Chapter Twelve
Looking
Umahon na kami sa batis upang kumain ng lunch. It feel so refreshing. Habang busy ang lahat sa pag kuha ng makakain nila ay binalutan naman ako ni Aiden ng tuwalya.
"Keep this towel around your body baka lagnatin ka."
Dumiretso naman siya ng lakad papunta sa table kung nasaan ang mga pagkain. Pag dating ko naman doon ay may dala din towel si Cly na inilagay niya ito sa ulo ko. Napatingin naman ako sa kanya at nginitian niya lamang ako. Cly is always so sweet to me hindi na bago sa akin yun. But Aiden him being sweet to me is such a foreign feeling. Habang kumukuha ako ng pagkain ay lumapit sa akin si Shainna.
"Nakita ko yung kanina," she said while wiggling her eyebrows.
"Ano yun?" medyo kinakabahan ako sa sinasabi niya na nakita niya. Iyon bang kanina dito sa table ang nakita niya?
"Holding hands under the water huh?" naka ngiti siya habang sinasabi niya ito sa akin.
"It's not-"
"Don't worry hindi ko naman ipag sasabi kahit kanino ang nakita ko. Aiden and your secret is safe with me."
"Thank you, Shainna."
"Just call me Shana, but just so you know Aiden deserve more than being a secret lover Annia."
"Let's talk some another time Shana, ikukwento ko sayo ang napag-usapan namin."
"Oh I like it that way," she said at hinawakan niya ang braso ko bago siya umalis upang kumain.
Pag-alis ni Shana sa tabi ko ay siya naman pag lapit ni Aiden sa akin. Kumukuha din siya ng pagkain, may towel na nakalagay sa shoulder niya at tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok.
"Shana, Saw us holding hands underwater," mahina kong sabi kay Aiden kahit na kami nalang dalawa ang naiwan na kumukuha ng pag kain.
"I'm sorry about that."
"Aide, I'm not mad that you held my hand. I'm just informing you that I guess she knows about us. I'm planning to tell her everything. Is that okay to you?"
"Kailan mo balak sabihin sa kanya?"
"Bukas siguro yayain ko siya na mag punta dito sa bahay namin, gusto mo ba pumunta?"
"Just text me after niyo mag-usap. Let's go on a date. hm?" he said at nilagyan niya ng isang pirasong chicken ang plato ko.
Nag punta na ako sa table kung saan kami kakain. Nag sisimula na silang kumain lahat, ako naman ay kakaupo lang sa tabi ni Alice. Mas pinili ko na dito na lang umupo, I let Aiden sit between his cousins.
"Annia sana kaagad kita nakilala, I really think na magiging close tayo," sabi sa akin ni Anne.
"Kayong tatlo tinago niyo si Annia sa amin, ayaw niyo ba siyang mag karoon ng magandang kaibigan?" sabi naman ni Alice sa tatlo.
"At least nakilala niyo padin siya be thankful na lang," Dax said habang patuloy padin siya sa pag kain niya.
"Kapag wala na kayong dalawa sa school, Annia will be our friend and we will make sure na ayaw na niya sa inyo ulit."
"Keep trying, Anne."
Hindi lang doon natapos ang pag-aagawan nila sa akin. Napapatawa na lamang ako sa mga sinasabi nila sa isa't isa. Natutuwa talaga ko sa mga moments na ito. I grew up without a sibling so simple moments or interaction with people mean so much to me.
"So niyaya mo ako dito upang sabihin sa akin ang nakita ko kahapon?"
Nandito kami ngayon ni Shana sa aking silid naka-upo sa mga sofa na mayroon ako dito. I called her here para makapag explain ako kung ano kami ni Aiden.
"Aiden and I are dating."
"Oh Annia tell me something that I don't know."
"But we are not officially in a relationship."
"What? I thought nag dedate na kayo?"
"Well gusto ni Aiden na mag 18 muna ako bago kami maging official. For now we are just dating."
"Do you love him?"
"So much, but he doesn't want me to say it to him. Ang akala niya mahal ko lang dahil mahal niya ako. He want me to think about my feelings."
"I think I understand Aiden sa part na yon. He wants you to be sure about your feelings for him, ayaw niya yung nabigla ka lang. Because I think he genuinely love you so much."
"Paano mo nasabi yan?"
"Well nakikkita ko ang mga tingin niya sayo noon palang sa party kina Johnny. Hindi mo nakikita ang mga ito dahil tinitignan ka niya kapag hindi ka nakatingin sakanya. He look at you like are the most precious person for him."
Namumula any mga pisngi ko sa mga sinasabi sa akin ni Shana. I refuse to believe that Aiden would look at me like that.
"Ang bilis mo namang mamula I bet mahihirapan kang itago ang nararamdaman mo kay Aiden, People would probably think that you have a huge crush on him," tumatawa na sabi sa akin ni Shana.
Marami pa kaming mapag-usapan ni Shana, it feels comfortable talking to her. Parang matagal na kaming mag kakilala, she radiates warm feeling that would make you comfortable. Nalaman ko na same age lang kami, lagi siyang date ni Jacob sa mga party. She also said that she knows the Adriatico cousins since she was in grade school. And here I am thinking na nakilala lang nila siya because she's Jacob's date sa mga party. I really thought na kasing edad siya ni Aiden.
She said after seeing me on the party of Johnny she looked forward for our meeting again. She really think that I would be perfect to be a friend of her. Gusto niya mag karoon ng kaibigan na same age niya. Dahil lagi niyang kasama sina Cly or si Alice ay wala siyang nagiging kaibigan na sa grade level namin. I have the same case with her kaya siguro agad kaming nag click sa isa't isa sana ay magkaklase kami this school year. I bet Penny would like her.
"So it's my time to leave na ba?" sabi nito sa akin at ngumuso siya sa phone ko na tumutunog. Nakita ko ang pangalan ni Aiden na tumatawag sa phone ko.
"Wait sasagutin ko lang ito." Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag ni Aiden.
"Hm?"
"Hello, are you still with Shana?"
"Yes, nag-uusap pa kami. Why?"
"Akala ko ay aalis tayo ngayon?"
"Oo, maaga pa naman e. Atsaka nag-uusap pa kami ni Shana. If you want pumunta ka nalang dito sa bahay namin."
"Nope, just informed me kapag umuwi na siya."
"Do you want me to go home na Aiden?" Narinig ata ni Shana ang sinasabi ni Aiden, nakakahiya baka ang akala niya ay pinapaalis ko na siya.
"Oo, Umalis kana para makapag date na kami ni Annia." Alam ko na nag lolokohan lang silang dalawa ni Shana.
"Excited ka naman atang makita si Annia, you missed her na?"
"Yes, I miss her so much."
"eww, nakakakilabot naman yan lover boy." Tawang tawa naman si Shana sa pang-aasar kat Aiden habang ako ay namumula na nanaman.
"Shana..."
"Oo na aalis na nga ako e. hmp medyo atat ka ha." Inirapan niya si Aiden kahit na alam nito na hindi naman makikita ni Aiden ang ginawa niya.
Dahil nahihiya na ako sa mga sinasabi ni Aiden ay pinatay ko na ang tawag. I just hope Shana won't feel uncomfortable after the conversation.
"Wow, hindi ko alam na napaka cringy pala ni lover boy Aiden." Tawang tawa padin siya hangga ngayon. oh well mukhang hindi dapat ako mag-aalala para sakanya.
"Hindi ba ganyan si Aiden sa mga girlfriend niya dati?"
"Are you kidding me Annia? ang tagal mo ng kilala yung tatlong yun sa tingin mo they do girlfriends?"
Umiling lang ako kay Shana. I know those three very well, they don't do relationships. Fling fling lang sila and sa kanilang tatlo ay si Aiden ang pinaka malala. Like what I've said she change girl like clothes.
"But don't worry, I know Aiden is serious. I never saw him so whipped for anyone. Osige aalis na ako, baka amagin na si Aiden kakahintay sa akin na umalis."
"Let's meet some other day?"
"Sure. Bye Annia, thank you for today."
Hinatid ko na palabas ng bahay si Shana, nasa labas ng bahay namin ang kotse nila na may nag hihintay sa kanya na driver. Ilang minuto lang pag alis ni Shana ay siya namang dating ni Aiden. Napangiti ako noong makita ko na tumigil ang kotse niya sa harapan ko. Lumabas siya sa kotse niya, he look so handsome even though he's just wearing a simple black t-shirt and a black jeans.
Lumapit ako sa kanya and I give him a tight hug and he hugged me back.
"Pumasok ka muna, hindi pa ako nakapag paalam kay Mommy. Nasa sala siya ngayon."
Pumasok kami ni Aiden sa bahay, Nakasunod siya sa aking likod. Pag pasok namin ay kaagad na napatingin saakin si Mommy.
"Oh Aiden may lakad kayo ni Annia?" tanong kaagad ni Momm kay Aiden.
"Opo Tita, ipag papaalam ko po sana siya."
"Okay, mag-iingat kayo ha?"
Nag punta kami ni Aiden sa bayan kung saan may iilang maliit na shops gaya ng coffee shop. Ang meron lang sa amin ay nga bahay at iilang convinced stores. Kaya minsan ay nag pupunta sa bayan ang mga tao upang makapamili sila.
"Gusto mo bang mag coffee shop tayo?"
