Chapter Nine
Brothers
Habang nag susukat ng gown si Mommy ay nandito ako sa labas ng fitting room sama sina Tita at ang mag pipinsan. Naka-upo kami sa may sofa dito habang hinihintay namin si Mommy.
"Annia, May date kana ba?? Do you know na date type yung party?" Napatingin naman ako kay Tita Cali noong matapos siyang mag salita.
"Wala po akong date Tita, I didn't know na kailangna po palang may date sa party."
Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nandito sa labas ng fitting room. Sina Tita Anna at Tita Millie ay may tinitignan sa magazine ng shop habang ang tatlo ay parang hinihintay ang isasagot ko kay Tita Cali.
"Okay lang naman iyan Annia, nandito naman ang tatlo pwede mo silang maging date sa party. After all wala din naman silang date. diba boys?" tanong ni Tita Cali sa tatlo.
"Oo naman po Tita Cali, willing naman akong maging date ni Annia."
"Besides hindi ata namin papayagan na mag karoon ng date si Annia na hindi namin kilala o hindi niya pa naipakilala sa amin."
Si Aiden lang ang hindi sumagot sa dalawa, nakatingin ito sa phone niya na hawak hawak niya ngayon. Hindi naman sa hinihintay ko siya na may isagot o ano man. Sa mga pagkakataong ito ay mas gusto ko na tahimik siya.
"Oo nga po, Hindi naman ako makikipag date hangga't hindi ko po naipapakilala sa kanila." Ngumiti ako pagkatapos ko itong sabihin kay Tita Cali.Napatingin naman ako sa phone na tumunog matapos kong mag salita.
From Aiden;
You look beautiful.
Namula kaagad ang pisngi ko pagkabasa ko ng text niya sa akin. Can he stop making me flustered. Para tuloy akong kamatis ngayon sa sobrang pula. Tinignan ko siya ng masama at inirapan. Hindi ko siya nireplayan pero tumunog ulit ang phone ko.
From Aiden;
Ang pula ng mukha mo, kinikilig kaba sa sinabi ko?
Mas lalo atang namula ang pisngi ko dahil sa text niyang ito.
To Aiden;
Shut up! Bakit naman ako kikiligin? -_-
Inirapan ko siyang muli noong nakita ko nabasa na niya ang text ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin, ngnit hindi ko masyadong pinansin.
From Aiden;
Seriously? you use that kind of emoji?
Inirapan ko siyang muli at itinago na ang phone ko sa bag ko. Tumayo ako upang tignan ko kung tapos na ba si Mommy sa pag susukat dahil nagugutom na ako. Pag dating ko sa may fitting room ay palabas na din si Mommy na may kasunod na sales lady.
"Mommy, tapos kana po ba? Nagugutom na ako." Nakasimangot kong sabi sa kanya.
"Oo tapos na ako. Let's go at mag dinner na tayo."
Nag lakad na ako pabalik sa kung saan ako naka-upo kanina kasama sina Tita Cali. Pero hindi na ako umupo dahil parating na din naman si Mommy at aalis na din kami. Pag dating ni Mommy ay tumayo na silang lahat.
"Let's go, sa bahay na kayo mag dinner nag pahanda na ako," pag yaya ni mommy kina Tita.
"Nako mabuti at hindi pa ako nakapag pahanda sa bahay," sabi ni Tita Millie.
"Wala kaming dalang car ni Annia, pwede bang makisakay na kami sainyo?" tanong ni Mommy
"Oo naman kina Cl-"
"They will ride with us Mama, Tita Anna, Tita Millie and Cly will ride with Daxon car." Hindi natapos ni Tita Cali ang kanyang sinasabi dahil inunahan na ito ni Aiden.
"Okay, it is settled then. Tara na mukhang gutom na gutom na si Annia," sabi ni Tita Ann.
"Oo nga parang kapag hindi pa tayo umalis ay mangangagat na siya dito," pang-aasar sa akin ni Dax. Inamba ko na ibato sa kanya ang bag ko, pero tumakbo na ito palayo sa amin.
"Nako si Daxon talaga parang bata talaga." Pailing iling na sabi ni Tita Millie, habang tinitignan ang tumakbong si Dax.
Nag simula na din kami mag lakad papunta sa parking lot. Hindi naman ganoon kalayo ang pag kakapark ng mga sasakyan sa parking lot. Sasakay na sana ako sa back seat noong pinigilan ako ni Tita.
"Annia sa passenger seat kana lang, may pag-uusapan kasi kami ng Mommy mo. Okay lang ba?"
"Okay lang po Tita," sagot ko kay Tita Cali.
Nag lakad naman ako papunta sa passenger, bago ko pa mahawakan ang pinto ay naunahan na ako ni Aiden na buksan ang pinto para sa akin. Hindi na ako nakipag away pa sa kanya at sumakay na ako. Pagkasara niya ng pintuan ay umikot siya upang maka sakay na sa drivers seat.
Alam na ni Aiden ang bahay namin sa may Manila dahil noong nag paparty si Mommy at Daddy for business ay nag punta sila doon. Medyo malayo ang bahay namin sa mall dahil sa isang napaka pribadong subdivision ito. Nakailangan pa ng verification ng mga pumapasok na sasakyan. Medyo may traffic, at nag sisimula na din pumatak ang ulan. Hindi ko naririnig na nag uusap sina Mommy dahil mahina lang nag boses nilang dalawa.
"Nasa bahay niyo na yung gown na binili ko, Sukatin mo kaagad para kung hindi tama ang sukat sayo ay ipapalit natin," sabi na Aiden sa akin, hindi siya nakatingin sa akin dahil nag dadrive siya.
"Okay, I will infrom you kapag hindi nag kasya sa akin."
"I bet it will fit on you."
Tumango na lamang ako sa kanya, dahil busy din ako sa panonood ng tumapatak na ulan sa labas. Hindi naman ganoon kalakas ang ulan ngunit sapat na ang lakas upang lumubog ang mga daan.
"Nako Cali, mukhang lalakas pa ang ulan. Kapag hanggang mamaya ay hindi tumigil ang ulan sa amin na muna kayo mag palipas ng gabi."
"Oo nga e, delikado pa naman mag biyahe kapag gabi na." Pag sasangayon ni Tita Cali kay Mommy.
"Ipapahanda ko na ang mga guest room kung sakali man."
Lumipas ang ilang pang minuto ay mas lalong lumakas ang ulan at mabuti nalang at malapit na kami sa bahay namin. Noong makapag park si Aiden sa tapat ng bahay namin ay nakahanda na ang mga kasambahay namin na may dalang payong. Naunang lumabas ng kotse sina Mommy at Tita Cali. Sumunod naman kami ni Aiden matapos niya ako pag bukasan ng pintuan. Isang payong lang ang naibigay sa amin kaya sobrang lapit namin sa isa't isa, medyo nababasa ako kaya lalo niya akong inilapit sa kanya gamit ang braso ko. Hawak hawak niya ang braso ko habang ang isang kamay niya ay hawak hawak ang payong.
Pag pasok namin sa bahay at lumayo ako kaagad sa kanya dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Baka marinig niya ito. Tumakbo ako kaagad papunta sa kwarto ko upang makapag palit ng damit. Naligo ako dahil baka lagnatin pa ako nito. Pagkatapos kong maligo ay nag suot na ako ng puting night gown ko, ito na lang ang susuotin ko sa pag kain namin ng dinner.
"Annia, halika na dito at kumain na tayo."
Pag kababa ko ay sinalubong ako ni Mommy sa hagdanan.
"Nakababa nadin po ba sina Tita Cali?"
"Oo halos kakaba lang nila, Tara na huwag mong papag hintayin ng matagal ang pagkain."
Pag dating sa dinning room ay pansin ko ang pag-iiba ng mga suot nila. Sobrang lakas ng ulan kaninang makarating kami, kaya naman kahit naka payong at mababasa ka talaga. Umupo na ako sa bakanteng upuan. Si Mommy ang umupo sa kabisera ng lamesa dahil wala si Daddy. Ang sabi ay bumalik daw siya ng Eretria kanina dahil may dumating na client.
Pagkatapos naming mag dinner ay hindi ako kaagad umakyat sa aking silid. Umupo ako sa living room namin at nanonood ng Tv kahit hindi ko alam ang mga palabas. Hindi naman kasi talaga ako nanonood ng Tv. Sina Mommy at Tita naman umakyat na sa taas. Dahil iniiwasan ko natungin ako ng dalawa tungkol kay Aiden ay tumakbo na rin ako paakyat sa aking silid.
Pag pasok ko ay umupo ako sa bed. Napatalon naman ako noong bigla tumunog ang phone ko.
"Hello?"
"Nasukat mo na yung gown?" narinig ko ang mababang boses ni Aiden sa kabilang linya.
"Hindi pa kakapasok ko lang sa kwarto ko. Saglit at titignan ko ito."
Binitawan ko ang phone ko sa may side table at iniloud speaker ito. Bunuksan ko ang itim na malaking box na nasa higaan ko. Nakita ko sa loob nito ang isag Champagne mesh long sleeve sequenced long gown.
Nag punta ako sa banyo at isunukat ko ito. Habang sunusuot ko ito ay napansin ko na may slit ito haggang ibabaw ng tuhod. Saktong sakto sa akin ang gown na ikinagulat ko. Paano nalaman ni Aiden ang sukat ko.
"Naisukat mo na? What do you think?"
"Paano mo nalaman ang sukat ko?"
"Nag patulong ka sa akin na mamili ng dress noon sa akin. Natatandaan ko pa ang mga sukat ng dress na ibinigay ko sayo."
"Saktong sakto sa akin yung gown."
"Well do you like it?" he asked me. Parang kinakabahan sa aking isasagot. Tinitignan ko ngayon ang reflection ko salamin at bumabagay sa akin ang gown.
"I love it, Aiden. Thank you so much." Kahit na hindi niya ako nakikita ngayon ay nakangiti ako habang sinasabi ko ito.
"That's good then. If you wear that sa party you will be my date. Because that gown and my suit will compliment with eachother."
"You planned this no?"
"Not gonna answer that question." Natawa naman ako sa kanyang sagot sa akin.
"Sige na, mag papalit na ako. Thank you so much. Goodnight Aiden, sleep well."
"Good night too Annia, you too sleep very well." Narinig ko na namatay na ang tawag niya. Nagpunta na ako sa banyo upang makapag palit na ako ng damit.
Humiga ako sa bed ko matapos akong mag palit. Kinakabahan padin ako para sa party, paano kung marinig ni Aiden ang puso na sobrang bilis ang t***k kapag katabi ko siya. Should I text him na si Dax nalang date ko? maybe not? baka magalit siya sa akin.
Para akong kitikiti na hindi mapakali sa hinihigaan ko. Nawala din ang antok ko kanina noong nakausap ko si Aiden. At dahil hindi na ako inaantok ay gusto ko ulit siyang tawagan upang makausap ko siya. Ngunit naisip ko na baka kung ano pa masabi ko sa kanyan. Ilang oras pa ang lumipas ay hindi padin ako makatulog. Napag pasyahan ko nalang na bumababa upang mag timpla ng gatas para makatulog ako.
"What are you doing?"
"Ay kabayong palaka!" Napasigaw ako noong may biglang mag salita sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Dax na nakasimangot.
"Mukha ba akong kabayo na palaka, Annia?"
"Nakakagulat ka naman kasi bigla bigla kana lang sumusulpot sa likod ko."
"Napakaseryoso mo naman kasi sa pag titimpla ng gatas, Hindi ka makatulog no?"
"Oo napadami ata kain ko kanina, kaya hindi ako matulog."
"Gusto mo bang mag lakad lakad sa labas?"
"Basa ang daan umulan kanina, manood na lamang tayo ng TV"
"Mabuti pa, Hindi rin ako makatulog e."
Pagkatapos ko mag timpla ng gatas ay sumunod ako kay Dax papunta sa sala namin. Nakita naman namin na nandoon din si Cly, nakahiga sa isang single sofa habang nag ce-cellphone.
"Cly, bakit nandito kapa sa baba?"
"Hindi ako makatulog e, ang dami noong nakain ko kaninang dinner."
"Sumama kana lang dito sa amin manonood kami ni Annia ng movie."
"Sige, ano ba papanoorin ninyo?"
Nag ayos naman ng upo si Cly. Habang ako ay umupo sa long sofa at tumabi sa akin si Dax, lumipat din si Cly sa tabi ko. Nasa gitna nila akong dalawa. Matagal tagal na din noong huli kaming mag kakasamang tatlo habang nanonood ng penikula.
"Weathering with you!"
"Napanood na namin yun e," sabi ni Cly.
"Ako hindi ko pa napanood yun. Iyon nalang panoorin natin." Pag kukumbinsi ko sa dalawa.
"Aish! Oo na as if naman na makakatangi kami sayo no," sabi ni Dax, at plinay na niya ang movie.
Kahit na napanood na nilang dalawa ang movie ay nakatutok padin silang dalawa. Para naman akong maiiyak habang pinapanood ko yung movie. Life is so unfair. These kids doesn't deserve to grow up with their own, they deserve to have someone to look after them.
"Hay nako napaka iyakin mo talaga," sabi ni Cly at pinunasan niya ang mga luha ko. Inilagay na naman niya sa braso niya ang ulo ko.
"If you keep showing us how fragile you are, do you think we will let you go?" sabi naman ni Dax habang naka tingin sa akin.
"Do you think papayag ako na iwan niyo ako?"
"Annia, Time will come na hindi na kami nasa tabi mo. Please be strong enough. I don't want to leave you like this."
"I know Cly, Magiging malakas ako don't worry. I will show both of you that I'm a strong independent woman." Nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa.
"College na kami sa pasukan. At napag pasyahan ni Mama na sa manila na ako mag-aral para makapag practice na din ako na i-handle ang kompanya namin."
"Mama said na mas madali daw na sa Manila na ako mag college."
"I will study here sa Manila din kapag college na ako don't worry."
"That's like 3 years from now."
"Still!"
"Okay, We will wait for you."
Cly and Dax feels like my two big brothers that I never had. They take care of me like i'm their little sister, and i'm so greatful for that. Hindi nila ako pinapabayaan na mag-isa. I know na minsan ay wala dahil nasa manila sila, but kapag bumabalik sila ay they always stay by my side.
We stayed for another movie na silang dalawa ang namimili. I kinda like the movie because it has a little bit of action, I like action movie but hindi yung puro action lang. Habang nanonood ay kumuha ako ng unan at humiga ako sa lap ni Cly, Si Dax naman ay lumipat sa lapag upang makahiga ako sa sofa.
"Annia, be happy hm?" rinig kong sabi ni Cly habang sinuksuklayan niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Always be happy, baby girl," I also heard Dax said, pero dahil sa antok ay hindi na ako nakasagot at napapikit na lamang ako.
Nagising ako sa sinag ng araw na nang gagaling sa bintana ng kuwarto ko. Umupo ako sa bed ko, na sapalagay ko ay binuhat ako noong dalawa papunta nito. Kinuha ko nag phone ko upang tignan ko ang oras, pero may nakita akong text galing kay Aiden.
From Aiden;
Good morning!
Napangiti ako sa text niya, hindi ko na siya nireplayan at napunta na ako ng banyo upang makapag ligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay nag punta ako sa walk-in closet ko upang makapamili ako ng maiisusuot. Kinuha ko ang isang baby pink na hanging blouse at isang manong na short shorts.
Pagkatapos kong magbihis ay nagpatuyo muna ako ng buhok bago ako bumababa. Alam ko na tapos na niyan silang mag breakfast dahil oras na rin naman. Hihintayin ko nalang ang lunch mamaya. Bumababa na ako at nakita ko ang isang katulong namin na nasa kusina.
"Ate sina Mommy?" Tanong ko habang namamalaman ng tinapay, kumuha na din ako ng apple juice.
"Umalis po sila Miss Annia, kasama sina Ma'am Cali."
"Kanina paba sila umalis Ate?" tanong ko at umupo ako sa isang high stool dito sa kitchen bar.
"Kakalis lang po nila Miss Annia."
"Kasamaba nilang umalis sina Cly?"
"Hindi po, Si Sir Aiden palang po ang gising sa kanila."
Itatanong ko pa sana kung nasaan si Aiden sakto naman ang pag pasok nito sa bahay namin. Nag jogging ata ito sa labas, hindi niya ako napansin dito sa kusina. Dumiretso siya sa taas baka maliligo na siya. Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko habang walang katulong sa kusina namin.
Lumabas ako sa bahay namin at nag punta ako sa may pool area. Umupo ako sa mga sun lounger na may bukas na payong. Gusto ko sanang mag swimming kaso kakain ko lang. Baka mamaya mag swimming ako. Kinuha ko naman ang phone ko para itext sana si Aiden.
"Are you going to text me?" Nabitawan ko ang phone ko sa sobrang gulat.
Ang bilis ng t***k ng puso ko hindi ko alam kung dahil ba sa nagulat ako o dahil sa boses ni Aiden na lalim na rinig na rinig ko dahil sa isinakto nito sa tenga ko.
~~