Chapter 2

2028 Words
Nakaharap ako sa parador namin na may nakalagay na salamin habang tinitignan ang suot ko. Nakafitted denim jeans ako at simpleng off-shoulder na. Naglagay din ako ng konting liptint sa labi at pisngi. Nakalugay ang buhok na hanggang sa dibdib ko at iniisip ko pa kung ipit ko kasi mamaya sa jeep ay baka tumama iyon sa mukha ng katabi ko. Mamaya ko nalang ipit ang buhok ko pag nasa jeep na kami Nakarinig naman ako ng katok kaya mabilis kong kinuha ang shoulder bag ko at sisinabit ko ito sa balikat ko. Tumingin pa ulit ako sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakangiting Matteo agad ang bumungad sa akin kaya napangiti ako. "Tara?" tanong nito at tiningnan ko ang suot niya. Nakapantalon siya at t-shirt na color light blue at sneakers. "Tara." Paglabas namin ay nakita ko agad si Austin at Jane na naglalaro sa harap ng bahay namin. May mga dahon na naman silang ginugupit-gupit. Nakatingin naman sa amin yung mga kapit-bahay naming mga nagbubulungan. Hindi nalang namin sila Pinansin ni Matteo dahil sanay naman na kami. Sumakay kami ni Matteo hanggang sa Mall para manuod ng cine. Mamaya pa kami mamimili ng mga gamit ko sa labas ng mall dahil mas mura doon kesa sa National bookstore. "Pagkatapos nating manuod, kain na tayo." sabi ko sa kanya pagkalapit niya sa akin. May dala siyang malaking pop-corn at dalawang bottled water. "Oo, tapos mamimili na tayo?" tanong nito at sumubo ng pop-corn. "Oo, sa labas na tayo ng mall mamili." tumango naman siya sa akin. Pumasok na kami sa loob ng cinehan at lumingon pa ako sa likod namin. Pakiramdam ko kasi may nakasunod sa amin ni Matteo. Wala naman siguro. Magkatabi kaming dalawa sa loob at nasa gitna namin ang malaking pop-corn. Pinagkiskis ko naman ang palad ko dahil nilalamig na agad ako. Lamigin ako, nakalimutan ko lang na magdala ng jacket puro kasi ako tingin sa salamin. Napalingon naman sa akin si Matteo na busy sa pa nunuod. "Lapit ka sa akin." mahina ng bulong niya. Kaya tumagilid naman ako para medyo lumapit ako sa kanya. Naramdaman ko naman ang Braso niya sa balikat ko. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. Nakangisi siya ngayon. Nabawasan naman ang lamig na nararamdaman ko kaya mas isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang kamay niya na hinihimas ang balikat ko. Naka-ekis ang kamay ko sa dibdib ko kaya hindi ko siya mahawakan pabalik. Na kunteto naman ako sa pwesto ko kaya na enjoy ko ang pa nunuod ko lalo na ng sumandal din siya sa ulo ko. Pagkatapos naming manuod ng cine ay nakaramdama na kami ng gutom kaya pumunta na kami sa fastfood para makakain na. Pagpasok namin sa kilala ng fastfood ay punong puno ito. "Hanap kana ng table para sa atin, ako na ang oorder." tumango naman ako kay Matteo at naghanap na ng table para sa amin dalawa. Yung iba ay halos magsisimula pa lang na kumain kaya nahirapan ako sa paghahanap ng table. Lumapit naman ako sa table ng nung mag-asawa ng mukhang malapit ng matapos. Nakatayo lang ako sa gilid nila at tumingin tingin sa paligid. Dahil nga glasswall ang gamit dito ay kitang kita ko yung mga taong naglalakad sa labas nitong kainan. Nakita ko si Miguel. Nakita ko si Miguel na tinutulak nung dalawang lalaking kasama nito. Tiningnan ko naman ulit ang dalawang mag-asawa ng mukhang papaalis na. Ngumiti naman ako sa kanila ng napatingin sila sa akin. Ngumiti din sila sa akin at lumapit naman ang crew para kunin ang pinagkanan nung mag-asawa. Mabilis naman akong umupo sa table na iniwan ng mag-asawa. Mukhang matatagalan pa si Matteo. Ibinalik ko naman ang tingin ko kung saan ko nakita si Miguel at dalawang kasama nito. Wala na sila doon kaya tiningnan ko nalang ulit si Matteo na papalapit na sa akin. Tinulungan ko naman siyang ilalagay ang mga pagkain namin sa table. Naupo naman kaming dalawa at nagsimula ng Kumain. Patingin tingin pa siya sa akin habang kumakain kami. Mukhang may gusto siyang sabihin. Pagkatapos naming kumain ay ganun parin siya. Tingin parin siya ng tingin sa akin kaya nagsalita na ako. "May gusto ka bang sabihin? Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa akin." sabi ko at napaubo naman siya. "Naisip ko lang, papasok na kana." inalis naman nito ang tingin sa akin at tumingin sa lamesa. " tapos syempre marami kang taong makakasalamuha... tapos syempre wala kang boyfriend." tumikhim siya at tumingin muli sa akin. " Pwede bang mangligaw?" tanong nito na nagpatawa sa akin. "Sorry, hindi kita tinatawanan dahil gusto mong mangligaw ha." pagpapaliwanag ko. "Pero diba nakapag-usap na tayo na magsasama na tayo pagkatapos ng pag-aaral natin? Nauna ka lang maka graduate dahil tumigil ako... Nakalimutan mo na ba yun?" medyo nakaramdam ako ng kaba. "Hinding hindi ko iyon makakalimutan, Ciara." tumawa siya at muling nagsalita. "Pero kasi gusto kong may iba pa akong pinanghahawakan. Gusto kong maging girlfriend kita. Gustong maexperience nating dalawa yung date, magkaholding hands at kung ano pang pwedeng gawin ng magkarelasyon. At Gusto ko ding ligawan ka" papaliwanag niya. "Pwedeng pwede kang mangligaw sa akin Matteo. Kahit hindi kana nga mangligaw, gusto mo tayo na agad." tumawa ako at umiling siya sa akin. "Mangliligaw ako, Ciara." Pagkatapos naming kumain ni Matteo ay nagtingin tingin kami sa mga store nitong mall. Magkahawak ang kamay namin habang nagtitingin kami ng damit para sa kanya. Gusto pa nga niya akong bilhan ng damit pero hindi ako pumayag dahil nakabili naman na ako. "Bagay ba sa akin ito?" tanong nito pagkalabas sa fitting room. "Bagay sayo, pero mas bagay yung mas unang sinukat mo." sabi ko sa kanya. Bagay sa kanya yung mga fitted na damit dahil kitang kita mo ang hubog ng katawan niya. "Medyo masikip yun sa akin." pumasok ulit siya sa fitting room at siguro ay magsusulat na naman nung mga damit na pinapasukat ko sa kanya."Itong tatlo nalang ang kukunin ko." lumabas siya sa ftting room habang dala dala yung mga damit na pinili ko para sa kanya. "Ikaw ba? Ayaw mo ng bagong damit?" tanong nito ulit sa akin. "Hindi na, nakabili na ako nitong nakaraan ng mga bagong damit." sagot ko sa kanya. Nakasunod naman ako sa kanya hanggang sa counter. "Doon muna ako." turo ko sa maliit na stall na nagtitinda ng candy na di-kilo. Tumango siya sa akin kaya pumunta na ako doon. Paglapit ko doon ay tumingin sa agad yung nagtitinda pero hindi ko sila pinansin dahil abala ko sa pagtitingin ng mga tnda nalang candy. Napalingon naman ako mag-amang mukhang bibili ng candy. May hawak na thong yung daddy nitong bata at yung bata naman ay may hawak-hawak na plastik. Nilingon pa ako nitong tatay at ngumiti kaya nginitan ko din ito. "Keane, This is enough." sabi pa nito sa anak niya at ibibigay nito ang plastik sa nagtitinda. "Ciara." tawag sa akin ni Matteo pagalabas nito ng store. Naglakad naman ako papalapit sa kanya. "May gusto ko bang bilhin doon?" tanong nito at tinuro pa ang stall. "Wala, tiningnan ko lang." sagot ko sa kanya. "Bili na tayo ng mga gamit mo." tumango naman ako sa kanya. In ilipat naman niya ang mga pinamili niya sa kabilang kamay niya para mahawakan niya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya. Nagpapatay malisya na parang wala siyang alam sa ginawa ng kamay niya. Hinayaan ko nalang yung kamay niya para hindi naman kami naghhoholding hands nung college pa kami. Pagkatapos naming mamil ng mga kailangan ko sa school ay pumunta muna kami sa malapit na Park dito sa mall at tumambay muna kami doon habang kumakain siomai. Tahimik lang siya sa tabi ko habang kumakain at ako naman ay patingin-tingin sa labi niya. "Gusto mo pa?" tanong nito sa akin. "Kanina pa kasi tingin ng tingin sa kinakain ko." napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at