"Okay lang naman sa akin kahit sana basta kasama kita." Tumingala ako at ngumuti kay Aiden. Kinirot naman niya ang ilong ko.
"Stop acting cute, baka hindi ko kayanin," sabi nito sa akin atsaka niya hinawakan ang kamay ko at hinila papunta sa coffee shop.
Pag pasok namin sa loob ay walang masyadong tao. Nag hanap muna kami ng table bago kami nag order sa counter. Sa may glass wall ang napili kong puwesto namin dahil gusto ko panoorin ang mga taong dumadaan. Pag punta naman sa counter ay nag order na kami. I ordered cappuccino and a black forest cake. Aiden ordered double shot expresso and cookies. He insisted on paying for my orders pero inunahan ko siya na mag bayad sa order naming dalawa.
"Ano napag-usapan niyo ni Shana?" tanong ni Aiden sa akin pag upo namin sa table namin.
"I told everything to her. I really like her to be my friend," sabi ko kay Aiden atsaka ako uminom sa kape ko.
"I like Shana better to be your friend than you being friends with Alice and Anne," he said at kumuha siya ng cookie sa bowl kung saan nakalagay ang order niya.
"Why? Mukhang mabait naman iyong dalawa ha?"
"They are, pero sa tingin ko if sasama ka sa kanila hindi ka mag babago. I still don't like the way you act sometimes at school and being with those will worsen your attitude."
Is it me or parang sinisiraan ni Aiden sa akin yung dalawa. Alam ko naman na may attitude ako, but I'm trying to be good naman. But sometimes people are really testing me to release my inner b***h.
"Tsk as if me being friend with kind people would fix my attitude problem." Inirapan ko siya pero pabiro lang naman hindi naman ako naiinis sa kanya.
"I'm just saying? Hindi kita pinag babawalan na makipag kaibigan."
"I know. Let's not talk about this okay?"
We continue talking with some random stuffs minsan ay naisisingit niya ang iilang mga chismiss niya sa mga tao. I didn't know na marami siyang alam tungkol sa mga nag-aaral sa school namin. Habang tumatawa ang sa mga sinasabi niya sa akin ay nakita ko si Trinity na nakatingin sa aming dalawa.
"Aiden, Trinity is outside. Nakatingin siya sa ating dalawa. I feel so nervous the way she's look at us."
"Don't worry she won't do anything that would hurt or harm you. I'm here I won't let her near you," sabi ni Aiden at hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng table. Napangiti naman ako sa ginawa niya.
I can feel his sincerity, I can also see it through his eyes. I know that I'm not like his other hook ups. That he loves me and I love him. I want us to be happy with eachother.
Lagi kaming mag kasama ni Aiden bago ang pasukan. Kasama ko siyang namili ng mga gagamitin ko this school year. Kasama ko din siyang nag-ayos ng mga iilang documento na kailangan niyang ipasa sa school. Ilang besis din kaming nag date sa Manila at umuuuwi din kami ng hapon o di kaya naman ay gabi.
Minsan naman ay nasa mansyon nila ako, nakikipag-usap kay Tita Cali sa simula ngunit pag lipas ng ilang oras ay si Aiden na ang kasama ko sa bakuran nila. Nakahiga kami minsan sa bermuda grass nila habang pinapanood ang langit. Lagi akong nakakatulog sa kanyang mga bisig sa tuwing ginagawa namin yun. At magigising na laman ako na nasa bed na ako dito sa masyon.
Sa ilang besis naming pag dedate o pag sasama ay gustong gusto ko ng sabihin sakanya na we should make it official. Pero inuuna ako ng kaba kaya hindi ko ito natutuloy na sabihin. Pero masayang masaya ako sa buong summer. But summer vacation has ended at papasok na kami bukas sa school. Kausap ko ngayon si Aiden sa phone habang nakahiga ako sa bed ko.
"May pasok na tayo bukas, sabay tayo pumasok?"
"Mag papahatid na lang muna siguro ako kay Manong. Pero pwede tayong sabay na umuwi."
"Why do I feel like na iniiwasan mo akong makita sa umaga?"
"Ha? What are you talking about?" pag mamaang maangan ko. Hindi ko kasi pinarepair yung uniform ko kagaya padin ito noong dati na maiksi at medyo hapit sa katawan ko.
"Hind mo pa-"
"Inaantok na ako Aiden. See you tomorrow? Good night!" Pinatay ko kaagad ang tawag niya dahil alam ko na papagalitan na naman niya ako. Bago ko ilagay sa side table ko ang phone ko ay nakatanggap ako ng text sa kanya.
From Aiden;
Good night beautiful. Sleep well, I love you!
Napangiti ako sa text niya pero hindi na ako nakapag reply dahil nakatulog na ako habang nag tatype ng reply.
~~