Inayos ko naman ang pagkakasalay ng mga damit na tiniklop ko. Katatapos ko lang magtiklop ng mga damit at wala na akong ibang gagawin dito sa bahay. Wala na din akong kailangan gawin sa school dahil natapos ko na kagabi.
Pupunta nalang ako sa tindahan namin ngayon para tumulong sa pagtitinda para madagdagan ang pera ko para mabili ko yung gusto kong kwintas. May kamahalan pero dalawa naman na yun para sa aming dalawa ni Matteo nitong nakaraan kasi ay nagbigay siya sa akin ng bracelet at dahil binigayn niya ako syempre bibigayan ko din siya kahit alam kong tatangihan niya iyon.
Kumuha naman ako ng damit na susuotin ko para sa pagtitinda.Short na hanggang hita ko at white t-shirt lang para hindi masyadong mainit. Inilagay ko naman sa kama ang dadamitin ko at pumunta sa cr para makaligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Naupo naman ako sa harap ng salamin para tingnan ang sarili ko. Naka pulupot pa ang tuwalya sa buhok ko. Inalis ko yun para simulan ng patuyuin ang buhok ko.
Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay kinuha ko yung bracelet na ibinigay sa akin ni Metteo. Isinuot ko iyon bago ulit ako tumingin sa salamin. Maputla ang labi ko kaya madalas akong naglalagay sa labi ko ng lipstick para medyo magkakulay naman ang mukha ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis na ako sa bahay namin.
Pagbaba ko sa tricycle ay nakita ko si Nanay na abala sa aasikaso sa mga bumibili. Oras na ng meryenda kaya madaming bumibili sa amin. Lumapit naman ako sa tindahan namin. Nagtama ang mata namin ni Nanay pero hindi siya nagtanong kung anong ginagawa ko dito. Abala siyang masyado sa mga bumibili. Pumasok naman ako sa loob ng tindhana namin para tulungan siya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nanay matapos bigyan yung huling bumili." Akala ko ba ay madami kang gagawin?"
"Tutulong ako, tapos na ako sa mga gawain ko sa school." sagot ko sa kanya at lumapit sa lababo para maghugas ng kamay. Kinuha ko naman yung lumpia wrapper at saging na pang turon. Madami pang lutuing maruya kaya itong pagbabalot nalang ng turon ang gagawin ko.
" Napunpun mo na ba yung mga nilabhan mo? Mukhang uulan." tumingin pa siya sa langit na medyo makulilim nga.
"Oo, tapos tiniklop ko na din."
"Bakit ka pa nagpunta dito? Akala ko ba malapit na ang exam ninyo?" tanong niya ulit. Inilagay naman niya yung mga luto ng maruya sa strainer.
"Sa byernes pa." sabi ko at nagpatuloy sa pagbabalot ng munting saging.
Hindi na ulit nagtanong si Nanay at inabala nalang nito ang sarili sa pagpriprito. Pagtapos kong pagbalot ng turon ay nakaramdam naman ako ng antok. Pumunta naman ako sa mahabang upuan sa may gilis ng lababo ng tindahan at doon nahiga. Anong oras na akong natulog kagabi kaya siguro mabilis akong nakatulog.
"Anong oras na yan ata natulog kaya ang haba ng tulog ngayon." dahan dahan ko naman iminulat ang mata ko para tingnan kung sino ang kausap ni Nanay. Inunat ko muna yung kamay ko kasabay nun ang paghakay ko. Medyo tumaas pa yung damit ko pero hinayaan ko nalang yun.
Tiningnan ko naman yung kausap ni Nanay halos malaglag naman ako sa upuan pagkabangon ko. Si Miguel ang kausap ni Nanay hindi si Matteo.
"Kanina pa kita hihintay magising." sabi ni Nanay. Mabilis naman akong bumangon para maghilamos." Mauna na ako sa bahay, dadaan dito si Matteo." sabi ni Nanay. Tumango naman ako sa kay Nanay. Napatingin naman ako kay Miguel na inosenteng nakatingin sa akin habang ngumunguya. May tubig pa sa mukha ko ng pumasok si Matteo sa loob ng tindahan namin.
"Matteo, nandito kana din pala. Sabay na kayong umiwi ni Ciara at naghihintay sa akin ang tatay ninyo." dala dala ni nanay ang wallet niya at payong.
