Chapter Eight
Gown
Nandito ako ngayon sa bahay namin at sinusukatan dahil mag kakaroon daw ng party sa mansyon ng nga Adriatico. Hindi ko alam kay Mommy bakit kailangan ko pang magpagawa, pwede naman akong bumili nalang sa Manila.
"Miss Annia, may date ka ba sa party?" tanong sa akin noong nag susukat sa akin.
"Wala naman ata akong date? para saan ba yun?"
"Para sana mag match yung gown mo sa suot niyang tie, pero dahil wala ka naman palang date okay lang."
Noong binangit niya ang date ay naalala ko yung pamamasyal namin ni Aiden noong isang araw. Ilang besis na kaming namamasyal ng kami lang dalawa. Nag-eenjoy ako sa bawat pamamasyal namin dahil iba't ibang lugar ang mga pinupuntahan namin. Gaya na lang kahapon, nagpunta kami sa isang cliff na medyo malapit sa school namin. May mga upuang bato at lamesa doon. Nandoon lang kami ng ilang oras pinagmamasdan ang magandang tanawin at nag-uusap.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ni Aiden ang mga iyon? Dahil ba sa wala na sina Cly at Dax? Dahil ba wala na akong makakasama niyan. Maraming mga tanong ang nasa isipan ko kung bakit ginagawa ni Aiden ang mga bagay na iyon saakin, lalo na at may girlfriend pa rin siya. Gusto ko siyang tanungin kaya lang ayaw ko mag-assume.
"Annia! Ano ba iniisip mo? kanina pa ako nag sasalita dito pero di ka ata nakikinig."
"Ha?"
"Tinatanong kita kung ano gusto mo kainin mamaya, magdadala ako ng kakainin."
"Para saan?"
"Pupunta tayo sa may cliff ulit, diba ikaw ang nagyaya sa akin na bumalik tayo doon?"
Tinignan ko ang pangalan ng kausap ko ngayon si Aiden pala ang kausap ko ngayon. Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko napansin na sinagot ko pala ang tawag niya.
"Ah oo nga pala. Pasensiya na may iniisip lang kasi ako."
"Ako ba yang iniisip mo?" mahina lang niyang sabi pero rinig ko.
"Ano?" Nag kunwari akong hindi ko narinig para ulitin niyang muli ang kanyang tanong sa akin
"Wala. Okay lang ba sayo ang chicken sandwich?"
"Kahit ano okay lang sa akin."
"Ang takaw mo talaga."
"Hoy!!" saway ko sa kanya, narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya.
Pinatay ko na ang tawag ni Aiden. Nag-improve ng sobra ang pag-uusap namin ni Aiden. Nagagawa na niya akong inisin ngayon okaya naman ay siya ang iniinis ko. Hindi na kagaya noong mga nakaraan na napaka seryoso niyang kausap. I really like the way he laugh and makes my heart flutter.
Inayos ko na ang sarili ko dahil maya-maya lang ay alam kong susunduin na niya ako dito sa amin. Nagsuot ako ng isang oversize t-shirt na puti at maong shorts. Dahil mag gagabi na din kaya okay lang na ganito nalang ang suotin ko hindi naman na kami lalayo.
"You wanted to watch the sunset kaya mo ako yinaya ulit dito? I can't believe you."
"Ang romantic kaya kapag pinapanood yung sunset."
"You are not even romantic type of girl, ang sadista mo kaya."
"Shhh! stop exposing me like that," sabi ko kay Aiden atsaka kumuha ng isang sandwich galing sa Tupperware na dala niya.
"For me, you look mo beautiful than the sunset," he said habang nakatingin sa akin. Nabulunan naman ako sa sinabi niya at dali daling kong kinuha ang apple juice na dala niya rin.
"Aiden, Stop saying things like that."
"Things like what?"
"Things like you like me and you don't have girlfriend. We're just friends right?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako pero gusto ko ng maliwanagan sa mga ginagawa niya.
"Annia, do you really think na gusto ko maging kaibigan mo lang? and who said I have girlfriend?"
"Says every person na kilala ka at ako?"
"I don't have girlfriend, and if you are talking about Trinity. Hindi naging kami or whatsoever," sabi nito sa akin.
Hindi na ako nagtanong pa ng kung ano. Ayaw ko din itanong sa kanya kung ano gusto niya. Dahil baka masaktan ako sa isasagot niya sa akin. Sabi nga nila what you don't know won't hurt you.
Makalipas ang ilang oras ay nag yaya na din akong umuwi sa amin dahil baka hanapin na ako. Habang nakaupo ako sa kanyang kotse ay pinapanood ko ang dinadaan namin. Malapit ng matapos ang summer vacation namin, malapit na kaming pumasok ulit sa eskuwelahan. Baka kapag nakaroon na ulit ng klase ay hindi na nanaman ako papansinin ni Aiden. Ayaw ko ng bumalik kami sa dati na hindi nag papansinan o yung lagi siyang seryoso. Mas gusto ko ang Aiden na ngayon. Dahil ramdam ko na may improvement sa turing niya sa akin.
Kinabukasan ay nagsimula ang araw ko sa pag dating ng mga seed ng Smerlado flowers na rinequest ko kay Mommy.
"Mommy! Gusto ko po silang itanim ang mga ito."
"Okay Annia, pero magpasama ka sa mga nag tatrabaho dun."
Binilisan ko ang pagkain ko dahil sa sobrang excited ko na itanim ang buto, sana mamulaklak ang mga ito. Dahil magiging mas lalong maganda ang plantation namin kung sakali man.
Pagkatapos kong kumain ay nag palit na ako ng damit na isusuot ko sa pag tatanim. Nag suot ako ng shorts and isang plain t-shirt, dahil hindi pa naman ganoon kainit. Habang binubungkal ni Manong ang lupa ay tinitignan ko din ang ibang trabahente namin na namimitas ng iilang bulaklak
"Miss Annia, nasisiyahan ako na interesado ka pag tatanim ng nga bulaklak," nakangiting sabi sa akin ni Manong Rene.
"Gustong gusto ko po talagang tumulong minsan sa pag tatanim ng mga bulaklak o kaya sa pag pipitas ng mga ito. Kaya lang po hindi ako pinapayagan ni Mommy."
"Hay nako Miss Annia kahit na siguro ako ay hindi kita papayagang mag stay dito sa plantation."
"Bakit naman po Manong?"
"Alam mo Miss Annia lahat ng nag tatrabaho dito sa plantation ay ayaw ko masugatan o madumihan man lang. Masyadong mataas ang tingin namin sayo, para ka naming anak."
"Salamat po, hindi ko po alam na ganoon pala ang tingin niyo sa akin Nakakatuwa naman po." Natouch ako sa sinabi sa akin ni Manong hindi ko alam na ganoon ako kaimportante sa mga tao na hindi ko man lang napupuntahan o natutulungan sa plantation.
Matapos mag bungkal ni Manong Rene ay inilagay ko na ang mga buto ng bulaklak. At diniligan ko na rin ang mga ito. Ang sabi sa akin ni Manong Rene ay siya na nag bahalang mag dagdag ng pataba sa mga ito, dahil wala pa daw deliver ng fertilizer. Matapos akong mag tanim ay hindi muna ako bumalik sa bahay namin. Minsan lang ako payagan ni Mommy na mag punta dito sa plantation kaya susulitin ko na ito.
Binabati ako ng lahat ng mga trabahente namin na nasa plantation. Ngunit habang tumatagal at umiinit na at humahapdi na din ang aking balat, kaya bumalik na ako sa bahay namin para mag babad sa bathtub namin. Sa sobrang init ay gusto ko nalang mag stay sa bathtub na malamig ang tubig.
"Annia anak. Sa Friday na ang party sa mansion ng mga Adriatico, dumating na ba yung gown mo?" tanong ni Mommy sa akin.
"Mommy hindi ba ikaw yung kausap noong designer, ang sabi ko naman kasi sayo bumili na lang tayo e."
"Tawagan ko nalang ulit. Kung hindi aabutin hangga bukas ay bibili na lang talaga tayo ng susuotin mo."
"Sige po Mommy, Akyat muna ako sa kwarto ko."
"Wala ba kayong lakad ngayon ni Aiden?" Nasanay na din ata si Mommy sa araw-araw naming pag-alis ni Aiden.
"Hindi ko pa po alam Mommy." Tumuloy na ako sa pag-akyat ko sa kwarto ko. Pag tingin ko sa phone ko ay may nakita akong text mula kay Aiden.
From Aiden;
Annia, How's your day?
Mukhang hindi kami aalis ngayon ni Aiden. Ayos lang din sa akin dahil tinatamad akong lumabas ngayon.
To Aiden;
Okay naman ang araw ko Aiden, ikaw kamusta? Wala ba tayong lakad ngayon?
Pag kasend ko sa text ay humiga ako sa bed ko, kaagad naman akong nakatanggap ng reply sa kanya. Hindi ko inexpect na mabilis pala mag reply si Aiden.
From Aiden;
We are here in Manila right now, kasama ko si Mama nag patulong siya sa akin na bumili ng susuotin niya sa party. We are having late lunch right now.
To Aiden;
Ohh. Take Care then, and also eatwell. Matutulog muna ako
Hindi ko na siya hinintay pang mag reply at ipinikit ko na ang mga mata ko.
Nagising ako sa mga katok na ng gagaling sa pintuan ng akong kwarto.
"Miss Annia, bumababa daw po kayo sabi ni Ma'am Athena," narinig kong sabi ng isa naming yaya.
"Okay sige baba na ako." Kinuha ko ang phone ko bago ako lumabas ng aking kwarto. Nakita ko na may text ako galing kay Aiden.
From Aiden;
Do you have gown? Do you want me to buy a gown for you?
"Annia, ang sabi noong designer ay hindi niya magagawa yung gown mo dahil nag karoon daw ng sunog sa shop niya. Nasunog ang lahat ng mga gamit niya," rinig kong sabi ni Mommy pag baba ko sa hagdanan.
"Bibili na lang po ba tayo?"
"Yes, get ready. Papunta na dito yung chopper natin."
"Why chopper?"
"Gagabihin tayo kung by land tayo mag bibiyahe. Atsaka sa bahay natin sa Manila doon tayo mag s-stay muna."
Umupo ako sa sofa namin habang hinihintay yung chopper. Hindi ko na papalitan ang suot ko na purple above the knee dress with long sleeves mesh. Buti ay nagpalit ako kanina bago bumababa ng room, Kinuha naman ni manang ang side bag ko kaya hindi ko na kailangan pang umakyat.
To Aiden;
Papunta kami ng Manila nina Mommy, Baka sa Manila din kami matutulog.
Agad din itong nag reply sa akin.
From Aiden;
Let's meet sa mall, nandito pa kami ni Mama.
To Aiden;
Okay sure. see you!
Binitawan ko muna ang phone ko at kumuha ng apple juice sa ref. Habang umiinom ako at tumunog ito. Akala ko ay si Aiden ang nag reply si nag text pala sa akin si Dax.
From Dax;
Stop texting Aiden, Para siyang baklang ngiti ng ngiti dito. Hindi na siya nakakain.
Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko patapos kong basahin ang text sa akin ni Dax. Aiden why are you like that. Hindi ko na nareplayan pa si Dax dahil dumating na ang chopper namin. Hindi ganoon katagal ang biyahe papuntang Manila. Dalawang oras ata o isa't kalahating oras ay nakarating na kami sa Manila. Lumapag ito sa rooftop ng mall na kung saan naroon din sina Aiden.
"Mommy nandito din po ngayon sina Tita Cali."
"Talaga? Let's meet up with them."
Pag pasok namin sa mall ay nakita ko Aiden na nakatayo malapit sa entrance ng mall. Kaagad din naman niya kaming nakita nina Mommy. Nakipag beso siya kay Mommy at binati niya lang si Daddy.
"Tita Athena, nandoon po si Mama nag susukat ng gown."
"Nako tamang tama doon nalang din ibibili ng gown si Annia."
"Don't worry Tita, Naibili ko na po siya ng gown," sabi ni Aiden atsaka siya sumulyap sa akin.
"What?? do you even know my sizes?"
"I guess? isukat mo nalang. Nakabox na, ipapadala ko na lang sa bahay niyo mamaya," sabi ni Aiden sa akin. I can't believe him hindi naman ako sumagot sa tanong niya kanina e.
"Mabuti naman pala kung ganoon. Ako na lang ang mag hahanap ng gown."
Nagpunta kami store kung nasaan sina Tita Cali. Pag dating namin doon ay nakita ko sina Cly at Dax nakasama ang mga Mama nila. Mommy would love this, mag kakaibigan kasi silang apat nina Tita Cali. Si Daddy naman ay nag paalam na uuwi muna sa bahay namin dito, dahil medyo nahihilo siya.
"Annia, I missed you," sabi Cly noong makita niya ako, kiniss naman niya ang pisngi ko.
"I miss you too Cly, sa Manila na kayo nag s-stay ni Dax e."
"Mamimiss kita Annia little miss evil," pang-aasar sa akin ni Dax tsaka niya ako niyakap at hinalikan sa ulo.
"Tama na yan, kayo talagang dalawa lagi niyong inaasar si Annia," saway sa kanila ni Tita Anna (Mommy ni Cly)
"Mama, yung sinasabi ko totoo."
"Oo nga Tita Anna, Dapat kasi ay sinundan niyo pa itong si Clyden para hindi masyadong clingy dito kay Annia," sabi naman ni Dax, natawa kaming dalawa ni Tita Anna sa sinabi ni Dax.
"Kung makapag salita ka, e isa ka din naman sa sobrang clingy kay Annstiyn hindi mo lang pinapahalata," pang-aasar ni Tita Millie sa anak.
Tumawa kami, ngunit may isang tao sa amin na nandito na nakasimangot. I know it's Aiden and I don't know what's his problem.
"Nako Annia, alam mo tong si lover boy este itong si Aiden ay kumaripas ng takbo kanina. Hindi namin alam kung saan siya pupunta yun pala pag balik niya ay kasama kana niya," sabi ni Tita Anna.
Namula naman kaagad ang pisngi ko sa hiya, napatingin naman ako kay Aiden tapos ay nag iwas siya ng tingin sa akin. Namumula din ang kanyang mga tenga at kinamot niya ang kanyang leeg. Nakita ko din na napangiti siya.
Ang cute niya, Aiden tanungin mo na kasi ako kung gusto kita. Charot lang.
~~