"I'm so proud of you, Kezia!" sigaw ni Tyrelle. Mas lalo tuloy akong napasimangot.
Matapos ang pangyayaring iyon, dumeretso kami ni Caleb sa Bar ni Tyrelle.
"Tsk. Can you please stop crying, Maureen." Kung sayang-saya si Tyrelle sa ginawa ko kanina, ako nama'y nagluluksa.
Tama ba 'yong ginawa ko? Dapat bang hindi ko siya iniwan doon kasama ang mapapangasawa niya? Pinigilan naman niya ako, hindi ba?
"F*ck, Maureen!" hinila niya ako upang yakapin. Hindi ko na kasi mapigilan ang hagulgol ko.
"Hay, iiyak mo lang 'yan. Tama lang ang ginawa mo." Sulsol naman ni Tyrelle.
"Kung tama iyon, bakit ako nasasaktan?" wika ko sa gitna ng aking mga hikbi.
"Tara na, iuuwi na kita." Pinunasan ni Caleb ang pisngi kong puno ng luha.
"Kezia," agad akong napalingon sa tumawag sa akin. I know that voice!
"Z-zach!" patakbo akong lumapit upang mayakap siya.
"I-i'm sorry. Please, Zach." Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. 'Tila nabuhayan ako ng loob nang niyakap niya ako pabalik.
"Shhh. Let's go home." Bulong niya.
"Maureen!" hinila ako ni Caleb palayo kay Zach.
"C-caleb, please?" pagod kong pagmamakaawa sa kaniya. I want Zach!
"Kezia, kay Caleb ka sumama." Matalim akong tiningnan ni Tyrelle.
"But,"
"Kezia," muling tawag ni Zach sa akin.
"Stop pestering her, Zach." Mabilis akong hinila palayo ni Tyrelle.
"Tyrelle," mangiyak-ngiyak kong pagpupumiglas.
Pumitik ito upang tawagin ang utusan niyang robot.
"Miss Tyrelle," yumukod ito sa aming harap.
"Paalisin mo 'yong lalaking iyon." Turo niya kay Zach.
"No!" agap ko kaya napatingin ang robot sa akin.
"You're not my boss." Malamig niyang saad bago lumapit sa gawi nina Zach at Caleb.
"Let's go," ngising-ngisi akong hinila palabas ni Tyrelle.
"Saan tayo pupunta?" hindi na kasi ako nito kinakausap, seryoso lamang siyang nagpapalipad ng sasakyan.
"Sa bahay."
"Anong gagawin natin doon?"
"Doon ka matutulog. Paniguradong pupunta si Zach sa bahay niyo mamaya. At ikaw namang babae ka, magpapakagaga ka na naman sa kaniya." Umirap pa ito sa kawalan kaya napabuntong hininga na lamang ako. Bukas ko na siguro makakausap si Zach.
I missed him already.
---
“See, walang kwenta talaga ‘yang si Zach. Hindi ka lang sumama sa kaniya, may bago na naman siyang kalandian. Ano bang nakain mo’t parang hindi ka mabubuhay kapag nawala ‘yang lalaking iyan sa’yo?” kasalukuyan kaming nakahilata sa damuhan na nasa loob ng kwarto niya, ewan ko ba sa babaeng ito kung bakit nito naisipang lagyan ng garden ang kaniyang kwarto.
“Paano mo nalaman?” walang gana kong tanong. Sa totoo lang kasi, sanay na ako sa pambababae ni Zach.
“Look, ipinasa sa akin ni Caleb ang mga pictures.” Nasa kabilang Bar sila ngayon.
Sa unang litrato, umiinom si Zach ng alak habang ang babaeng nakakandong sa kaniya ay hinahalikan ang kaniyang leeg. Ang pangalawa nama’y matamis na silang naghahalikan.
“What the f*ck?” malakas na bulalas ni Tyrelle, ramdam ko naman ang pagtulo ng aking mga luha.
“Lecheng Caleb ito, sana hindi na lang pala niya pinasa.” bulong niya habang hinahagod ang aking likod.
“I thought, hindi niya gusto si Heidi?”
Yes, si Heidi ang kasama ni Zach. Hindi kita sa unang dalawang litrato ang mukha ng babae sapagkat nakatalikod ito ngunit sa pangatlo’y klarong-klaro ang mukha ng dalawa. Masaya silang nagtatawanan habang naglalakad palabas ng Bar.
“I told you, ginagamit ka lang niya. Bitawan mo na kasi. Masyado kang nagpapaniwala sa mga panloloko ng lalaking iyan. Impossibleng hindi niya magustuhan si Heidi.”
Dapat na ba talaga kitang bitawan, Zach? Ngunit hindi ko kaya.
---
Sa halos isang linggong pagtiis kong hindi lapitan si Zach, 'tila pinapatay ko ang aking sarili. Ang sakit makitang habang nagdurusa ako sa isang sulok, siya nama'y masayang kasama ang kaniyang mapapangasawa. Ibang kurso ang kinuha ni Heidi ngunit palagi silang magkasama tuwing pareho sila ng bakanteng oras.
"Maureen,"
"Hmm?"
"Ayos ka lang?" sinuri akong mabuti ni Caleb.
"Oo naman." Pilit kong ngumiti sa kaniyang harap ngunit bumuntong hininga lamang siya.
"Ilang araw ka ng tulala at wala sa sarili. Maureen naman, nagkakaganyan ka dahil lang sa lalaking iyon?" kita sa kaniyang mga mata ang pagkabigo.
"Ah, hindi. Nasaan na si Tyrelle?" pag-iiba ko sa usapan.
"Umuwi na, nagpaalam sa akin kanina."
"Ganoon ba? Sige, uuwi na rin ako. Bye." Ngunit hindi pa ako nakakalayo'y hinawakan niya ang aking siko.
"Ihahatid na kita." Naninimbang niyang saad.
"No need, I have my car. Thanks."
"I'll drive you home using your car if that's what you mean."
"Ok." Hindi na lamang ako nakipagtalo, pagod na ako sa lahat.
Ngunit nang makarating kami sa parking lot, naroon si Zach.
Biglang tumulo ang aking mga luha. Nakapikit ito habang nakapamulsang sumasandal sa pintuan ng aking kotse.
Iyong makapal niyang kilay, mahabang pilik-mata. Those pointed nose, thin and pinkish lips.
I miss him so much.
"Sh*t, why are you crying?" bulong ni Caleb.
"Shhh. Stop it, Maureen." Wala sa sariling napayakap ako sa kaniya habang palakas ng palakas ang hagulgol.
"Kezia," those husky voice. Hanggang kailan ako magiging baliw sa kaniya?
"Kezia, please let’s talk." Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Caleb upang maharap si Zach.
"For what?" malamig kong saad habang pinupunasan ang walang tigil sa pagpatak kong mga luha.
"Please?"
"Ayaw kang makausap, maaari ka ng umalis." Malamig ding saad ni Caleb ngunit hindi niya ito pinansin.
Hinila niya ako upang yakapin ng mahigpit.
"I miss you," isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking leeg. Naramdaman kong biglang namasa ang aking leeg.
"Zach." Pilit ko siyang inilalayo upang makita ang kaniyang mukha ngunit masyado siyang malakas.
"Maureen, let’s go." May pagbabanta na sa boses ni Caleb.
"I'm sorry, Zach. I need to go." Walang emosyong pagkakasabi ko. I'm so good at this, ha?
"Please, stay with me." I can feel it. Hindi ako nagkakamali. Matagumpay ko siyang naitulak palayo sa akin ngunit nanatiling nakayuko ang kaniyang mukha.
"Zach," pigil ang aking hininga nang maiangat ko ang kaniyang mata at nakita siyang lihim na lumuluha.
"W-why are you crying?" ngunit yumuko lamang ito.
"I'm sorry. You can now go." Mahinang wika nito ngunit ang tingin ay nasa ibaba pa rin.
Mabilis akong hinila palayo ni Caleb at isinakay sa aking kotse. Hindi na rin ako nagpapigil sapagkat nais ko na ring makawala muna kay Zach. Hindi ko siya maintindihan, mas lalo niyang ginugulo ang aking isipan!
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng aming bahay, tulala ako. Hindi rin ako kinibo ni Caleb sa byahe.
"Stop thinking too much. Baka isa lamang iyon sa kaniyang patibong upang makuha kang muli."
Is that so?
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngunit nakaya mo na siyang tiisin, sigurado akong makakaya mo pa rin hanggang sa susunod na araw. Makakalimutan mo rin siya, Maureen." Puno ng pag-asang saad ni Caleb.
"Ngunit noong mga araw na iyon, hindi ko ramdam na buhay ako." Tumulo na naman ang aking mga luha.
"Ano bang nakita mo riyan sa lalaki na 'yon at ganyan na lamang katindi ang pagmamahal mo sa kaniya?" medyo tumaas na ang tono nito.
Mapait akong napangiti nang maalala ang araw kung saan natamaan ako ng husto kay Zach.