Maaga akong gumising para magbalat ng saging na gagawing maruya at turon. Pero ngayong araw ay magdadagdag kami ng banana cue para hindi naman puro maruya at turon ang kakainin ng mga customer namin.
Umaga ay magtinda kami doon at sa tanghali naman ay magsasara kami pero nandoon parin kami sa tindahan dahil naglagay naman doon si Tatay ng mahihigaan namin sa tanghali. Sa hapon ay magbubukas ulit kami.
Sa umaga ay si Nanay lang ang magbabantay doon at ako naman ay maglilinis ng bahay namin at maglalaba na din ng mga damit namin. Si Tatay ay minsan lang ang uwi noon tuwing malaki ang project na kinuha ng boss nila ay halos sa isang buwan ay isang beses lang siyang umuwi dito sa amin.
Akala ko nga ay hindi na makakabalik si Tatay sa trabaho dahil sa aksidenteng nangyare sa kanya. Na hit-in-run si Tatay sa malapit na ginawa nila sa building at ang gumawa nun sa kanya ay hindi nahuli dahil nakatakas ito at walang mga cctv sa paligid.
Wala kaming pera nung mga panahong iyon at humingi kami ng tulong sa boss ni Tatay pero hindi din kami binigyan ng tulong dahil hindi naman daw nila kasalanan yun. Kasama ako ni Nanay ng nakiusap si Nanay sa mga Parellman pero hindi man lang nila kami binigyan ng kahit ano.
Kaya tumigil ako sa pag-aaral para magbantay kay Tatay sa Ospital habang si Nanay ay palibot na ng kakautang sa mga kapit-bahay namin. Hindi pa agad nakalakad si Tatay kaya hindi agad ako naka-balik sa pag-aaral.
Pero ngayon ay unti-unti na naming na babayaran ang mga utang namin kaya babalik na ako sa pag-aaral kaya matutupad na ang plano namin ni Matteo na pagkatapos akong mag-aral ay magsasama na kaming dalawa. Dapat ay matagal na kaming nagsasama ngayon pero dahil nga sa aksidente nauna siyang maka-graduate kaya ngayon ay hinihintay nalang niya ako bago kami magsama.
Buhat buhat ko ang basket na punong-puno ng mga saging at si Nanay naman ay dala ang maliit na planga ng may lamang binalatang saging. Kumuha si Nanay ng tricycle nauna naman akong pumasok sa loob ng tricycle at sumunod siya sa akin. Hinawakan ko pa ang bulsa ko dahil doon nakalagay ang isang libo ng bayad ni Miguel.
Pagdating namin sa tindahan sa tapat ng Hospital ay mabilis kong binuksan ang tindahan at si nanay naman ay inaayos ang pangmaruya. Pagkabukas ko ng tindahan ay tumulong agad ako kay Nanay sa pagbabalot ng pang turon.
Patingin-tingin pa ako sa harapan ng hospital at nagbaba kasakaling makita si Miguel para maibalik sa kanya yung bayad niya na hindi na hahalata ni Nanay. Siguradong kukurutin ako nito pag nalaman niyang siningil ko si Miguel. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya galit kay Miguel e kamag-anak naman niya yung mga matatapobreng Parellman.
"Walang duty ngayon si Matteo." saad ni Nanay napansin niya ata ang pasulyap sulyap ko sa tapat ng hospital. Alam ko naman kami bukas pa iyon ng umaga. Nagluluto na ito ng maruya ngayon kaya binilisan ko na ang pagbabalot turon.
Pagkatapos kong magbalot ng turon ay nagpaalam na akong uuwi muna ako para makapaglinis na sa bahay at lalabhan ko na din yung mga nakababad naming mga damit kagabi.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Austin at Jane na naglalaro ng luto-luto sa harapan ng bahay namin. May mga dahol silang ginugupit at latang may lamang buhangin.
"Linisan niyo yang tapat namin pagkatapos ninyong maglaro, noong isang araw ay hindi niyo nilinisan." sinamaan ko pa tingin itong dalawang bata pero tinawanan lang ako.
"Hindi namin nilinisan kasi pinagalitan ako ni Mama at ang ate naman ni Jane ay sinama siya sa tarbaho ." natawa naman ako sa pagkakabigakas ni Austin ng trabaho.
"Oo, maganda yung pinuntahan namin ni ate, mataas yung bahay tapos madaming pinto." parang matandang saad namin ni Jane na parang kaedad niya lang ako.
"Basta ayusin niyo yan, maglilinis din ako dito sa bahay namin." tumango naman silang dalawa.
Dito sila sa tapat ng bahay namin naglalaro dahil dito ay madalas kaming wala at hindi namin sila pinapaalis hindi katulad ng mga ba naming kapit-bahay na halos itaboy sila.
Nagwalis ako sa buong bahay namin pati na din ang kisame namin ay winalisan ko para maalis ang agiw. Pagkatapos kong magalis ay inayos ko naman ang mga damit ko na hindi nakaayos. Nagpahinga lang ako ng konti at nagsimula na akong maglaba.
Pagkatapos ko sa mga gawain ko ay bumalik na ako sa tindahan namin para doon mananghalian. Bibili kami sa carinderya na malapit sa hospital. Pagdating ko sa tindahan namin ay nanlaki ang mata ko dahil nandoon si Miguel na ngayon ay kausap ni Nanay.
Mabilis ko namang kinuha yung isang libo sa bulsa ko at naglakad papunta sa kanya. Paglapit ko sa kanya ay basta ko nalang ipinasok ang kamay ko sa bulsa niya. Nagkatalon pa ito sa gulat kaya napatingin sa amin si Nanay. Pagkabitaw ko naman nung pera sa bulsa niya ay inilabas ko din ang kamay ko doon.
"Ano yun?" takang tanong ni Nanay.
"May mga apanas sa pwesto niya, alis ka dyan lalagyan ko yan ng mainit na tubig." sabi ko. Mabilis naman akong pumasok sa tindahan.
"Ganun ba, dito ka sa loob ng tindahan namin Dahil magsasara na din kami." sabi ni Nanay kay Miguel na gulat na gulat parin. "Maiwan ko na muna kayong dalawa dito. Bibili lang ako ng pagkain namin." tumango naman ako kay Nanay.
"Bakit mo ginawa yun?" mahina ng sigaw ni sa akin. Medyo malayo na si Nanay kaya hindi na niya kami maririnig. "Paano kung may nahawakan ko doon!"
"Wala naman akong nahawakan! Inilagay ko lang doon yung pera mo." medyo inis na saad ko.
"Paano kung butas ang bulsa ko at umabot yung kamay mo sa ano ko!" namumula na siya ngayon.
"Wala namang butas yang bulsa mo kaya manahimik kana dyan!"
Padabog naman itong umalis na tindahan namin. Hinayaan ko nalang siya wala naman siyang maiitulong sa amin. Akala naman niya gusto kong nandito siya.