"Kezia, anong ginagawa mo riyan? Late na tayo!" galit na sigaw ni Tyrelle.
"Wala pa si Zach e. Mauna ka na, hihintayin ko pa siya." Malungkot kong saad.
Sabi niya kasi kagabi, sabay kaming papasok ngayon pero hindi naman niya ako sinundo. Balak ko nga sanang bumalik sa bahay baka naghihintay siya roon kaso ayaw naman akong pakawalan ni Tyrelle.
"Ano ba, Tyrelle!" bigla ba naman niya akong hinala papasok ng University. Nasa parking lot kasi kami ngayon.
"Huwag ka ngang tanga! 7:30 na, 7:00 ang first subject natin. Sisirain mo ang kinabukasan mo dahil lang sa lalaking iyan!"
"Baka magalit siya sa akin e."
Natigil siya sa pagkaladkad sa akin, napa-aray na lamang ako nang malakas niya akong hinila sa pwesto niya, "Ayan ba ang magagalit? Wala ngang paki-alam sa'yo 'yan!" itinuro nito si Zach na may kahalikang babae sa likod ng isang kotse.
Hays. Zach naman e!
"At saan ka pupunta, bruha ka?" hindi ko na pinakinggan si Tyrelle. Dumeretso ako sa gawi ng dalawa.
"Zach, pasok na tayo. Kanina pa kita hinihintay." Ngumiti pa ako sa harap nito kahit na patuloy pa rin sila sa paghahalikan.
"Zach," hinila ko ang kanang braso nito na nakakapit sa baywang ng babae.
"F*ck!" galit niya akong tiningnan, maging ang babae’y iritang nakatingin sa akin.
"Late na tayo." Nakangiti ko pa ring saad. Pilit na iniinda ang sakit at galit na nararamdaman.
"Wala akong paki-alam." Malamig niyang wika bago hinila ang babae. Pumasok sila sa kotse nito at mabilis na pinalipad palabas ng University.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I felt embarrassed. How awful are you, Kezia?
"Hindi ko alam kung saan ka ba ipinaglihi ni Tita. Ang tanga tanga mo!" mahigpit akong niyakap ni Tyrelle. Hindi ko na tuloy na-kontrol ang pagbagsak ng aking mga luha.
"Kezia, please tigilan mo na siya." Ngumuso lamang ako. Pinunasan ko ang aking luha’t pilit na ngumiti.
"Tara na, pasok na tayo!" magiliw kong saad na ikinailing niya. I know how disappointed she is.
---
Pangatlong subject na namin ngayon ngunit hindi pa dumarating si Zach. Kaklase ko siya simula unang taon ng kolehiyo, Bachelor of Science in Information Technology ang aming kurso.
"Kanina ka pa tinitingnan ni Maestra. Makinig ka naman kasi," bulong sa akin ni Tyrelle. Kanina pa kasi ako nakatingin sa pinto, umaasang bigla itong bubukas at iluluwa si Zach.
"Ms. Montefalcon?" masungit na tawag sa akin ni Maestra.
"Po?" tumayo ako bilang paggalang.
"Hindi na bago sa akin ang pagkagusto mo kay Zach, at naayon ito sa ating talakayan ngayong araw." Tinitigan ko lamang siya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Sa loob ng maraming taon na pagkagusto kay Zach, aabot ka ba sa puntong mapapagod ka na sa kakaasang magugustuhan ka rin niya?" bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. All their eyes settled on me. ‘Tila lahat sila’y interesado sa isasagot ko.
"Lahat naman po ng tao napapagod. Oo, alam kong darating sa puntong mawawalan na rin ako ng gana at magsasawa ang puso kong mahalin siya. Kaya habang hindi pa nangyayari ‘yon, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maiparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko. Para kapag dumating na ako sa puntong’yon, hindi ako magsisisi dahil lahat nagawa ko, wala akong pagkukulang."
"Ano naman ang masasabi mo roon, Zach?" agad akong napalingon sa gawi nito. Bakit hindi ko namalayang pumasok na pala siya?
He stared at me for a couple of seconds. I bite my lower lip para pigilan ang pagngiti. Kinikilig ako sa titig niya!
"I don't care." Halos sabay kami ng mga ka-klase ko sa pagbuntong hininga. Para tuloy namatay lahat ng paru-paro sa tiyan ko kanina.
"Are you sure na wala ka ring pagtingin kay Ms. Montefalcon?"
"Yah. Never." Pilit kong ngumiti sa harap ng marami. Bakit ba kasi ang daming tanong ni Maestra? Gusto yata nito akong pahiyain e!
"Okay. Sana hindi ka magsisi sa huli." Ngumiti si Maestra kay Zach ngunit dumeretso lamang ito patungo sa upuan niya.
