"What the hell." sabi niya habang nakatingin sa sahig at ibinaling ang tingin kay Christina na nakahilata sa may hagdanan at may dumi din sa gilid ng labi nito. "She's wasted." narinig ko ang malalim niyang paghinga, nilapitan niya si Christina.
Tumingin naman ako sa damit ko na may mga suka. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Christina at Miguel. Nagiwas naman ng tingin sa akin ni Miguel at itinayo niya si Christina. Dinala niya si Christina sa sala at sumunod naman ako sa kanila para tulungan siya.
Napatingin naman sa akin si Miguel nang tinulungan ko siya. Nakita ko din ang sumilay na ngiti sa labi niya bago siya umiling. Nang nailagay na namin si Christina sa sofa at mabilis namang humilata si Christina.
"Gusto mo bang magpalit ng damit? Meron sa damit mo." itinuro niya pa."Kukuhaan lang kita sa damitan ni Tinay." nagaalangan pa ako sa kanyang tumango dahil nakakahiya pero yung suka kasi sa damit ko medyo hindi kaayaaya ang amoy kaya pumayag na ako.
Tumaas naman si Miguel at naiwan kaming dalawa ni Christina. Napatingin naman ako sa kabuoan ng condo nila. Walang masyadong gamit akong nakikita dito. May malaking flats screen tv at speaker lang sa baba nito. Walang mga picture frame.
"Hey, eto yung damit. Magpalit ka muna, lilinisan ko muna yung suka at ihahatid na kita sa inyo." sabi nito at inilahad sa akin anh damit.
"Wag na nakakahiya naman, wala din kasama si Christina dito." sagot ko sa kanya at kinuha yung damit.
"Hindi ayos lang, bibilhan ko din soup si Christina dahil gigising yan mamaya kasi magugutom yan. Ito yung cr." itinuro niya naman yung pinto sa may gilid na may katapat pang isang pinto na pinasukan naman niya. Pumunta ako sa cr at nakita ko sa peripheral vision ko si Miguel na may hawak na mop. Pumasok na ako sa cr nila at mabilis akong nagpalit.
Lumabas ako ng cr na dala dala ang damit ko. Sinilip ko naman yung kusina nila na malinis tingnan pero may mga hugasan na plato sa lababo nila. Pumunta naman ako sa sala at nandoon parin si Christina na mahimbing na natutulog.
Hinanap naman si Miguel at nakita ko siya sa may pintuan na may hawak na mop at ang isang kamay naman ay may downy. Abala siya sa ginagawa niya kaya hindi niya napansin na tapos na akong magbihis.
Mabilis naman aking napabaling kay Christina nang bigla itong bumangon sa pagkakahiga at pumunta sa cr, aalalayan ko sana siya pero mukhang alam niya na ang ginagawa niya.
"Ganoon talaga siya, malapit na akong matapos dito. Ihahatid na kita. Kukuhaan din kita ng plastik lalagyan niyang pinagbihisan mo." tumango ako sa kanya. Tapos na siyang magmop kaya iniligpit niya na iyo. Lumabas na ng cr si Christina at muling humiga sa sofa. Lumabas naman si Miguel sa kusina nila na may dala dalang paper bag.
"Ilagay mo dito yang dala mo, tara na." kinuha ko naman sa kanya yung paper bag at isinilid ko yung damit ko. Nauna siyang naglakad papalabas kaya sumunod na ako sa kanya. Pansin ko naman na mukha siyang masaya siya habang ako naman ay nagtataka lang ako sa kanya.
Pumunta kami sa parking lot at kinuha namin yung sasakyan niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto bago siya patakbong pumunta sa driverseat.
Tahimik lang ako habang nagbibiyahe kami at siya naman ay sumisipol sipol habang nagdadrive. Pansin ko lang sobrang bagal niyang magdrive. Parang mas mapapabilis pa ang uwi ko kung maglalakad ako kesa ang sumakay sa sasakyan niya.
"So, how are you?" tanong niya bigla kaya lumingon ako sa kanya. "I mean amoy alak ka kanina, uminom ka ba?" dugsong niya sa tanong dahil hindi agad ako sumagot.
"Ah, hindi ako uminom. Natapunan lang ako ng alak." maikling sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at tumawa.
"How's your relationship with Matteo?"
"Ayos naman."
"Wala kayong problema?"
"Wala naman."
"Ang iksi mo namang sumagot, nevermind baka hindi sayo sinasabi ni Matteo."
"Ang alin?" tanong ko.
"Wala, may gusto ka?" tanong niya at tumingin naman ako sa kalsada. Nasa drive-thru kami." Dalawang mushroom soup, Tatlong chicken fillet ala king, at tatlong burger." order niya at lumingon sa akin." May gusto ko ba na idagdag?"
"Hindi na, salamat nalang. Madami akong nakain kanina."
"Pag nagutom ka, kainin mo sa bahay niyo." nagdagdag siya ng fries at bumalik naman siya sa pagmamaneho dahil tapos na siyang magorder. Naghintay lang kami ng five-minutes dahil sa fries.
Medyo bumilis na ang pagmamaneho niya kesa kanina na mas mabilis pa akong maglakad. Mabilis kaming nakarating sa amin. Nakita ko namang naglalakad si Matteo papasok sa lugar namin at mukhang katatapos lang ng duty niya.
Tininganan ko naman si Miguel na inaayos yung ibibigay niya sa akin. Binaba ko naman yung bintana at sumigaw ako pata tawagin si Matteo.
"Matteo!" sigaw ko at mabilis naman siyang lumingon. Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha niya habang naglalakad siya papalapit sa akin.
"Ciara, ilagay mo sa paper itong ibang pagkain." nilingon ko naman si Miguel na inaabot sa akin yung pagkain.
"Ah, salamat." mabilis ko namang kinuha yun sa kanya. Pinagbuksan naman ako ni Matteo ng pinto at inalalayan akong bumaba. Sinilip ko sa loob ng sasakyan si Miguel na ngayon ay mukhang wala na siya sa mood. Naka straight face lang siya habang nakatingin sa amin ni Matteo. "Salamat sa paghatid, Miguel." Tumango lang siya at bumusina bago mabilis na paandarin ang sasakyan niya.
"Magkasama kayo?" tanong ni Matteo. Nakatingin naman siya sa paper bag na hawak ko.
"Ah, hindi. Kasama sila Christina, birthday ni Maggie. Isa naming classmate tapos ako ang naghatid kay Christina sa kanila at naabutan ako doon ni Miguel kaya inihatid niya ako." sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa bahay namin.
"Ah, uminom ka? Bakit parang hindi naman?"
"Hindi, ayaw kong uminom baka kung ano pa ang gawin ko, lalo na at wala ka." tumawa naman siya at tumango.
"Try mo na uminom, basta wag lang madami." tumango nalang ako sa kanya.