Pag dating ko sa bahay ay hindi ko na naabutan si Nanay. Ang tanging naabutan ko lang sa bahay ay si Matteo at Ian na naglalaro. Mabilis kong pinahid ang luhang gustong bumagsak mula sa mata ko. Mabilis akong lumapit kay Matteo at kinuha sa kanya si Ian. "Umalis na si Nanay mukhang mahalaga ang pupuntahan pero hindi agad siya pumayag na umalis dahil ayaw niya sa aking iwan si Ian sa akin kaya pinilit ko siya na iwan sa akin si Ian." Pagpapaliwanag nito. Tumango nalang ako sa kanya habang nakatingin kay Ian na Inosenteng nakatingin sa akin. Nung tumawa naman ito ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Si Matteo ay mukhang natigilan sa pag-iyak ko. Niyakap ko nalang ang anak ko at naramdaman ko naman na Inaalo ako ni Matteo. "Akin na muna si Ian, ikukuha kita ng maiinom." Hina