Gustong gusto ko nang mapagod. Sino ba naman ang may gustong laging napapahiya at nababalewala? Ngunit wala akong magagawa, kapit na kapit ang aking puso. Hindi niya kayang bitawan ang lalaking ito.
---
Kararating ko sa bahay nang madatnan ko si Zach sa tapat ng aming gate. Nakasandal lamang ito sa pintuan ng kaniyang sasakyan. Agaran akong lumabas sa aking kotse upang salubungin siya.
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko ngunit kunot-noo lamang niya akong tinitigan.
"Are you fine?" biglang tanong niya pagkatapos ng ilang segundo.
"Wow! May paki-alam ka na sa akin?" I sarcastically said. I feel drained these past few days, I don’t know why. Kaya pinili kong ‘wag munang magpapansin sa kaniya.
"Come here." Hinila niya ang aking braso palapit sa kaniya.
"Please, don't treat me like that." Para lamang akong tuod habang nakayakap siya ng mahigpit sa akin. He even sighed heavily.
"Zach," kumalas ako sa pagkakayakap. Nakitaan ko siya ng pangamba sa kaniyang mga mata ngunit mabilis ding nawala.
"I'm tired. Bukas na lang tayo mag-usap." Hindi ko pa talaga kayang makipaglandian sa kaniya ngayon.
"Baby, please." Malambing niyang hinaplos ang aking kanang pisngi.
"Kailangan ko lang ng pahinga. Don't worry, okay na ako bukas." Ngumiti pa ako para ipaalam na okay lang talaga ako. Don’t worry, Zach. I still love you.
"No, noong isang araw mo pa ako hindi pinapansin." Napabuntong hininga na lamang ako. Sa loob ng apat na taong pagkakagusto sa kaniya, ganito siya lagi. Paano ako susuko kung ganito ang inaakto niya?
"Pagod lang ako." Umawang ang kaniyang labi.
"P-pagod ka nang mahalin ako?"
"Of course not!" ako na mismo ang humila sa kaniya para halikan. Ikinapit ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg. Ayaw kong maisip niya ang bagay na ‘yon. Masyado ko pa siyang mahal para sukuan siya.
"Please don't give up on me." Wika nito sa kalagitnaan ng aming paghahalikan.
"I won't." Sagot ko bago tinapakan ang secret door bell. Agad na bumukas ang gate at bumungad ang nakangiting kasambahay.
Actually, isa siyang robot na ang katawan ay kagaya ng tao. Maging ang kaniyang pagsasalita ay kagaya ng pagsasalita ng karaniwang tao. Ang pinagkaiba lamang ay ang mga mata at ngipin nito na halatang gawa sa materyal na bagay.
"Hi, Kezia! Hi, Zach!" bati nito sa amin.
Siya lang ang aking kasama sa bahay. Si Dad at Mom ay nagbabakasyon ngayon sa Korea kaya madalas pumarito si Zach.
"Hello, Danna. Nakapagluto ka na ba?"
"Yes, all set." Mgkahawak-kamay kaming pumasok ni Zach sa bahay. Si Danna nama'y minamaniobra ang kaniyang remote upang maipasok ang aming kotse sa parking lot.
"Let's eat first." Anyaya ko ngunit hindi niya ako pinakinggan. Hinila niya ako patungo sa aking kwarto.
"I want to eat you," bulong niya nang maisara ang pintuan.
Hindi ko na siya sinagot pa, agad ko siyang sinunggaban ng halik.
"I love you," at katulad ng nakasanayan, wala itong sagot. And it's okay.
"Hmmm..." Patuloy ang aming paghahalikan habang ang mga kamay nito ay nilalamas ang aking dibdib.
"Ahhh. Z-zach," ipinasok nito ang kaniyang gitnang daliri sa akin. Hindi ko man lamang namalayang wala na pala akong saplot.
"I love your moans."
How about me, Zach?
Nais ko sanang itanong ngunit hindi ko na itinuloy. Baka masira pa ang moment namin.
"Hmmm. Ohhh..." Pareho na kaming walang saplot at nakahiga na sa kama.
"Sh*t, Zach. Ahhhh! Faster... Ohhhh!" mas lalo nitong binilisan ang paggalaw. Ang sarap sa pakiramdam pag nasa loob ko siya, 'tila punong-puno ang aking pagkatao.
"F*ck, I'm cuming." Ilang paglabas masok pa ang nangyari bago kami sabay na nilabasan.
"You're safe, right?" hilaw akong napangiti.
"Yah. Don't worry." Bakit naman niya ako gugustuhing mabuntis, hindi ba? Wala naman siyang paki-alam sa akin, paano na lamang ang magiging anak namin kung sakali?
Well, pamparaos niya lang naman ako. Hanggang kailan ka magiging tanga, Kezia?