Mabilis na lumipas ang mga araw, tapos na ang aming training. Dalawang araw na lamang at uuwi na kami sa Pilipinas. Habang si Rox ay naghihimutok dahil si Zach ang aking makakasama sa pag-uwi at sa trabaho, baka raw magpauto na naman ako sa kaniya. "Manahimik ka na nga lang, Rox." Inis ko siyang tiningnan. Palagi siyang dumadalaw sa aking opisina upang pagsabihan ng kung anu-ano tungkol kay Zach. "Kezia naman, hindi porke ginawan ka niya nung Zake na iyon ay mahal ka na niya. Malay mo, hindi lamang ito sanay na balewala na siya sa iyo." Namomroblema nitong saad. "Ewan ko sa iyo." Niligpit ko na ang aking mga gamit upang makauwi. "Ihahatid na kita." Hindi na lamang ako nakipagbangayan pa. "Sasakyan 'yan ni Zach, ha? Nagsasama na kayo sa iisang bubong?" galit niya akong b

