TTU SEVEN

2142 Words
Chapter Seven Everything Naka-ilang shopping store na kami ni Aiden and I'm really happy na kahit ilang oras na kaming magkasama ay hindi padin kami nag-aaway. I even laugh at him when I saw his reaction when I showed him a Red fitted short dress, His face was like; "Nope Annia, you can't buy that if kasama mo ako." -_- Lahat ng inabot niyang dress sa akin at kung hindi may sleeves ay strapless na mahabang dress. He even offer me to buy the long puff sleeves dress, I like the dress though. "Madami na itong nabili ko na damit, okay na siguro ito." "Are you sure? Do you want to buy heels? or bags?" Natetempt ako sa offer niya, pero baka mapagalitan ako kapag umuwi ako sa amin na sobrang daming dalang paper bags. As of now may limang paper bags na akong dala I mean dala ni Aiden. Pagkabigay sa akin nung sales lady yung paper bag hinablot niya ito. Gusto niya pa na siya ang magbayad. Hindi ako pumayag na siya ang mag bayad sa mga luho ko, when I can pay it on my own. "Let's just do some groceries?? Gusto ko bumili ng pagkain," I said. "Okay, Iwan muna natin ang mga ito sa costumers service." Pag dating namin sa supermarket ay kumuha ako ng malaking push cart. I really like doing groceries like this, it feels so domestic. Like you are choosing the things that you want to eat. Ang reason ko talaga ay nag-eenjoy ako bumibili ng mga pagkain. "Don't put a lot of junk foods Annia," sabi ni Aiden sa akin matapos ko ilagay sa chart ang tatlong junk foods na nakita ko. He put some fruit juice noong napa daan kami sa beverages, he even put yogurt yung favourite flavour ko. Napa daan naman kami sa mg biscuits, I got 4 cookies and even chocolate cupcakes. "Are you planning to buy all of the foods here?" "Minsan lang ako makapag grocery and kapag nag grocery ako lahat ng pagkain na nakikita ko binibili ko." "You can buy again next time, ubusin mo muna itong mga linagay mo sa cart. Let's go." Tinulak na niya papuntang counter ang push cart at nag bayad na siya. I let him pay this time dahil may nakita akong familiar na babae na dumaan. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita pero familiar siya sa akin. "Annia, let's go!" Nakalagay sa push cart ang mga binili ko, even the paper bags from are in the push cart. I guess uuwi na kami. Hindi ko napansin na gabi na pala. Kung hindi lang kami lumabas ay hindi ko malalaman. "Sumakay kana sa kotse, ako na maglalagay ng mga ito sa likod." Sumakay ako sa kotse habang siya naman ay inaayos ang mga binili ko sa likod. Pag kasakay naman ni Aiden ay tumunog ang phone niya. "Hello Tita.....Yes po kasama ko pa siya..... Okay Tita, I will tell Annia...... You're welcome Tita." "Is that my mom? Anong sabi niya?" "Oo, Sabi niya ay huwag muna daw tayong umuwi ng Eretria dahil gabi na." "Saan naman tayo uuwi?" "May bahay kami around this Area, I guess nandoon din ngayon sina Tita Milie." "Nasa manila din ba sina Dax??" I asked him. "You always ask about them when you are with me." "Bakit masama ba?" "Hindi naman...." "Hindi naman pala e, atsaka I'm asking lang naman e." "Tsk. Oo na nasa bahay din silang dalawa ni Clyden." "Bat parang naiinis ka?" tanong ko sa kanya "Hindi ako naiinis. Rest, gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo." Nagsimula na siyang magdrive. Hindi na ako natulog dahil wala pang ilang minuto ay bumuhos ang malakas ng ulan. Nakatingin ako sa bitana ng kotse habang pinapanood ang malakas na pag -ulan. Besides from Trees and flowers I also like watching the rainfalls. "Mabuti nalang at hindi tayo tumuloy sa Eretria, Malakas ang ulan. Magiging delikado ang pag babiyahe," sabi ko kay Aiden, pero hindi ako nakatingin sa kanya. Pag kadating namin ay namangha ako sa sa itsura ng bahay. Malaki ang bahay modern style ito. I really like the glass wall of the house. Sa Eretria kasi you will not see any modern style houses all the houses there are vintage style but they are beautiful. "Annistyn! Omg it's been a while." Salubong sa amin ni Tita Millie (Mommy ni Dax) pag pasok namin ni Aiden sa loob. "Tita Millie, I miss you po." I give her a tight hug. Hindi kasi ganoon kadalas umuwi si Tita Millie sa Eretria kasi nasa Manila ang base ng business nila. "Me too, Mabuti at dito kayo tumuloy ni Aiden. Halikayo sakto ang dating niyong dalawa mag didinner na." "Ah Tita, nasaan po si Yaya Ellie, papatulong po sana akong kuhanin yun mga pinamili namin." "Yaya Ellie, pakitulungan naman si Aiden sa pagkuha ng mga dala dala nila sa kotse." Umalis si Aiden at siya naman sunod ng katulong sa kanya. Dinala ako ni Tita Millie da dinning area at nakita ko doon ang isang katulong na nag-aayos ng lamesa. "Manang paki tawag po sina Clyden at Daxon sa taas. Annistyn, umupo kana dito." Pinaupo ako ni Tita Millie sa unang upuan sa kanan, Umupo naman siya sa kabisera ng lamesa. Habang nag-uusap kami ni Tita Millie ay umupo na din si Aiden sa upuan na nasa harapan ko. "Anniaaaaa!!!" Rinig ko namang sigaw nina Cly at Dax, hinalikan nila ang pisngi ko bago sila umupo sa tabi ni Aiden. Nakita ko naman ang pag babago ang expression ng mukha ni Aiden matapos akong halikan ng dalawa. Naiinis siya nga hindi ko ma explain. "Kasama mo bang pumunta dito si Aiden?" "Nag date ba kayo?" Namula kaagad ang pisngi ko noong narinig ko ang sinabi ni Dax. Nakita ko din sa maliit na ngiti sa labi ni Aiden pagkasabi ni Dax nun. Kung kanina ay naiinis siya sa kanyang nakikita ngayon ay parang natutuwa siya sa kanyang narinig. "Naiinip na kasi ako sa bahay, kaya yinaya ko sa siya na mamasyal. Hindi ko alam na sa Manila pala kami aabot," pag dadahilan ko, alam ko naman na hindi kapani paniwala na si Aiden mismo nag yaya sa akin. "Buti napapayag ka ni Annia? Do you like her now?" tanong ni Cly kay Aiden "I never said that I don't like her. Atsaka ako ang nag yaya talagang mamasyal sa kanya." Aiden said casually. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito and ramdam na ramdam ko din pag-init ng pisngi ko matapos sabihin ni Aiden iyon. "Oh so you like her ever since??" tanong ni Dax tsaka kumindat saakin. "Ano ba naman kayong dalawa, Tigilan niyo yang si Aiden. Kumain na tayo," pag sasaway ni Tita Millie kina Cly. Itinuloy namin ang pagkain. Hindi naging tahimik ang pagkain namin lalo na at napaka hyper ng dalawa. Nakikita ko din na tumatawa si Aiden. It feels nice to see him laugh. Parang bago ang lahat sa akin, I don't view him serious now while he's talking to his cousins. Pagkatapos kumain ay nagpunta na ako ng guess room upang makapag ligo na ako. Ipinag handa ako ni Tita Millie ng masusuot. Mabuti at mayroon silang bagong undies pati narin pantulog. Hindi ko na itinanong kung bakit mayroon silang mga ganitong bagay. I guess in case of emergency siguro, lalo na at laging may babae ang tatlo. Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang binigay saakin ni Tita Millie na isang set ng pajama. Silky yung tela niya na kulay red. I like it, but I prefer wearing chemise kapag natutulog ako. Ganoon kasi ang isinusuot ko sa amin, minsan lang ako nag susuot ng pajama. Humiga na ako sa bed, medyo nararamdaman ko na ang pagod. Kahit na natulog lang ako sa biyahe namin kanina ni Aiden ay ramdam ko padin ang pagod. Matutulog na sana akong nang biglang nag ring ang phone ko. From Aiden; Salamat at sumama ka ngayon sa akin. Don't worry I try to be like Cly and Daxon para maging close din tayo gaya ng gusto mo. Good night Annia, Sleepwell. Aiden keep his word. Dahil sa mga sumunod na araw ay nagpunta muli siya sa bahay namin. He's wearing a Stripes polo with maong shorts na bagay na bagay sakanya. Namumula ng pisngi ko pagkakita ko sa kanya sa sala. "Ano ginagawa mo dito?" "Let's hangout? May ginagawa ka ba?" tanong nito sa akin habang nakapamulsa ang kanyang kamay sa suot niyang short. "Wala naman. Wait mag papalit lang ako ng damit." Tumakbo naman ako papunta sa aking kuwarto upang mag palit ng damit. Sinuot ko ang isang Button trough floral blue maxi dress at ipinares ko ang isang flat na black sandals. Kumuha din ako ng maliit na bag para sa aking wallet at phone. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at kinagat ko nalang ng konti ang labi ko para mamula. Bumaba na ako dahil baka mag sawa si Aiden kakahintay sa akin. Habang bumababa ako ay nakatingin siya sa akin. Para naman akong hihimatayin sa mga tingin niya sa akin. Gusto niya ba akong madapa habang bumababa sa hagdanan? "You look so beautiful. Let's go?" "Huwag mo ng akong bolahin, I bet you saw girls na mas maganda pa sa akin," sabi ko sa kanya at nagsimula ng lumakad palabas ng bahay namin. Sumakay ako sa kotse niya, pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nahihiya ako pero wala akong sinabi. "Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko sakanya pagkastart niya ng kotse. "May bagong bukas na perya sa kabilang bayan, Gusto mo bang magpunta tayo dun?" tanong nito sa akin habang tinitignan ako. "Sige gusto ko din mamasyal sa isang peryahan. Masaya sigurong mamasyal doon." Mabuti na lang ang above the knee dress lang ang sinuot ko. "Okay sige. Doon na lang tayo mag punta. Gusto mo bang kumain muna?" "May makakain naman siguro doon okay na mga pagkain na nandoon." Ngumiti ako sa kanya pagkatapos ko magsalita. "I said stop smiling like that, it makes my heart flutter kapag ngumingiti ka sa akin." "What? Are you serious?" "Annia, kailan ba ako naging hindi seryoso? Stop asking questions," sabi ni Aiden sa akin at nag iwas siya ng tingin. Itinuon niya ang pansin niya sa daan. Hindi ko mapagilin mapangiti sa kanyang sinabi kanina. What kinikilig ba talaga siya? Lumipas ang kalahating minuto at huminto ang kanyang sasakyan sa peryahan. Madilim na kaya ang mga ilaw na nang gagaling sa peryahan ang nag bibigay liwanag sa lugar na ito. Napangiti ako dahil isa ito sa mga pangarap kong mapuntahan pero di ako pinapatagan ni Mommy. "Tara na Aiden, bumababa na tayo. Excited na akong sumakay sa nga rides." "Sandali lang aayusin ko lang ang pagkakapark natin. Para hinidi tayo mahirapan mamaya." Hindi ako mapakali ang aking inuupuan, gustong gusto ko nang pumasok. Kaya noong pagbuksan na ako ng pintuan ni Aiden ay tumakbo ako papasok. Hinahabol naman ako Aiden habang tinatawag niya ang pangalan ko. Humarap ako sa kanya habang nakangiti habang tinatawag ko din siya. "Aiden, bilisan mo!" "Sandali, bakit kaba kasi tumatakbo? Hindi naman aalis ang peryahan." "Excited lang ako. Halikana!" Pagpasok namin ay nakita ko na ang dami palang tao sa loob, pero hindi naman masikip. Hinawakan ni Aiden ang kamay ko pagkapasok namin, napatingin ako sa kanya. "Baka mawala ka, madaming tao kaya huwag kang hihiwalay." "Okaaaay, tara dun tayo." Hinila ko siya papunta sa may shooting range. Alam kong hindi ako magaling maglaro ng mga ganito pero susubukan ko padin. "Let's get that cute flower stuff toy." "Okay, I will get everything you want," sabi ni Aiden. Ano ba bakit ganyan ang mga sinasabi mo? Gusto mo ba ako mabaliw? Jusko. Dahil na rin sa pagiging walang alam ko sa laro ay chini-cheer ko nalang si Aiden sa pag tira niya sa mga balloons. At pagkatapos ng ilang subok ay nakuha na niya ang prize omg. Dumami din ang nakapalibot sa amin dahil narin sa agaw pansin ang ginawa ni Aiden kanina. Pero kahit na madaming tao ang naaktingin sa amin ay hindi ko napigilan na yakapin siya noong iniabot niya sa akin ang stuff toy na gusto ko. "Sabi ko na sayo girlfriend niya yung kasama niya e." "Sayang ang gwapo niya pa naman may girlfriend na pala siya." "Ang sweet naman, nasaan na ba yung tukmol kong boyfriend." "Hindi ba si Aiden yun? I thought si Trinity ang girlfriend niya?" Naririnig ko ang sinasabi ng mga tao na nakatingin sa amin pero hindi ko pinansin ang mga ito. Hindi naman nakagalaw sa kinatatayuan niya si Aiden kahit na humiwalay na ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya na kahit na hindi siya kasing puti ko, kita ko padin ito. ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD