Chapter Eleven
Grapes
Pag katapos ko mag-enroll ay nag punta na kami building nila upang siya naman ang makapag-enroll. Pag dating namin doon ay medyo madami ang naka pila kung saan sila nag-eenroll.
"Mahaba yung pila hintayin mo na lang ako sa canteen para makaupo ka," sabi ni Aiden sa akin
"Pwede naman akong umupo sa may gilid diyan." Itinuro ko naman sa kanya ang mga upuan sa gilid ng hallway.
"Okay, wait for me there. After nito kakain na tayo." Kumaway ako sa kanya at naglakad sa mga upuan na nasa hallway. Hindi naman ganoon kalayo ang upuan mula sa kanya dahil na sa dulo pa siya ng pila.
Pagkaupo ko ay kinuha ko ang phone ko upang maitext ko sina Penny. Wala akong balita sa kanila simula noong mag bakasyon.
To Penny;
Nakapag-enroll kana ba? nasa school ako ngayon. Nakapag-enroll na ako.
Habang hinihintay ko na mag text si Penny ay tumunog ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Cly na siyang tumatawag sa phone ko.
"Hello Annia, where are you?"
Hindi ko pa sinabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Aiden, hangga't maari ay gusto kong itago muna ito. At kapag official na kami ay doon ko nalang sasabihin sa kanila.
"Nasa school ako ngayon nag-eenroll. Bakit?"
"Pwede ba tayong magkita after mo mag-enroll?"
"Maybe next time Cly? may pupuntahan pa kasi ako after ko dito e."
"Saan? pwede kitang samahan kung saan ka man pupunta." Cly offered to come with me. Pero kasama ko si Aiden sa pupuntahan, basically we will have a date (I think so)
"Kasama ko mga kaibigan ko e Cly, next time nalang ha?"
"Okay, I'll call you again later. Byeee!" enend call ko na ito at hindi na ako sumagot. Nakita ko naman na may reply na pala si Penny sa text ko.
From Penny;
Nakapag-enroll na din ako, si Betty gaya ng sabi niya noon sa Manila na daw siya mag-aaral this school year. I heard na si Aiden kasama. Is it true na nag dedate kayong dalawa?
Napangiti naman ako sa text sa akin ni Penny. Oo nga pala hindi ko pa nasabi sa kanya ang mga nangyari ngayong summer break. Ikukwento ko nalang sa kanya ang mga ito kapag nagkita na kami.
To Penny;
Ikukwento ko nalang sayo kapag nag kita na tayo, okay?
Inilagay ko na sa bag ko yung phone ko dahil na nakita ko na medyo malayo na si Aiden mula sa pila niya kanina. Kung may napapadaan sa kung saan ako nakaupo ay nag tataka sila pero itinuturo ng iilan nilang kasama si Aiden na nakapila. Nginitian ko sila ang ilan ay nag-aalinlangan kung ngingiti ba sila pabalik saakin.
"Miss Annia, ano daw po gusto niyong kanin ngayong dinner?" tanong sa akin ni Manang pag kauwi sa amin.
After naming kumain ng lunch ni Aiden sa school ay umuwi na din kami. May importante daw siyang pupuntahan kasama si Tita Cali kaya nag madali din siyang umuwi sa kanila.
"Kahit ano nalang manang, hindi rin naman po ako kakain ng madami kapag gabi." Umakyat na ako sa aking silid upang mag palit ng damit. Gusto kong mag punta sa batis ngayon.
Nag suot ako ng white t-shirt at cycling shorts dahil lalangoy din naman ako sa maliit na batis sa likod ng aming bahay. Dala dala ko ang isang picnic blanket ay inilagay ko doon ang mga dala dala kong pagkain. Hindi gaanong mainit dito dahil tatabunan ito ng mga malalaking puno na nakatanim sa likod bahay namin. Habang nag bababad ako sa malamig na tubig na dumadaloy dito sa batis ay naririnig ko din ang mga huni ng mga ibon.
It feel so relaxing here. I used to go here noong bata ako kapag napapagalitan ako minsan ni Mommy sa kakulitan ko noon. I will stay here until I can feel calm and relaxed. Napangiti ako sa mga naiisip kong pwede gawin dito sa batis namin. Iinvite ko sina Cly dito for a small friend gathering here bago sila umalis ni Dax sa Manila. Umahon na ako at kinuha ko ang towel ko upang makapag punas na ako ng aking katawan. Umupo muna ako sa blanket habang kumakain ako ng mga fruits na dala dala ko kanina.
Umiihip ang malakas na hangin bigla ko nakaramdam ng lamig kaya napagpasyahan ko na pumasok na sa bahay namin. Pag pasok ko ay nakita ko sina Mommy at Daddy na mukhang kakauwi lang din nila.
