Chapter Thirteen Leave Maaga akong nagising ngayon. Mayroon na kasi kaming pasok sa school ngayon. Tapos na ang mga araw ko na halos tanghali na ako kung bumangon sa higaan. Bumangon na ako sa higaan ko at naligo na. Maaga pa naman pero mas okay na ang maaga kesa naman sa malate ako. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang uniform na ayaw na ayaw ni Aiden. Nakikita ko na ang pag tingin niya ng masama sa akin dahil sa suot ko. Habang nag papatuyo ako ng buhok ay tumawag si Aiden saakin. "Good morning beautiful. How's your sleep?" Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pamumula ng mga pisngi ko, napangiti din ako. "Good morning too Aide. Okay lang naman, how about you?" tanong ko sa kanya habang nakangiti ako. "It's Good too. Paalis na ako sa amin. Let's have a breakfast sa school?" "

