bc

Mr. Billionaire's Way

book_age18+
524
FOLLOW
4.3K
READ
sex
manipulative
powerful
drama
sweet
bxg
cheating
lies
school
like
intro-logo
Blurb

Miguel Lucius Parellman is the heir of the parellmans. Son of the owner of the largest construction company in the Philippines, he already has everything, friends, fame, money, and women. But even with him that everything he feels is still lacking.

With the number of women who tried to reconcile with him, he didn't like them because maybe there was a woman who got his interest. But the woman who got her Interest is already interested in another man...

But because he grew up getting what he wanted, he made a way for the two to break up and he called it Billionaire's Way

chap-preview
Free preview
Prologue
"Limang turon po." Napatingin naman ako sa batang bumili sa amin. Tumayo naman ako para pag bilhan siya dahil abala si Nanay sa pagpiprito ng maruya. Naglagay na ako ng limang turon sa supot at sakto ay ubos na iyon. Magsasara na kami pag nakuha na ni Mateo ang order niyang maruya. Iniligpit ko naman ang mga ginamit namin para mahugasan na. "Magandang Hapon po, may turon pa po ba?" mabilis ko namang tiningnan yung mama ng bibili. Siya yung mayaman anak ng mag-asawa ng matapobre. Hindi ko siya pinansin. Nagpa-tuloy lang ako sa paghuhugas ng mga gamit dito sa tindahan namin. "Ay, ubos na." sagot naman sa kanya ni Nanay. Katatapos lang nitong magprito ng maruya at iniaalis na nito sa mainit na kawali." Dapat ay inagahan mo para nakaabot ka pa." "Kahit yan nalang po." itinuro naman nito ang bagong lutong maruya. "Order yan ng mga nurse sa loob." sagot ni Nanay sa kanya. Sakto namang dumating na si Mateo. " eto na pala yung nag-order." ibinalot naman ni Nanay sa dahon ng saging yung maruya. "Ciara, sa sabado tayo mamimili ng mga gamit mo diba?" tanong ni Mateo. Nakangiti naman akong lumingon sa kanya. Crush ko talaga nung nasa college pa lang siya pero nung naging nurse na siya parang mahal ko na. "Oo." mabilis kong sagot sa kanya. Matanda siya sa akin ng ilang taon pero wala naman akong pake doon. "Date natin yun ha." nagbibirong sabi ko. "Itong bata na ito talaga." Si Nanay. "Haha, sige payag." sagot ni Mateo at kinuha niya yung order niyang mga maruya. Nakatingin ako sa kanya habang patawid siya sa kalsada. Para naman akong baliw na Nakangiti habang pinapanuod siya. "Gusto mo ba ng maruya? May konting tira pa dyan kahit wag mo ng bayaran." Napatingin naman ako doon sa lalaking anak ng mga matapobre. Nakasimangot naman ito habang nakatingin sa akin kaya inirapan ko siya. Dahil nga maliit lang ang tindahan namin at walang mga upuan sa labas ay pinapasok niya ito sa loob ng tindahan namin. Naupo siya sa upuan ni Tatay at tumingin tingin sa loob ng tindahan namin. Nagpa tuloy lang ako sa paghuhugas. Pagkatapos ko naman ay itinabi ko na yung mga gamit. "Matteo!" sigaw ko ng nakita ko si Matteo na tumatakbo pabalik sa Ospital may hawal itong isang malaking Royal." Pakabusog kayo!" kumaway lang ito sa akin. Napatingin naman ako sa lalaking nakatingin sa akin kaya na paayos ako ng tayo ko. Naka taas ang isang kilay nito sa akin. Mabuti nalang ay tapos na ang niluluto ni Nanay. "Itong tubig nalang ang inumin mo, ubos na ang palamig na itinitinda namin." Si Nanay at binigay niya yung lalaki ng tinidor at isang basong tubig. Parang gusto kong magsalita ng 'Dagdag hugasan na naman' pero baka kurutin lang ako ni Nanay sa singit. "Kamusta na nga pala yung Lolo mo?" "Hindi pa po stable ang lagay ni Lolo, kaya matatagalan pa ang stay nila dito sa Hospital." "Diba mga magulang ng kaibigan mo ang may ari ng Ospital na ito?" Itinuro pa nito ang Ospital ang tapat ng Hospital. "Oho, Mga magulang ni Luis." sagot nito. Napatingin naman ako sa plato niyang may dalawa pang maruya. "Hindi pa ba tayo uuwi, Nay?" tanong ko. Magdidilim na hindi pa kami nakakuwi. "Oo nga pala." Mukhang may naalala naman itong dapat gawin sa bahay. " Maiwan ko na muna kayong dalawa." Nanlaki naman ang mata ko sa gulat sa sinabi ni Nanay magrereklamo sana ako kaso ay nagmamadali na ito sa pagkuha ng mga gamit niyang iuuwi. "Ayusin mo ang pag hugas ha, mauna na ako." paalam nito sa lalaki na mabagal na kumakain. Pinagekis ko naman ang kamay ko sa dibdib ko at isinandal ng likod ko sa maliit na lababo. Kilala ko naman siya dahil sa kanila nagtatrabaho si Tatay sa Construction nila. Siya si Miguel Lucius Parellman. Nakatingin siya sa akin habang mabagal na kumakain. Pangiti-ngiti pa ito habang ngumunguya. "Hindi ka pa ba matatapos?" Inip na tanong ko sa kanya." Ilan ba ang na gawa ni Nanay na maruya para sayo?" tanong ko para masingil ko siya. "Apat, hugasan mo na yang mga yan. Ako na ang bahala sa mga pinagkainan ko." utos niya sa akin. "Bente pesos yang lahat na yan." sagot ko sa kanya at kinuha ko na yung mga dapat kong hugasan. "Pero sabi ng nanay mo libre na ito." Aangal na sana ako sa kanya pero nagsalita ay nagsalita ulit ito."nevermind, magbabayad ako." Nakangisi naman akong humarap sa kanya. Inilabas naman niya yung pitaka niya at humugot doon ng isang libo. "Wala ka bang barya dyan?" tanong ko at pasimple ko pang tiningnan yung loob ng wallet niya. "Keep the change." sagot niya at tumusok ng isang gasping sabay subo. "Hindi, akin na yan magpapabarya ako." nagpunas naman ako ng kamay ko at hinugot ko yung isang libo sa kamay niya." Hintayin mo ako dito at ibabalik ko sayo yung sukli mo." tumango naman ito. Umalis naman ako sa tindahan namin para magpapalit sa botika na nasa gilid ng Hospital. Wala silang barya sinubukan ko pa sa mga katabing tindahan pag wala naman silang barya ay sarado na. Nakalayo na ako kaya matatagalan pa ako sa pag lalakad pabalik sa tindahan. Dahil wala na akong makitang bukas na tindahan o kaya naman ay may barya ay bumalik na ako sa tindahan namin. Pagbalik ko doon ay wala na si Miguel at hugas na din ang mga dapat kong mga hugasan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook