"Bakit nandito ka pa?" tanong ni Nanay nang makita ako. Ipinakita ko naman sa kanya yung mga bitbit kong mga saging na nakalimutan niyang dalhin. "Bakit ikaw pa ang nadala niyang dito, baka mansta yang damit mo." pasesermon nito sa akin.
"Sabi ni tatay dalhin ko daw dito." sagot ko sa kanya at kumuha ng isang banana cue. Yes, may banana cue na kaming tinda. Halos mabilaukan naman ako ng nakita ko ang lalaking nakaupo sa loob ng tindahan namin. Marahan naman itong tumawa dahil sa sitwasyon ko. Iniluwa ko naman yung saging sa bibig ko at inirapan si Miguel.
"Nandito pala ulit si Miguel, baka maging magkaklase kayo ng pinsan nito." sabi ni Nanay sa akin. Tumango nalang ako kasi wala naman akong pake.
"Mauna na ako, Nay." paalam ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng tubig.
Sumakay naman ako ng jeep hanggang sa school at dahil unang araw ng klase na ngangalat ang mga estudyante dito. Nakaramdaman ako ng
Kaba dahil wala si Matteo. Dati kasi tuwing unang pasukan ay lagi kang sabay na pumapasok.
Pumunta ako sa building kung saan naroon ang block namin. Pagpasok ko doon ay abala sila sa paguusap. Mukhang magkakakilala na sila. Napansin ko naman yung babaeng malakas ang boses na abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya ay nasa akin ang tingin.
Tumango ako sa kanya at umiiwas ng tingin sa kaya. Pumili naman ako ng bakanteng upuan na walang bag na nakalagay. Napatingin naman ako sa mga bagong pasok na nagtatawanan na parang walang ibang tao.
Tahimik lang akong pero kinakausap ko naman yung ibang nagaapproach sa akin. Katulad nalang nitong kaninang babaeng nakikipag-usap sa mga kaibigan pero nasa akin ang tingin.
"Christina!" malakas ang boses nito at inlahad ang kamay sa harap ko. Marahan ko naman iyong tinggap.
"Ciara." sagot ko.
"Gusto mo sa amin Sumama mamaya? Tatambay tayo kasama yung sila." itinuro pa nito yung mga kaibigan niya na ngumiti sa akin kaya pilit akong ngumiti sa kanila.
"Ah, hindi. May lakad ako." sagot ko. May lakad naman talaga ako, susunduin ako ni Matteo dito at kakain kami tapos pupunta kami sa tindahan ni Nanay at papasok na siya sa trabaho niya.
"AY, sayang naman. Pero sa susunod game ka naman diba?" umaasang tanong niya.
"Susubukan ko." tumango naman siya at bumalik sa mga kaibigan niya.
Natapos ang araw ko sa pakikipag-usap sa mga ibang klase at mga teacher ko. Inayos ko yung mga gamit ko at lumabas na. Napansin ko naman na halos kasabay ko lang din sila Christina.
"Ciara!" tawag sa akin ni Matteo. Tumayo ito sa bench na kinauupuan nito at sinalubong ako.
"Kanina ka pa dito?" tanong ko sa kanya pagkalapit niya.
"Boyfriend mo?" tanong ni Christina.
"Mangliligaw." sagot ni Matteo at hinawakan ang kamay ko.
"Ah, Sana sagutin ka! Mauna na kami, sa susunod ba pwede naming isama si Ciara chillnuman?" tanong nito kay Matteo at natawa naman si Matteo dahil wala naman akong hilig sa ganoon at hindi ako sanay na mainom ng alak.
"Syempre pwedeng pwede. Pero na kay Ciara parin ang desisyon nun." sagot ni Matteo.
"Ah, okay. Sa susunod sama ka sa amin ha." pinisil pa nito ang kamay ko kaya tumango ako sa kanya."Mauna na kami." tumango naman sa kanila si Matteo.
"Tara na?" aya sa akin ni Matteo at hinawakan ang kamay ko. Tumango ako sa kanya at pumunta naman kami sa may gilid ng school kung nasaan ang Street food.
"Anong gusto mo? Pizza roll or fries?" tanong ni Matteo sa akin nakaturo sa Pizza roll at Fries.
"Pizza roll nalang." sagot ko sa kanya at kinuha kay Kuya yung palamig na binibili ko. "Salamat po." sabi ko sa magtitinda.
Paglapit ko sa kanya ay kinuha naman niya sa akin yung isang palamig sa akin. Inabot naman niya sa amin yung dalawang pizza rool at naupo kami sa gilid ng tindahan.
"Kamusta naman ang unang araw?"
"Ayos lang, kinabahan pa ako nung pagpasok ko sa Gate. Hindi ako sanay na hindi ka kasi sa pagpasok."
"Hahah, pansin ko may mga kaibigan kana. Dapat madami kang kaibigan para maenjoy mo ang college life mo."
"Naga-adjust pa lang ako pero makikipagaibigan din ako. Ako ang pinakamatanda sa kanila."
"Talaga? Hindi halata haha."
"Sira, ako talaga haha baka sa susunod mag-ate na sila sa akin."
"Depende naman syao kung papatawag kang ate."
Nagibit lang ako ng balikat at tinapos ang pagkakain ko. Pagkatapos naming kumakain ay sumakay na kami ng jeep papunta sa hospital.
"Nay." tawag ko kay Nanay na mukhang nagluluto parin. "Bakit nagluluto ka parin?" tanong ko sa kanya at pumasok sa loob ng tindahan.
"Nay, Ciara. Pasok na po ako." pagpapaalam ni Matteo.
"Ingat ka." sabi ni Nanay. Pinanuod ko namang pumasok ng Ospital si Matteo at kasabay naman noon ang Paglabas ni Miguel sa loob ng hospital."Binili kasi ni Miguel itong mga hindi pa naluluto para sa Lolo at Lola niya, dadalhan din nito yung pinsan niya."
"Tapos na po ba?" tanong ni Miguel kay Nanay.
"Meron ng tapos pero yung iba hindi pa." hinayaan ko naman silang dalawang magusap at ako naman ay inabala ang sarili sa pagaayos ng mga gamit na huhugasan ko."Ciara, nakilala mo ba ang pinsan nitong Si Miguel?" tanong ni Nanay sa akin.
"Hindi ko lang alam, ano bang pangalan?" tanong ko.
"Christina."
"Ah, Oo." sagot ko. Pinsan niya pala yun.Napatingin naman kami kay Nanay ng tumunog ang depindot nitong cellphone.
"Tumatawag na ang tatay mo, ikaw muna dito, Ciara." pinalitan ko naman siya doon sa pwesto niya at ako na ang nag luto. "Hello... Uuwi na din ako... Sige, Iwan ko nalang dito si Ciara." napalingon naman ako dahil binangit ni Nanay ang pangalan ko. Pinatay ni Nanay ang tawag at lumapit sa akin. " Mauna na ako, Ciara. Nandoon ang kukuha nung mga basahang inorder sa akin. Ayusin mo ang pagsara dito ha. " tumango naman ako kay Nanay.
"Ingat, Nay." sabi ko at napatingin naman ako kay Miguel na nakatingin sa akin. "Ano?" tanong ko sa kanya.
"Nagugutom na ako." tanging sagot niya.
"Ano naman?" nagtatakang tanong ko at iniahon ang lutong maruya. Nagsalang naman ako ng panibago.
"Kakainin ko na yung iba." pumasok naman siya sa tindahan. Hinayaan ko nalang siya dahil parang alam na alam naman niya yung mga ginagawa niya. Kumuha siya ng tinidor at tumusok ng isang maruya.
Inabala ko naman ang sarili ko sa pagluluto at siya naman ay kumakain. Iilan nalang ang lulutuin ko kaya mabilis na din ako. Magsasara na muna ako bago ako maghugas ng plato para deretso alis nalang ako. Pagkatapos kong magluto ay binalot ko yung mga niluto ko.
"Bayad na ba ito?" tanong ko sa kanya pagkalapag ko nung plastik sa harapan niya.
"Oo." sagot niya at sumubo ulit ng siya ng maruya. Hindi ko na ulit siya kinausap. Lumabas nalang ako ng tindahan para magsara. Narinig ko pa siyang nagsasalita pero hindi ko siya naiintindihan kaya hinayaan ko nalang siya.
Pagpasok ko sa tindahan namin ay hindi na ako nagulat ng nagsimula na itong maghugas ng mga gamit dito sa tindahan. Ngumiti pa sya nang nilingon niya ako, peke ko itong nginitian at nagpunas nalang. Naupo ako sa tabi habang hinihintay siyang matapos maghugas.
Pagkatapos niyang maghugas ay sabyay kaming lumabas ng tindahan at ni-lock ito.
"Mauna na ako." tumango ako sa kanya at tumawid na siya papunta sa Ospital at ako naman ay pumara ng tricycle.
"Ano pang ginagawa mo dito, naka labas na Lolo mo sa ospital ah." napalingon naman ako sa kausap ni Nanay. Si Miguel.
"Opo, dumaan lang po ako dito para bumili ng tinda niyo." sagot niya kay Nanay at sagit na tumingin sa akin. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa saging na binabalutan ko ng lumpia wrapper.
"Ilan ba? Magluluto pa kami ng turon. Ciara, bilisan mo dyan at bibili si Miguel ng turon." sabi sa akin ni Nanay at inabot ko naman sa kanya yung mga saging na nabalutan ko na.
"Na gustuhan po kasi yan nung Pinsa ko, Si Christina." tumingin siya sa akin nang bangitin niya ang pangalan ng kaklase ko na walang araw atang inaaya akong sumama sa kanila na uminom.
"Dito kana sa loob maghintay." aya naman sa kanya at mabilis namang pumasok sa loob ng tindahan si Miguel. Ibinaba ko naman ang paa ko na nakapatong sa upuan nang naupo siya sa tapat ko.
"Gusto kong subukan." parehas naman kaming napalingon sa kanya ni Nanay. Aangal sana ako pero nag marunong na si Nanay sa turuan si Miguel.
"Nay, yung niluluto niyo." paalala ko sa kanya.
"Ano, nakuha mo ba yung mga sinabi ko?" tanong ni Nanay kamay Miguel bago lumipat sa kawali.
"Yes." sagot ni Miguel na nagssmula ng magbalot ng saging.
"Wag masyadong maraming asukal." saway ko sa kanya. Ang dami niya kasing nilalagay na asukal. Hindi masyadong masarap ang turon pag masyado itong matamis.
"Sorry." pinagpagan naman niya yung saging kaya natawa ako. Tumikhim naman ako ng tumingin siya sa akin.Inirapan ko naman siya kaya siya naman ang Ngumiti. "So, kamusta kayo ni Matteo?" tanong niya.
"Ayos naman, Nangliligaw parin siya. Balak ko na siyang sagutin pagkatapos nitong Unang semester namin." Pagku-kwento ko sa kanya.
"Good for him, pero parang ang bilis mo naman ang magpaligaw? Iilang buwan pa lang siyang Nangliliigaw. At na kwento sa akin ng nanay mo na naglilive-in kayo pagkagraduate?" Daldal talaga ni nanay.
"Matagal na din naman siyang nagliligaw sa akin, Deserved niya ang Oo ko. At Oo, may balak kaming maglive-in. Matagal na naming plano yun pero hindi na tuloy kasi nga tumigil ako sa pag-aaral dahil nga yung nangyare kay Tatay. Tapos itong loteng yan." itinuro ko pa yung bakanteng lote." Balak naming dyan magtayo ng bahay, nakausap na niya yung may-ari ng lote. " Tumango-tango naman siya at walang sinabi. Pero mukhang pinakinggan naman niya yung mga sinabi ko.
"So, napost-poned pala yung plano niyo two years ako, but hindi nagbago ang isip niyo." bigla siyang nagsalita.
"Oo, hindi nagbago ang isip naman kasi pangarap naming dalawa yun."
"Paano kong hindi na naman na tuloy? Paano kung nambabae siya or makabuntis siya ng iba?" sinamaan naman siya ng tingin.
"Hindi yun gagawin ni Matteo, kasi bahay hospital lang yun."
"Pero paano nga?"
Sandali naman akong napaisip. Paano nga kung may ibang babae o makabuntis ng iba si Matteo.
"Makikipahiwalay ako sa kanya." nakatinginan naman kaming dalawa. Nauna siyang umiiwas ng tingin sa akin pero ako ay nakatulala parin.
Paano kaya kung sagutin ko na si Matteo? Mang babae pa kaya siya? Siguro nama ay hindi dahil hindi naman babaero si Matteo pero ngayon hindi niya ako girlfriend at Nangliliigaw lang siya sa akin. Sa dalawang taong lumipas wala siyang ibang nagustuhan?
"Natulala kana dyan." napapikit pikit naman ako sa gulat kay Miguel na nakatayo na sa tabi ko. " Lumapit ako sayo kasi nakatulala."
pagpapaliwanag niya.
"Lumayo ka nga sa akin." at medyo itinulak siya.
"Okay." lumapit naman siya kay Nanay para tingnan yung mga binalot niyang lulutuin na.
Naghugas ako ng kamay at kinuha ko yung libro at notebook ko na dinala ko. Habang nagbabasa ako ay isnusulat ko yung mga mahahalaga at maaring lumabas sa recitation namin. Habang ginagawa ko yun ay hindi ko napansin na nakikibasa na sa akin si Miguel.
"Ano?" tanong ko sa kanya at tiningala ko siya.
"Magkaklase ba talaga kayo ni Christina?" tanong niya at inalis ang tingin sa libro ng isara ko ito. Nakapamulsa pa ito sa harapan ko.
"Oo, doon ka na nga." pangtataboy ko sa kanya.
"Pero bakit hindi kita nakikita sa condo ko tuwing umiinom sila doon?"
"Inaaya ako ni Christina pero hindi ako mahilig sa mga ganya. Mas gugustuhin ko pang kumain ng lugaw kasama si Matteo kesa ang mag-inom."
"Matteo na naman." mahina ng sabi niya pero dinig ko iyon.
"Malamang alangan namang Miguel." pangbabara ko sa kanya.
"Pinagbabawalan ka ba niyang manglilgaw mo kaya hind ka sumasama sa mga kaklase mo?"
"Hindi, Wala mamang pake si Matteo sa mga ganya, gusto pa nga niyang Sumama ako kala Christina pero ako na ang tumatanggi." tumango tango naman siya na parang sangayon siya sa sagot ko. "