"Mommy I'm planning to have a small gathering with my friends tomorrow sa batis, okay lang po ba?"
"Of course, Okay lang. Sabihan mo nalang sina manang sa mga pagkain na ipapahanda mo."
"Yay! Thank you talaga Mommy and Daddy." Yinakap ko silang dalawa kahit medyo basa pa ang damit ko ay yinakap nila ako balik.
"Anything for you little princess," sabi ni Daddy saakin at hinalikan niya ang ulo ko.
"Mag palit kana ng damit laganatin ka."
Umakyat na ako sa aking silid, dumiretso naman ako sa aking banyo upang makapag ligo ng maayos. Nag suot ako ng kulay apple green na jumpsuit medyo maaga pa para mag suot ako ng pantulog. Pagkatapos ko mag ayos ay umupo ako sa bed at tinawagan ko si Cly.
"Clyyy!! mag punta kayo bukas samin? your friends na kasama natin sa table sa party."
"Suree! Let's hang out bago kami umalis ni Dax."
"Okayyy byee, see you tomorrow!"
Pagkapatay ko ng tawag sa kanya ay tinext ko naman si Aiden.
To Aiden;
Aide, let's have a small friend gathering sa likod bahay namin bukas. I invited Cly and Dax nadin.
Hindi ko siya tinawagan dahil baka maistorbo ko siya sa kanyang ginagawa. Pero lumipas ang ilang minuto ay tumunog ang phone ko tumatawag si Aiden sa akin.
"Hello? I thought you are doing something important with Tita?"
"Hello to you too beautiful, pauwi na kami ni Mama." Nakakaramdam padin ako ng pagbilis ng t***k ng puso ko sa tuwing tatawagin niya akong ganon.
"You should rest pag-uwi niyo ni Tita Cali."
"I will. About dun sa tinext mo sa akin."
"Ah yes, napag-isip isip ko na bakit hindi tayo magkaroon ng gathering sa bahay namin. Aalis na din naman sina Cly para mag-aral sa Manila."
"Do you want me to come early para tulungan kita mag handa?"
"I can manage na, kasama ko naman sina manang na mag-aayos. Sumabay kana kina Dax."
"Okay if that's what you want."
Pareho kaming hindi nag sasalita pero hindi namin pinapatay ang tawag.
"I miss you," sabi ni Aiden sa kabilang linya.
"Nagkita lang tayo kanina miss mo na agad ako?"
"Kahit na ilang minuto ka lang mawala sa paningin ko ay namimiss kita."
"Yaaaah, stop that."
"Why?? Are you blushing?"
"Ano ba you keep on saying that para lang mag blush ako."
"Because you look very beautiful kapag nag bablush ka." Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam ko na nakangiti ito.
"Aiden, ano baaa." Kahit hindi niya ako nakikita ay tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko.
"What??" Natatawang sabi nito sa akin.
"Stop teasing me, isusumbong kita kay Dax."
"Why don't you try to say it. I bet Dax will tease you more."
May point naman siya, pero naiisip ko din na baka pagalitan ko ni Dax kasi tinago ko sa kanila ni Cly.
"hmp, papatayin ko ang tawag sige ka."
"okay, okay I will stop teasing you." Rinig ko padin ang tawa niya mula sa kabilang linya.
"Tinatawanan mo padin ako ih."
"Hindi na nga." Parang nag pipigil pa ito ng tawa.
"Aiden nandito na tayo," rinig ko sabi ni Tita Cali mula sa malayo. Sana ay hindi niya narinig ang mga pinag sasabi nitong si Aiden.
"Mamaya na tayo mag-usap, You should rest na."
"Okay bye. I love you!"
Hindi niya ako hinintay na makasagot at pinatay na niya ang tawag. Hindi niya ako hinahayaan na makapag 'I love you' sa kanya. He want me to think about it bago ko sabihin sa kanya. All he want is to show and let me feel how he feel about me. He want me say it to him kapag sure na sure ako even though I know and I'm sure with my feelings for him.
Kinabukasan ay kaagad akong nagising upang tulungan sina manang na mag ayos sa likod. Wala naman masyadong kailangan gawan dahil konti lang naman kami. I guess 8 lang naman kami, and i tried to invite Penny kaso kakalis lang daw nila papuntang palawan. So ako sina Aiden at mga kaibigan nila from school ang kasama ko ngayon.
Dumating sila an hour bago mag lunch, ang sabi ko kina manang ay maghanda ng lunch para sa amin.
"Annia, It feels good to see you again," Alice said at nakipag beso beso ito sa akin. I really like hanging out with them I wish we could be friends too.
"Me too, I feel sad noong sinabi ni Aiden na you went home na kasi sumakit pakiramdam mo," Anne said at nakipag beso din sa akin.
Hindi na kasi ako bumalik sa party after naming mag-usap ni Aiden sa kwarto ko sa mansyon. Bigla kasing sumakit ang ulo ko kaya inihatid na niya ako sa amin, siya narin ang nag sabi kina mommy kung bakit ako umuwi kaagad noon.
"Natuwa ako noong sinabi sa akin ni Cly na nagyaya ka sa bahay ninyo," Shainna said and she hugged me. Her hug feel so warm and comforting.
"Naisip ko na magyaya dahil aalis na sina Cly and madalang na lang silang makakauwi dito."
"We can hangout padin naman kahit wala na sina Dax, Sa school padin naman kami nag-aaral," Jacob said.
Oo nga pala sina Cly at Dax lang ang college sa mga ito. Pag pasok naman nina Cly ay yinakap din nila ako. Nasa likod nila si Aiden na nakasimangot ulit dahil nakita niya na yakap yakap ako ng kanyang mga pinsan. I would always see him make face kapag yinayakap ako noong dalawa. He can't keep his jealousy.
"Dumiretso na kayo sa likod, alam na nina Cly kung saan yun. Mag papalit lang ako ng damit."
Umakyat ako sa kwarto ko upang makapag palit ako ng damit. I wore a white hanging blouse and black cycling shorts na sinusuot ko palagi kapag nag pupunta ng batis. Nag dala na din ako ng towel na gagamitin naman pagkatapos maligo sa batis.
Nakahanda na ang lahat doon, may mga tables at chairs na. Nasa lamesa na din ang mga kakainin namin habang nandoon kami. Pag dating ko ay nakita ko na silang naliligo na sa batis, si Aiden naman ay naka-upo padin monoblock.
"Hey, bakit ka nandiyan?"
"I was waiting for you to comeback. I know na kapag nag punta na tayo doon ay we can't talk to eachother often."
"Sorry, I know it was hard for you to keep what we have."
"Okay lang naman sa akin, I just want to have a moment for the both of us kahit ilang minuto lang."
They can't hear us from here, if makita nila kami ay baka isipin lang nila na kumakain kaming dalawa. Kumuha ako ng isang grapes at kinain ko ito, kumuha ulit ako ng isa pa at inilapit ko ito sa bibig ni Aiden. Mukhang nagulat pa siya sa aking ginagawa kaya ngumiti ako.
"If you keep doing this, I can't stop myself from kissing you here right now."
Itinikom ko ang bibig ko at ilalayo ko na sana ang panibagong grapes na ipapakain ko sa kanya. Pero hinila niya ang kamay ko at isinubo ang grapes na hawak ko my fingers touch his lips and the tip of his tongue noong kinain niya ito. I bet sinadya niya iyon. He smirked at me, namula ang mga pisngi sa kanyang ginawa napaawang din ang bibig ko. Nag simula na siyang mag lakad papunta sa batis at ako naman ay naiwan dito tulala na namumula any pisngi.
Ilang minuto na ang lumipas pero nandito padin ako.
"Hey girl okay ka lang? Namumula pisngi mo," nagulat ako sa biglang pag sasalita ni Alice.
"Huh? Okay lang ako, mainit lang siguro kaya namula ang pisngi ko."
"Are you sure? Tara sabay na tayong mag punta doon. Malamig ang tubig sa batis."
Sumunod na ako sa kanya papunta sa batis, nakita ko naman na nakatingin sa akin si Aiden habang may mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. Sabi ko na nga ba at sinadiya niya iyon e. Inirap ko siya at nag lublub na rin ako sa tubig. Lumapit sa akin si Cly at binasa niya ang mukha ko ng tubig gumanti naman ako sakanya.
"Parang mga bata talaga itong mga to," sabi ni Dax sabay basa sa amin ni Cly.
Tawang tawa ang mga kasama namin dito. I feel so happy right now, I never had alot of friends like this. It makes me happy to have this kind of day with them.
Naisipan pa nilang mag laro habang nasa nandito kami. We did alot of games pero hindi ako napapagod, parang dahil tawa ako ng tawa ay nawawala ang pagod ko. Natawa kaming lahat noong muntik ng madulas si Dax dahil sayaw siya ng sayaw. I even saw that Aiden is laughing and he's walking beside me. Dahil narin sa pag tawa ng mga kasama namin ay hindi nila napansin ang pag lapit sa akin ni Aiden. Naramdaman ko ang pag hawak nito sa aking kamay na masa ilalim ng tubig. Napangitin ako sa kanya pero nakatingin ito kay Dax habang tumatawa.
I intertwined our hands at naramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Parang ayaw niya ako pakawalan. Ako rin naman ay ayaw ko siyang pakawalan. I want him and I don't have a plans on letting him go.
~~~