ngayon ay mga robot na.
Dumeretso kami sa kaniyang kwarto.
"Miss me?" nakangiti siyang bumaling sa akin pagkatapos mai-lock ang pintuan.
"How's the wedding?" bitternes consumed my voice. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mata ngunit kalaunan ay napangisi ito.
"Paano mo nalaman?" inirapan ko siya.
"Come here," hindi ako gumalaw, 'tila gusto ko nang tumakbo na lamang palayo sa kaniya.
"Just trust me." Makahulugan niyang sinabi bago ako mahigpit na niyakap.
"I missed you so much. You're not answering my calls, even my text messages!"
"I thought, you already gave up." Halata ang lungkot sa kaniyang boses.
"Itinago ni Tyrelle ang aking cellphone nang makita ka niyang tumatawag." Ramdam ko ang kaniyang pagbuntong hininga.
"Ito ang unang pagkakataon na ikaw ang unang tumatawag at nagtetext sa akin."
"And you just ignored me!"
"Why, Zach? Mahal mo na rin ba ako?" I felt him stilled with my questions. Of course not, Kezia! Are you nuts? Kailangan ka lang niya upang mapunan ang kaniyang p*********i!
"Ah. Don't answer it. I know my stand." Humiwalay ako sa kaniyang pagkakayakap.
"Kezia," I can see frustration in his eyes now.
"You know what, Zach? I'm tired. Lagi mo na lamang akong pinaglalaruan. I can't understand you! Siguro tama sila, I should stop chasing you. I don't deserve this, I don't deserve you!"