ngumiti. Kung alam mo lang ang tinitignan ko! "Ayaw ko na, busog na ako." tumango naman siya at ako naman ay tumayo para itapon ang lagayan ng siomai at palamig. Bumalik naman ako sa tabi niya at pinanuod siyang kumain ng siomai niya. "Halatang in love na in love ka sa akin." Pansin niya. Pansin ko din masyado akong nagpapahalata sa kanya. Tumawa naman siya nang umiiwas ako ng tingin sa kanya. "Tapos na ako, uwi na tayo." "Nalala mo pa ba si Berto at Julina?" tanong niya sa akin.Papasok na kami ngayon sa lugar namin. "Oo, kaklase natin sila nung highschool diba? Tapos taga dito din sila pero nasa dulo sila." tumango naman siya. Eto kasing lugar namin ay sobrang haba pero at dikit-dikit ang mga bahay kaya delikado at halos isang dipa lang ang layo nito sa katapat na bahay. "Nagsasama na din yung dalawang, hindi sila nakapag tapos pero nagtatrabaho sila sa factory." "Akala ko nga si Berto at Aileen, pero nangibang bansa si Aileen." Tumigil kami sa pag-uusap dahil makakasalubong namin si Berto at Julina.Kinamusta kami nito saglit at umalis na din. Pagdating namin sa bahay ay tahimik na nakasunod lang sa akin si Matteo. "Ginabi na kayo." pansin sa amin ni Nanay. Nagmano naman kami ni Matteo kay Nanay at tatay. "Magandang gabi po." bati ni Matteo kay Tatay na pinapanuod si Nanay na nagtatahi. "Kumain na ba kayo?" tanong ni tatay sa amin. "Busog pa po ako, ikaw Ciara?" tanong nito sa akin. "Busog pa din ako, Tay." sagot ko. "Kamusta naman kayong dalawa? Abay, Matteo pag tapusin mo muna itong anak ko bago niyo ako bigyan ng apo." tumawa naman si Tatay. Botong boto din kasi si Tatay kay Matteo dahil tumutulong ito lagi sa amin at lalo na nung may malaking sugat sa paa si Tatay siya ang nag papalit ng bandage nito. "Syempre naman po, wala pa po yan sa isip namin ni Ciara." sumabay naman sa tawa si Matteo. "Abay, mabuti at para sa inyo din naman yang dalawa pag nakapagtapos yang anak ko at para sa magiging anak niyo. Gusto ko ng limang apo." "Kahit anim pa po, basta kaya naming dalawa ni Ciara." "Syempre ay tutulong din kami sa pag-aalaga." pagpri-prisintar naman ni Nanay. "Saan niyo ba balak magpatayo ng bahay? Dito lang din ba? Kung ganun ay gawan niyo nalang ito ng isa pangpalapag para sa inyo." pag-plano ni Tatay. "Balak ko pong bilhin yung loteng pinagtatayuan ng tindahan niyo nakausap ko na po yung may-ari nun. Wala naman daw po silang plano doon sa lupang iyon." Tumango tango naman si Tatay sa mga sinasabi ni Matteo kahit ako ay napapatango din sa mga plano niya. At iniisip ko pa lang na matutupad na yung mga plano namin ay parang gusto ko na agad siyang bigyan ng anak. Napatawa naman ako sa inisip ko. "Tapos gagawin pong karinderya yung tindahan niyo at para din may mga tatambayan na din yung mga bibili ng mga meryenda niyo, Nay." "Abay, gusto ko yan." sang-ayon naman si Nanay. "Syempre, Nay. Ikaw ang magluluto napakasarap ninyong magluto kaya dapat matikman nilang lahat ang luto niyo." paguuto pa ni Matteo kay Nanay kaya naman si Nanay ay tuwang tuwa kay Matteo. "Planadong plado mo ng lahat ha." sabi ko sa kanya. "Oo, haha excited na kasi akong masyado. Pero wag kang mapressure may dalawang taon ka pa, mag focus kana muna sa pag-aaral mo." tumango naman ako sa kanya. Inihatid ko siya hanggang sa labas nh bahay namin, sinilip ko ang mga pinto at bintana ng kapitbahay namin. Nakasaradoa naman at ang iba naman ay mga nakapatay na ang ilaw. "May bubulong ako sayo." mahinang sabi ko sa kanya. Yumuko naman siya kahit nagtataka. Inosente ko naman siyang tiningnan bago ako tumingkayad para mahalikan ko siya. Tatagalan ko pa sana ang halik sa kanya pero Nakarinig ako ng paghagikhik kaya naman mabilis akong pumasok sa bahay namin at isinarado ang pinto ng bahay namin. "Ciara!" tawag niya sa akin at halata sa boses niyang natatawa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD