Mabilis kong pinaglapat ang labi namin ni Matteo. Nakangiti na siya ngayon sa harapan ko. Nandito kaming dalawa ngayon sa bahay dahil wala akong pasok at siya naman ay mamayang gabi pa.
"Sinasagot mo na ba ako?" mahinang sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya at pabirong umiling. "Okay." sagot niya at tumingin sa mga mata ko.
Hinalikan ko pa ulit siya ng mabilis at isinandal ko ang likod ko sa dibdib niya. Parehas kaming nakaupo ngayon sa bamboo sofa.
"Isa pa." bulong siya sa akin. Napaiwas naman ako sa kanya ng tumama ang mainit niyang paghinga sa tenga ko.
"May ibubulong ako sayo." sabi ko naman at hindi siya nilingon. Dahan dahan naman siyang yumuko sa gilid ng ulo ko. Dinampian ko naman ng halik ang pisngi niya bago nagsalita."Sinasagot na kita."
Tumama naman ang baba niya sa ulo ko dahil bigla siyang lumingon sa akin.
"Aray ko, gago." sabi ko at hinawakan ang ulo kung saan tumama ang baba niya.
"Sorry." natatawang saad niya pero biglang sumeryoso ang tingin niya sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya at medyo lumayo sa kanya.
"Gusto kitang halikan." mabilis ko naman siyang nahampas dahil nahihiya ako.
"Baliw, kung hahalikan mo ako. Halikan mo nalang ako. Nahihiya ako." umiling iling lang siya sa akin.
Natahimik naman kaming dalawa at ang tanging ingay lang na naririnig namin ay yung dalawang batang naglalaro sa labas ng bahay namin.
Napasingahap ko nang biglang maglapat ang labi namin ni Matteo. Hindi ako sanay na siya ang naiininitiate sa kiss naming dalawa. Kasi naman ako ang laging humahalik sa kanya.
Akala ko ay magdadampi lang ang labi namin pero nang hawakan niya ang pisngi ko ay mas lulalim pa ang paghahalikan namin. Napapikit naman ako nang para damahin ang halik niya. Naramdaman ko namang itinagilid niya ang ulo niya.
"Mag-asawa na ba kayo?" mabilis ko namang naitulak si Matteo nang narinig ko ang boses ni Austin.
Humalakhak naman si Matteo at sinulyapan si Austin na Inosenteng nakatingin sa amin.
"Bakit ka pumasok dito?" tanong ko sa kanya.
"Kanina pa ako tumatawag dito pero walang sumasagot, may naghahanap sayo Ate Ciara." itinuro pa nito ang labas ng bahay namin. Sumunod naman ako sa kanya papalabas ng bahay para tingnan kung sino ang naghahanap sa akin.
"Oh, Ikaw pala." Si Miguel pala. Inayos ko naman ang buhok ko."Kukunin mo na yung mga order mong pamunasan?" tanong ko sa kanya.
Naibilin kasi sa akin ni Nanay na dadaan dito si Miguel para kunin ang mga pinagawa nitong pamunasan para sa kompanya niya.
"Tapos na, kukunin ko lang." tumago naman siya at tahimik na nakasunod sa akin.
Pagpasok namin sa bahay ay wala na si Matteo nasa c.r siguro.
"Maupo ka muna dyan." itinuro ko pa yung bamboo chair namin. Nilapitan ko naman yung mga pamunas na nakahanda na para sa kanya.
Parehas naman kaming napalingon ni Miguel sa c.r dahil bumukas ito. Iniluwa nito si Matteo. Nakashort ito at sando lang.
"Nandito pala si Miguel para kunin yung mga pamunasan." nilingon ko pa si Miguel. Natataka naman ako dahil nakatingin siya kay Matteo at sa mismong pagitan ng hita ni Matteo kaya napatingin din ako doon.
Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa nakita ko. Iniwas ko naman doon ang tingin ko at tiningnan si Miguel na mukhang galit.
"Pasok muna ako sa kwarto mo." paalam ni Matteo. Wala naman ako sa sariling tumango.
Bakit nakatingin pa din siya kay Matteo? May gusto ba siya kay Matteo?
"Eto na yung mga pamunasan." lumingon naman siya sa akin at nagulat pa ako dahil sa dilim ng mata nito."Ano?" tanong ko sa kanya.
"Mangliligaw mo pa lang pero nakakapasok na sa kwarto mo." mabigat ang mga hakbang nito papalapit sa akin para kunin yung mga pamunas
"Ano bang problema mo? And for you information, Sinagot ko na si Matteo." inis na saad ko. Hindi naman niya ako tiningnan at umalis nalang siya basta bitbit ang mga basahan.
Isinarado ko naman ang pinto bago ako pumunta sa kwarto ko. Naabutan ko namang tinitingnan ni Matteo yung mga pinag aaralan ko.
" Inaantok ako." reklamo ko at nahiga sa kama ko. Nilingon ako ni Matteo pero hindi siya nagsalita. Hinayaan ko naman siya hanggang sa makatulog ako.
"Sumama ka na sa amin."saad ni Christina na gamit ang nagmamakaawang boses. Kanina pa lang na pagpasok ko ay kinukulit niya na akong sumama sa kanila. Nagkukunware naman akong walang naririnig kaya tuwing umaalis ang teacher namin ay kinukulit niya ako. Katulad ngayon na last subject na namin kaya lumapit agad siya sa akin
"Birthday ko ngayon, Ciara. Kaya sumama kana." napatingin naman ako may Maggie na lumapit na din sa akin. Inayos ko naman ang gamit ko at humarap sa kanilang dalawa.
"Sige na, sige na." sabi ko sa kanila. Napa-yes naman ng malakas si Christina at bumalik sa table niya para ayusin ang gamit niya.
Lumabas naman kami ng school para pumunta sa bahay ni Maggie dahil doon gaganapin ang birthday niya. Medyo iilan pa lang kaming magkasama papunta sa kanila dahil susunod sa ami ang iba naming blockmate at iba niyang kaibigan.
Pagdating namin sa bahay nila Maggie ay sinalubong agad kami ng mama niya at tinanong agad kami kung iinom kami.
"Iinom ba kayo? Doon na kayo sa terrace ng bahay maginom. Dahil may mga dadating pang ibang mga bisita. Nakahanda na doon ang mga iinumin niya. Ayusin niya ha." tumango naman ang iba sa amin at nagtatawanan pa.
"Ma, syempre kakain muna kami." sabi namin ni Maggie at niyaya na kami nito sa loob ng bahay nila.
Pumasok naman kami sa loob ng bahay nila at nakatingin sa amin yung ibang mga bisita nila. May mga bata din na naglalaro sa sahig ng bahay nila Maggie na naglalaro. Lumapit naman kami sa mahabang lamesa na punong puno ng handa. Nakakahiyaan pa silang kumuha ng plato pero si Maggie na ang nag-abot sa amin ng plato. Pagtapos naming kumuha ng pagkain ay pumunta kami sa taas ng bahay nila. Sa terrece kami ng bahay nila pumunta at bumungad sa amin ang dalawang lamesang punong puno ng pagkain at alak. Sa gilid ng pinto ay nandoon ang videoke na pinuntahan agad ng iba naming kasama para maglagay ng kakantahin nila.
"Meron na pala dito." si Maggie na may dala dala ring plato na punong puno ng spaghetti.
Pinagkumpulan naman nila ang isang lamesa na may mga alak. Tuwang tuwa sila dahil hindi na daw nila kailagan mag ambagan para sa alak. Ako naman ay naupo sa isang lamesa kung nasaan ang mga pagkain at tahimik na kumakain. Habang kumakain ako ay abala sila sa paghahalo ng iinumin nilang alak.
Tahimik lang akong kumakain doon habang pinapanuod sila sa ginagawa nila. Tapos na ata silang kumain habang nagtitimpla ng alak na iinumin nila.
Lumapit naman sa akin si Christina na may malaking ngiti na ikinangiwi ko, alam kong magsisimula na silang maginuman kaya.
"Tara na doon, wag kang magalala hindi kita pipiliting uminom. Doon ka sa tabi ko, ako na ang iinom ng para sayo." tinapik tapik niya pa ang balikat ko.
"Anong oras ba tayo uuwi?" tanong ko sa kanya.
"Ano ba yan, Ciara. Di pa nga umiinit yang pwet mo sa upuan, uwing uwi kana agad." umiling iling naman siya sa akin kaya bahagya akong natawa. Naglakad naman kami papunta sa kaninang inuupuan niya. Sa tabi niya ako naupo.
"Wag ka masyadong uminom, baka hindi kana makauwi sa sobrang kalasingan." paalala ko sa kanya.
"Hindi ka matutulog dito, Christina?" Tanong ni Tony bigla kay Christina.
"Hindi, pinapauwi ako ni Kuya Miguel. Sa susunod nalang." sagot ni Christina at nagsimula na silang maginom. Habang nagiinuman sila ay may kumakanta din habang ako naman ay kumakain ng pulutan nila. May chicharon silang pulutan at kung ano-ano pang putahe. Tuwing dumadaan sa akin ang baso ay si Christina ang umiinom ng para sa akin. Sigurado ako siya ang unang malalasing sa kanila.
Si Christina na nga ang unang nalasing na ngayon ay kinukulit niya akong uminom pero hindi ko tinatanggap. Tinatawanan na si Christina ng iba at ang iba naman ay nakayuko na sa lamesa. Lumapit naman si Maggir sa amin ni Christina na namumula na. Mukhang madami din siyang nainom.
"Ciara." tawag niya sa akin."Pwede bang ikaw na ang maghatid kay Christina sa condo niya? Hindi ko kasi sila pwedeng iwan dito." itinuro niya pa ang kasama namin na ngayon at halos nagwawala na sa pagkakanta.
"Hindi ako uuwi hanggang hindi umiinom si Ciara kahit isa." sabat naman ni Christina na may hawak na baso na punong puno ng alak.
"Gago, Christina.Lulunurin mo ata si Ciara." tarantang saad ni Maggie nung nakita yung hawak na baso ni Christina.
"Gaga, di ko naman sinabing ubusin niya." suminok naman si Christina at inabot niya sa akin yung baso kaya natapon sa akin ang konti nito. Mabilis ko namang nahawakan ang ulo niya dahil muntik nang mapatama ang mukha niya sa lamesa.
"Iuuwi ko na siya, taga saan ba siya?" tanong ko kay Maggie habang inaalalayan si Cristina na tumayo.
"Ah, Isang tricycle lang ang sasakyan niyo. Ako na ang magsasabi sa tricycle kung saan." tumango naman ako sa kanya at tinulungan ako kay Christina.
"Hindi pa ako uuwi, hindi pa umiinom si Ciara." makulit na saad nito at pilit na bumabalik sa kinauupuan niya.
"Uminom na si Ciara, tingnan mo yung baso bawas na." ipinakita naman ni Maggie yung baso na natapon sa akin ang konti nitong laman.
Tumango tango naman si Christina at tumayo. Inaalalayan naman namin siya ni Maggie at halos na matagalan kami dahil kung ano-ano ang sinasabi sa amin ni Christina.
"Dito muna kayo, tatawag lang ako ng tricycle." tumango naman ako kay Maggie at inayos sa pagkakaupo si Christina.
"Saan siya pupunta? Bakit iniwan niya tayo? Dapat sumama tayo sa kanya kasi pamilya tayo dapat sama sama tayo." mabilis ko namang inupo si Christina dahil bigla itong tumayo habang nagsasalita.
"Naghahanap lang siya ng tricycle, babalik din yun dito." mahinahong sabi ko sa kanya. Ang kulit niya parang gusto ko na siyang iwan dito at hayaan si Maggie na siya nalang ang maghatid kay Christina kaso nakakahiya naman sa kanya at mukhang lasing din si Maggie.
Naupo naman ako sa tabi niya habang nakatingin sa kalsada. Masyado ng mababa ang araw kaya dumidilim na. Tumayo naman ako ng nakita ko si Maggie na nakasakay sa tricycle. Tumigil ang tricycle sa harap namin. Bumaba naman ng tricycle si Maggie, mabilis naman siyang lumapit sa akin para tulungan akong umalalay kay Christina.
"Christina, umayos ka baka-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tumama na ang ulo ni Christina sa pinto ng tricycle.
"Ouch." reklamo niya. Nagkatinginan naman kami ni Maggie at natawa nalang. Inayos naman namin ng upo si Christina sa loob ng tricycle at ako naman ang sumunod. Kinausap naman ni Maggie ang driver.
"Ingat kayo." sabi ni Maggie.
"Oo, salamat pala. Happy Birthday ulit." sabi ko sa kanya.
"Salamat din sa pagpunta." kumaway kaway naman siya sa amin kaya kumaway din ako. Medyo matagal din ang byahe papunta kala Christina. Ibinaba kami ng driver sa isang exclusive na condominiums na muntik pa kaming hindi papasukin kung hindi pa nakilala ng guard si Christina. Mabuti nalang ay tinulungan ako ng guard kay Christina kaya hindi ako nahirapan hanggang sa makaayat kami floor nila.
"Nasan ang susi, Christina?" tanong ko sa kanya. Parang wala naman siya sa sariling inabot sa akin ang bag. Binuksan ko yung nag niya at nakita ko ang susi sa pocket sa loob ng bag niya."Umayos ka muna ha, baka matumba ka." isinandal ko siya sa gilid ng pinto at binuksan na ang pinto. Madilim sa loob ng condo niya kaya hindi ko masyadong makita. Pumasok naman kaming dalawa ni Christina sa loon. Siya na din ang magbukas ng ilaw. Naupo siya sa hagdanan at parang may sinasabi.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya at lumuhod sa harap niya para maintindihan ko ang sinasabi niya. Hinawakan ko pa siya sa balikat dahil nakayuko siya sa akin. Sinandal naman niya ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko naman siya at nagtataka naman akong napatingin sa kanya dahil may naramdaman ako na medyo mainit na kung ano na dumadaloy sa balikat ko. Mabilis namana kong lumayo sa kanya.
Tingnan ko naman yung sahig dahil na ngalat na yung suka ni Christina sa sahig. Napalingon naman ako sa pinto dahil narinig ko iyong bumukas.