Katatapos lang ng huling subject namin ay nagmamadali na agad ako sa pagaayos ng mga gamit ko. Tiningnan ko naman sila Christina na pinaguusapan ang bag nito na mukhang interesado lahat ng classmate namin. Tahimik akong lumabas ng room namin at mabuti nalang ay wala sa aking nakapansin.
Birthday ko ngayon at kahit isa sa mga kaklase ko ay walang nakakaalam. Naghihintay si Matteo sa labas ng school kaya nagmamadali ako dahil may pasok pa ito sa trabaho.
Paglabas ko sa gate ng school ay nakita ko agad si Matteo na nakaupo sa waiting shed sa tapat ng school namin. May mga nagtitinda din ng mga pagkain doon. Nang nakita ako ni Matteo ay tumayo ito at kumaway sa akin. Nakasuot na siya ng uniform niya at may dala din siyang maliit na backpack.
"Tara na?" sabi ko agad pagkalapit ko sa kanya.
"Nasan ang mga kaibigan mo?" takang tanong nito.
"Hindi nila alam, ayaw ko kasing makipaginuman sa kanila." sagot ko. Tumango naman siya at pumara ng tricycle. Sinabi niya sa driver kung saan kami pupunta. Pupunta kami sa isang Park na medyo may kalayuan dito sa akin. Maganda ang tanawin doon, Madalas kaming pumunta doon kasama ang mga kaklase namin.
Bumaba kami ng tricycle ni Matteo. Siya ang nagbayad ng pamasahe namin at pinauna na niya ako sa gate ng park. Pagkalatapit niya sa akin ay inilahad niya agad ang kamay sa akin at malugod ko namang tinanggap.
"Bili muna tayo ng pagkain." lumapit si Matteo sa mga stall kung saan may mga nagtitinda ng kung ano-ano. Lumapit ako sa stall kung saan ako may nakita fishball at kwek-kwek.
"Ate, sampung pisong fishball at kwek-kwek po." sabi ko sa tindera at inabot ko agad ang pangbayad ko. Binigyan niya ako ng plastic cup para ako na ang tumusok ng fishball. Bente piraso ang kukunin ko pero pwede ding sobrahan ko pa kasi hindi naman mahahalata.
Pagkatapos kong bumili ng fishball at kwek-kwek ay hinanap ko si Matteo. Lumingon lingo pa ako pero hindi ko siya nakita kaya pumasok na ako sa loob ng park. Pagpasok ko sa loob ay naghanap agad ako ng kubo na walang tao.
Madaming kubo ang nakatayo sa loob ng park. Maliliit na kasya ang dalawang tao. Sa may malapit sa gate ang pinili ko para makita ko si Matteo kung sakaling papasok na siya.
Inilapag ko ang mga dala ko sa ng lamesa. Ibibalik ko ang tingin ko sa gate para panuodin ang mga taong papasok sa loob ng park. Lumabas ako ng kubo nung nakita ko si Matteo na lumilingon na mukhang may hinahanap.
"Matteo!" sigaw ko. Mabilis naman niya akong nilingon kaya kinawayan ko siya. May dala dala siyang paper bag.
"Sabi ko na nga ba nandito kana." sabi nito pagkalapit niya sa akin. Pumasok kaming dala sa kubo.
"Ano yan?" tanong ko nung nilapag niya yung paper na dala dala niya sa lamesa.
"Secret." inilabas nito ang slice cake na mukhang binili niya sa bakery kaya nawala siya kanina. May maliit din na kandila. Itinusok niya iyon sa ibabaw ng cake at sinindihan gamit ang lighter. "Happy Birthday, My forever love."
"Thank you." sagot ko sa kanya at mabilis ko siyang niyakap, pinaulanan ko naman siya ng halik sa kanya pisngi.
"Kaina na tayo." hinalikan niya din ako sa aking pisngi at bahagya siyang lumaya para ayusin yung kakainin namin.
Nakangiti naman akong sumunod sa kanya para tulungan ko siya. Naupo ako sa tabi niya habang kumakain nung cake na binili niya habang siya naman ay kumakain ng fishball na binili ko.
Naguusap kami tungkol sa kung saan saan habang kumakain. Pagkatapos naming kumain ay iniligpit niya muna yung mga basura namin bago tumabi sa akin.
Isinandal naman niya ako sa dibdib niya. Naririnig ako ang paghinga nga niya kaya tiningala ko siya. Inosete siyang nakatingin sa akin na parang nagtataka sa pagtingin ko sa kanya.
"Bakit?" tanong niya.
