Simula

542 Words
Today is February 07, 3019 and... it's my birthday! "Happy 20th Birthday, Kezia!" bumulaga ang mukha ni Tyrelle sa screen ng aking flying car. "Thank you," simpleng sagot ko. Kasalukuyan akong nagpapalipad ng aking kotse patungo sa bar na pagmamay-ari ni Tyrelle. "Ang tagal mo naman, traffic ba?" sarcastic niyang saad. Bihira lamang kasing magkatraffic sa panahon ngayon sapagkat samu't-sari na ang paraan sa pagko-commute. Ang mga single motors at tricycle ang nasa kalsada. Ang jeep, kotse, at eroplano nama'y sa himpapawid. Sa mga nakalipas na taon, marami ang nagbago. Halos lahat ay teknolohiya ang nagpapatakbo ngunit ang magandang nangyari ay bumalik ang sigla ng kalikasan. Mas marami na ngayon ang mga puno kaysa building. 'Tila naging bagong gawa muli ang mundo. According to my research, ang mga tao noong taong 2000+ ay mas nabubuhay sa loob ng social media. Now, maybe some. Ngunit ang karamihan ay walang paki-alam sa social media world. "Hey, nandito si Zach." Walang emosyong wika ni Tyrelle. Napangiti ako, mukhang makukompleto ang aking araw. Zach Martinez is my ultimate crush. "Where is he?" bungad ko kay Tyrelle nang makarating sa bar. "Ayan, may kasama na namang iba." Napalingon ako sa itinuro nito. Playboy as ever. "Zach," tawag ko rito nang makalapit sa kanilang table. "Who is she?" tanong ng babaeng nakakandong sa kaniya. "Fangirl." Malamig na sagot ni Zach bago uminom ng alak. "Zach, birthday ko ngayon." Malambing ko siyang tinitigan. Hindi na tumatalab ang kasungitan niya, apat na taon ko ba naman siyang hinahabol at laging ganito ang pakikitungo sa akin. "Miss, walang paki-alam ang boyfriend ko sa'yo. Umalis ka na nga!" Tinaasan ko ng kilay ang hipon na ito. "Boyfriend or should I say, flavor of the day?" napangisi ako nang lumukot ang kaniyang mukha. "Pwede ba, Kezia! Tumigil ka na." Sigaw ni Zach sa akin. Naagaw tuloy nito ang atensyon ng mga tao sa paligid. Hayy, mainit na naman ang ulo niya. Pero bakit mas lalo itong gumagwapo sa aking paningin tuwing nagagalit siya? "Ok. Bye, Zach! I love you!" matamis akong ngumiti bago umalis. "TIGILAN mo na nga ang kakahabol sa lalaking iyan! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Lagi ka na lamang niyang ipinapahiya! Hindi ka ba nagsasawa? Apat na taon ka nang naghahabol sa wala!" napanguso na lamang ako kay Tyrelle. "Mahal ko siya kaya kahit magmukha pa akong tanga sa harap ng maraming tao, okay lang." Inis siyang napailing. Wala akong magagawa, mahal ko e. "Hi, pretty. Mag-isa ka?" napalingon ako sa lalaking nasa harap ko. Hmmm... may itsura siya. Maganda rin ang pangangatawan ngunit kay Zach lamang ako. "May nakikita ka bang kasama ko?" inis kong tanong. Umalis na kasi si Tyrelle. "So, pwede kitang tabihan?" Hindi pa ako nakakasagot nang may nagsalita sa aking likod. "No. She's mine." Napangiti ako nang makilala ang boses nito. "Oh, I thought she's available. Anyway, sorry bro." Sagot nito bago mabilis na umalis. "Let's go home." Nakanguso ako habang kinakaladkad ni Zach. "Sa condo mo tayo ngayong gabi?" nakangiting tanong ko nang makapasok na kami sa kotse, kailan ba ako sumimangot sa harap niya? "Pleasure me tonight." Seryoso niyang saad habang nagmamaneho. "Sure." Excited kong sagot. Marupok ako pero sa iisang tao lang. I'm Kezia Maureen Montefalcon, marupok pero hindi pokpok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD