"Gutom ka na?" limang minuto na kaming nakahiga sa kama, pareho pa ring walang saplot sa katawan.
"Hmmm," tamad itong gumalaw upang yakapin ako. Ang kaniyang mukha’y nakabaon sa aking leeg.
"Can we just stay like this?"
"Forever?" bulong ang huling salitang binitawan niya ngunit rinig ko ito.
"Do you want me to stay in your life, forever?" lumayo ako ng kaunti upang masilayan ang kaniyang reaksyon ngunit bumuntong hininga lamang ito at hindi makatingin ng deretso sa aking mga mata.
"What if, mahanap mo na 'yong babaeng mamahalin mo talaga ng tunay? Gusto mo pa ba akong manatili sa tabi mo? Hahabul-habol sa iyo?"
"Paano kung ikaw pala ang babaeng iyon?" balik tanong niya ngunit mapait lamang akong napangiti. Alam ko namang hindi ako ang babaeng mamahalin niya ng tunay, hanggang ganito lamang ang estado ko sa kaniyang buhay.
"Kaya mo na ba akong mahalin?"
"Tsk. Kain na tayo." Bumangon na siya at mabilis na nagbihis.
That's it. Araw-araw akong pinapangaralan ni Tyrelle sa katangahan ko ngunit kahit na anong gawin kong pagpipigil, sa kaniya pa rin ako bumabagsak.
Bukas na bukas ang aking mga mata sa katotohanang hindi niya ako kayang mahalin, ngunit bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin minsan?
Kapag nakikita niya akong nilalapitan ng mga lalaki, nagseselos siya.
Wow. Big word. Selos?
Funny, Kezia.
"Hey, ano na namang naiisip mo riyan? Kain na tayo." Binuhat niya ako sa kama at pinatayo sa sahig.
Isa-isa niyang isinuot sa akin ang aking mga damit.
Kapag kami lamang dalawa, napakasweet at caring niya. Ngunit sa harap ng maraming tao, baliwala ako.
"Don't stare at me like that. Ano bang iniisip mo? Hmmm?" hinalikan niya ang tungki ng aking ilong.
"What if dumating iyong araw na napagod na ako kakahabol sa iyo?" napahinto siya sa ginagawa.
"No. Don't do that." Malamig niyang saad.
"You're selfish." Umupo siya sa kama’t hinila ako upang makakandong sa kaniyang hita.
Bumuntong hininga na lang ako, "Tara na."
Nakakapit ako sa braso nito nang lumabas kami sa kwarto.
"Kezia, narito si Tyrelle." Salubong sa amin ni Danna.
Nawala ang makinang na ngisi ni Tyrelle nang makita si Zach sa tabi ko.
"Kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko." Malamig niyang saad sa akin ngunit ang mga mata'y nakapako sa kamay kong nakakapit kay Zach.
"How I wish, makita kitang ganyan sa kaibigan ko kung nasa labas kayo. Hindi iyong nagiging sweet ka lang kapag kailangan mo ng pangkamot sa kati mo." Tinaasan nito ng kilay si Zach at namaywang pa sa harap namin.
“I have to go.” Tinanggal ni Zach ang kamay ko sa kaniyang braso’t mabilis na umalis.
"Tyrelle!" inis kong tawag sa kaibigan nang mawala na sa paningin ko si Zach.
"What? Magising ka nga, Kezia!" naiiyak niyang sigaw.
"Bakit ka umiiyak?"
"F*ck you, ako ang napapaiyak sa kalagayan mo! Itinuturing kang prinsesa ng pamilya mo, tapos isa ka lang palang desperada pagdating sa lalaking iyan!"
"I-i'm sorry. Hindi ko naman ginustong maging ganito katanga e. Ako rin naman, naawa sa sarili ko. Pero mahal ko siya, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko." Napailing-iling siya sa sinabi ko.
"Iniisip mo lang 'yan. Pero kapag ginawa mo, makakaya mo rin!"
"Mahal ko siya, mahal na mahal."
"Mahal ka ba? Ikakasal na siya! Ano, papasukin mo na rin ang pagiging kabit?" natulala na lang ako sa tanong niya, and my tears started to fall.
"Hindi ko alam, Tyrelle. Oo, siguro. Alam mo namang kaya kong gawin ang lahat para sa kaniya."
---
"Zach!" kanina ko pa siya tinatawag ngunit hindi niya ako pinapansin.
Lakad takbo na tuloy ang ginagawa ko rito sa underground corridor ng University para lang mahabol siya.
"Hey, Maureen!" hays, kainis!
"O, bakit ka nakasimangot diyan?"
"Ano na namang kailangan mo? May hinahabol pa ako e!" irita kong saad sa kaniya.
"Si Zach na naman? Pwede ba Maureen, tigilan mo na siya. Nandito naman ako." Siguro kung nasa tamang katinuan ako, siya ang pipiliin ko.
Malambing, maaasahan mo sa lahat ng bagay, at higit sa lahat hindi babaero. Siya rin 'yong tipo ng lalaki na kaya kang ipakilala sa kaniyang mga magulang. At hinding hindi ka ikakahiya bagkus magiging proud pa ito na ikaw ang mahal niya.
"Caleb, alam mo namang..."
"Siya ang mahal mo?" mapait itong napangiti.
"Kung kaya ko lang talagang turuan ang aking puso, siguro matagal na kitang gusto. Pero hindi e. I'm sorry." Tuluyan nang rumagasa ang aking mga luha.
"Tsk. Don't cry." Hinila niya ako upang yakapin.
"Sabihin mo lang sa akin kung pagod ka na sa kakahabol sa kaniya. Hihintayin kita." Bulong nito habang hinahagod ang aking likod.
"Kezia Maureen," that baritone voice startled me.
"Caleb," kahit na anong kawala ko rito ay hindi niya ako pinapakawalan, mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Release her." Malamig na saad nito kay Caleb.
"Caleb, please." Bumuntong hininga muna ito bago bumitaw sa pagkakayakap sa akin ngunit agad niyang hinawakan ang aking kamay.
"Come here, Kezia." Halata ang inis sa mukha ni Zach, ang mga mata nito ay nakapako sa magkahawak naming kamay ni Caleb.
"No." Hindi ko alam kung iniinis lang ba nito si Zach o ano.
"Bakit mo ba ito ginagawa kay Maureen? Can you please stop playing her? Get out from her life. I can treat her better." Marami na talagang naaapektuhan sa katangahan ko kay Zach. I didn't know.
"You don't know everything, man." Marahas niya akong hinila papalapit sa kaniya.
"You're getting married! Anong balak mo sa kaniya, gawing kabit?" halatang nagpipigil na lamang si Caleb ng galit. I need to calm him down. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Zach upang mapuntahan si Caleb.
"Caleb, please stop this. Let’s just go home."
Yes, I don't love him but he's my guy bestfriend. Limang taong gulang pa lamang kami nina Tyrelle at Caleb nang magkakilala sa isang park na malapit sa aming bahay. And since then, hindi na kami mapaghiwalay.
"Kezia..." hindi na naituloy ni Zach ang sasabihin nang may isang babaeng yumakap sa kaniyang likod.
"Hubby, I missed you!"
"H-heidi." His fiance.
"Who are they? Your friends?" nakangiti itong nakatingin sa amin ni Caleb.
Matagal ko ng alam na nakatakdang magpakasal si Zach sa isang business partner ng kaniyang Daddy. Yes, it's an arranged marriage.
Sabi ni Zach, minsan pa lamang niya nakita ang babae dahil nakatira ito sa States.
Ang ganda niya, 'tila nanliit ang aking kumpyansa. Her skin is fair white, me? Sad to say, I'm morena. Her brown hair is more beautiful than my black natural hair.
"Kezia," may pangamba sa boses nito.
Why, Zach?
F*ck! Hindi pa nga nag-uumpisa, talo na ako.
"Hi, nice meeting you!" magiliw na inabot ni Heidi sa aming harap ang kaniyang kamay.
"Nice meeting you, too. Aalis na kami, gutom na kasi itong girlfriend ko." Hindi ko na pinaki-alaman ang sinabi ni Caleb. Ngumiti na lamang ako kay Heidi bago tumalikod.
"K-kezia, wait!" hinablot ni Zach ang aking braso.
"What?" kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Heidi sa inakto ni Zach.
"Let's talk." Hindi ko alam ngunit bakit kanina ko pa nakikita sa kaniyang mga mata ang pangamba?
"Wala tayong dapat na pag-usapan, Zach. Asikasuhin mo ang mapapangasawa mo. Excuse me." Hinila ko ang aking braso na hawak niya at mabilis na umalis sa lugar na iyon.