"May sasabihin ka ba?"
" Wait, may kukunin lang ako sa bag ko." umayos naman ako ng upo at sumandal na sa sandalan nitong kahoy na upuan. Pinanuod ko siyang halughugin yung bag niya at inilabas niya yung wallet.
"Ano yan?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa bank card niya na inaabot sa akin.
"Bank card." simpleng sagot niya.
"I mean bakit mo sa akin binibigay?" paliwanag ko para kasing binibigyan niya lang ako ng candy.
"Bank card, para sa magiging asawa ko." ngumisi siya sa akin." Andyan yung pangbili ng lupa natin. Gusto ko ikaw ang maghawak kasi magiging asawa na din naman kita edi ikaw na maghahandle lahat ng pera natin."
Muli kong tiningnan yung card at ibinalik ang tingin kay Matteo na seryoso nang nakatingin sa akin.
"Siguradong sigurado na ako sayo, Ciara." seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko."Ikaw ba?"
Tumikhim ako bago ngumiti sa kanya kahit na seryoso parin siyang nakatingin sa akin. Mahigpit ko siyang niyakap at naramdaman ko naman ang kamay niyang pumulupot sa likod ko.
"Hindi ka pa sumasagot, Ciara." natawa naman ako at tiningala siya.
"Mahal na mahal kita, Matteo. Siguradong sigurado na ako sayo. Kahit hindi mo sa akin ibigay yang bank card mo sayong sayo ako." unti-unti naman siyang ngumiti at yumuko para halikan ang noo ko. "Ang hina mo naman, sa noo lang." hamon ko sa kanya.
Umuling lang siya sa akin at lumayo ng konti sa akin, pinagsingkitan naman niya ako ng mata bago ngumisi sa akin at inatake ako ng isang hahalik!
Napahawak naman ako sa balikat niya sa gulat. Nang mamakabawi ako ay hinalikan ko na din siya pabalik pero lumayo naman siya. Masama ko siyang tiningnan pero nakangisi lang siya sa akin na parang masaya na naiinis ako sa kanya.
"Tara na, may trabaho pa ako." halata sa boses niyang natatawa siya. Inabot naman niya sa akin yung bag ko na nakangiti parin na parang nangaasar.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at ngumiti na ulit. Umakbay naman siya sa akin habang palabas kami ng park. Magdidilim na pala hindi ko napansin kanina.
Pumara naman agad si Matteo ng tricycle. Pumasok naman kaming dala doon.
"San kana? Uuwi kana sa inyo?" tanong niya.
"Oo, baka sarado na yung tindahan namin." tumango naman siya at kinausap yung driver. Mukhang ihahatid na muna niya ako bago siya pumunta sa hospital.
Lumabas na ako sa tricycle habang si Matteo ay nasa loob pa tricycle. Kumaway naman siya sa akin kaya kumaway din ako sa kanya pabalik.
"Ingat ka." sabi ko habang kumakaway. Tumango naman siya at umandar na yung tricycle.
Naglakad naman ako papunta sa bahay namin at nagtataka naman ako dahil ang daming tao sa lumabas sa bahay namin.
"Nandito na pala yung may Birthday." sabi nung isa naming kapitbahay na kumakain ng pancit.
Binati naman nila ako habang ako naman ay nakangiti sa kanila. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Miguel na kumakain din ng pancit sa bahay namin kaya nagtataka.
" Nandito kana pala, kanina ka pa namin hinihintay. Pero anong oras na hindi ka pa dumadating kaya pinakain ko na sila." sabi ni Nanay sa akin nung nakita niya ako.
"Sabi ko naman sayo ay nagdate sila ni Matteo." sabi ng Mama ni Matteo na kumakain din ng pancit." Happy Birthday pala sayo." nagpasalamat naman ako sa kanya at lumapit naman sa akin si Jane at Austin sa akin para batiin akin.
"Happy Borthday, Ate Ciara." bati nilang dalawa kaya natawa ako. Ang tigas kasi ng pagkakabigkas nila.
"Salamat." sabi ko sa kanila."Gusto niyo pa?"
"Hindi na, Ate. Busog na kami." sagot sa akin ni Austin. Kinuha naman niya yung plato ni Jane at inilagay yun sa lababo namin.
Lumapit ako sa lababo namin para ayusin yung mga plato na hindi nakaayos ng salay. Kaya ayaw kong maghahanda dito sa bahay dahil ako ang naghuhugas ng plato.
"Birthday mo pala ngayon." biglang nagsalita si Miguel sa likuran ko. Medyo nagulat pa ako dahil abala ako sa pagliligpit nitong mga hugasan.
"Ah, oo." sagot ko nalang. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nandito pero alam kong si Nanay ang dahilan kung bakit siya nandito.
"Happy Birthday." bati niya sa akin.
"Salamat." sagot ko sa kanya at iniwan siya doon. Pumasok naman ako sa kwarto ko para ilagay doon ang mga gamit ko.
Kinuha ko yung wallet ko para tingnan yung bank card ni Matteo. Pangbili daw nung lupa ang laman nito kaya dapat ay ingatan ko ito.
Inilagay ko iyon sa box sa loob ng cabinet ko para hindi iyon mawala. Pagkatapos ay nagpalit ako ng damit ko. Lumabas ako ng kwarto ko at tumingin ako sa pinto. Nakita kong kausap ni Miguel si Jane na mukhang nagke-kwento.
Lumapit naman ako kay Nanay para tulungan siya sa pagliligpit ng mga hugasan. Tumabi ako sa kanya para magtanong.
"Nay, bakit nandito si Miguel?" tanong ko.
"Ah, nakita ko siya kanina dyan sa labas mukhang may binisita diyan yung kasama niya. Nawala nga yung kaibigan niya na mukhang kilala nung kapatid ni Jane."
"Bakit mo siya inimbita dito?"
"Kasama niya kanina si Jane alangan si Jane lang imbitahan ko e magkasama nga yung dalawa." itinuro pa ni Nanay si Jane na nakikipag usap kay Miguel. "Ipagbabalot ko nga pala si Jane at hindi pumunta yung ate niya."
"Bakit hindi mo sa akin sinabing maghahanda ka, Nay?"
"Syempre sabi ng Tatay mo maghanda daw kaya naghanda ako." sagot niya sa akin. Pumunta naman siya sa may kawali kung saan may mga pansit pa.
"Dadalhan ko din sa bahay nila Matteo." sabi ko. Inayos ng salay yung mga plato para konti lang tingnan para sipagan akong maghugas.
Pagkatapos kong magsalay ay inayos ko naman yung dadalhin ko sa bahay nila Matteo. Dadamihan ko para makaitikim naman siya kahit papaano.
Dala dala ko yung plato na may lamang pancit at may cake din. Tinakpan ko pa iyon ng isang plato. Lumabas ako ng bahay namin at bawat tao ata na nakakasalubong ko ay binabati ako.
Kumatok ako sa bahay nila Matteo at pinagbuksana ko ng pamangkin niya na mukhang inaantok na. Anak ito ng kapatid ni Matteo na nasa Canada.
"Happy Birthday, Ate Ciara." bati nito sa akin.
"Salamat, Ari. Nagdala ako ng handa ko, hindi ka pumunta sa bahay." sabi ko sa kanya at pumasok sa bahay nila. Dalawang palapag ang bahay nila Matteo at nasa second floor ang kwarto ni Matteo.
"Salamat, Ate. Hindi ako pumunta sa bahay niyo, kaaway ko si Jane at Austin. Ayaw nila akong pasalihin sa laro nila." inis na saad nito. Kumuha naman ako ng plato para ilipat doon ang mga dala ko.
"Si Ivan ang madalas mong kalaro diba?" tanong ko sa kanya.
"Opo, pero gusto ni Ivan doon kami maglaro sa kabilang kalsada para manguha ng bayabas pero bawal ako doon susumbong ako ni Nanay kay Papa."
Nakinig lang ako sa kanya at pagkatapos kong isalin sa ibang lalagyan ang dala ko ay umalis na din ako. Nakita ko pa yung mama ni Matteo na nagpapapedicure sa katapat bahay nila.
Habang naglalakad ako ay nakita ko si Miguel na naglalakad kasabay ang ate ni Jane na may kasama pang isang lalaki habang si Miguel ay nakahawak sa kamay ni Jane.
"Jane Panget, Jane Panget." napatingala naman ako sa secondfloor ng bahay nila Matteo at nakita ko doon si Ari na sumisigaw.
"Ari Taray, Ari taray." ibinalik ko naman ang tingin ko kala Miguel na ngayon ay nakatingin na din kay Ari sa taas. Tinakpan naman ng ate jane yung bibig nito. Tumatawa yung kasama nilang lalaki at Si Miguel naman ay nakatingin sa akin.
"Happy Birthday pala, salamat sa balot." tumango naman ako sa Ate ni Jane.
"Salamat, wala yun. Mauna na ako." tumango siya kaya inawan ko na sila doon.