"Sige po, Nay." sagot ni Matteo at tumingin sa likuran niya. May sumilip doon na babaeng may cast sa kamay." Si Judy pasyente ng Ospital dito daw niya hihintayin yung sundo niya." Inalalayan naman ito ni Matteo at nakita ko ang paa niyang may cast din. Kinuha ko naman agad yung upuan para hindi na siya mahirapan pa.
Umalis na si Nanay at kaming apat nalang ang nandito. Si Miguel naman ay nakatingin lang sa amin habang kumakain ng maruya. Bakit naman kaya siya nandito, may nagugustuhan din ba siya sa mga nurse na nagassist sa Lolo niya.
Pagkaupo nung babae ay lumapit naman si Matteo sa akin at tumabi sa akin. Nakita ko namang nakatingin siya sa kamay ko. Titngnan niya yung bracelet na suot ko, buti nalang isinuot ko.
"Hihintayin lang natin ang sundo ni Ma'am Judy." tumango naman ako sa kanya habang nakatiingin sa mukha niya. Mukhang pagod na pagod siya. Sumandal siya at inunat niya ang kanyang mga kamay. Inilagay naman niya ang kanyang kamay sa likod ko. Napatingin naman ako kay Miguel at Judy na nakatingin sa amin ni Matteo. Mukhang wala naman silang pakalam sa ginagawa namin kaya sumadal ako kay Matteo at hinawakan niya ang kamay niyang nasa balikat ko.
"Madami ba kayong ginawa ngayon?" mahinang tanong ko para kaming dalawa lang ang makarinigan pero narinig ata nitong Judy at sumingit sa dapat na usapan lang namin ni Matteo.
"Madami siyang ginawa ngayon, nakita kong madami siyang pasyenteng binista para bigyan ng gamot o kaya tingnan yung blood sugar ng mga iyon." peke naman akong ngumiti sa kanya.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng maruya?" tanong ko at itinuro ang plato na nasa tabi ni Matteo na may tatlo pang maruya at dalawang turon. hayop din itong lalking ito hindi man lang kami ayaing kumain. Ang kapal ng mukha. Tumayo naman ako para kumuha ng tinidor." Mat, anong gusto mo? Turon o Maruya? Ikaw Judy?"
"Turon sa akin." sabay na sagot ni Matteo at Judy. Tinusok ko naman ang isang turon at inabot kay Judy. Tutusukin ko na sana yung isang turon na natira ay bigla iyong kinamay ni Miguel at basta nalang siyang inilagay sa bibig niya at kinagatan niya yun. Sinamaan ko siya ng tingin at tumusok nalang ng maruya.
"Ubos na ang turo, maruya nalang." sabi ko kay Matteo at kinagatan ko muna yung maruya bago ko ibinigay sa kanya.
"Ayos na yan." sagot nito at sabay naman kaming tatlo na patingin kay Miguel nang marahas na itong tumayo at iniwan kaming tatlo.
Natahimik naman kaming tatlo habang si Judy ay inuubus ang natirang maruya na iniwan ni Miguel. Ang tagal naman ng sundo nitong babae na ito.
Maya-maya pa ay may sunod-sunod na busina kaming narinig
"Andyan na ata ang sundo ko." Ani Ni Judy at inilapag ang tinidor sa may plato at humarap sa amin ni Matteo."Mauna na ako, Salamat." hinawakan pa nito ang balikat ni Matteo.
Tumango ito sa amin at lumabas. Parehas lang kaming nakatingin kay Judy pagkalabas nito at nagkatinginan kaming dalawa ng nawala na ito sa paningin namin.
"Maghuhugas lang ako." sabi ko nalang at umalis sa tabi niya. Kinuha ko naman yung plato na apat na tinidor na hugasan.
"Okay, Hindi na ako makapaghintay na maka-graduate ka." biglang sabi niya. Mabilis ko naman siyang nilingon at ibinalik din agad ang tingin sa ginagawa.
"Tapos magpapagawa tayo ng bahay, dyan sa likod ng tindahan niyo. Uuwi akong hinihintay mo ako sa labas ng bahay natin pagkatapos kong magtrabaho tapos ako ang maghuhugas ng plato habang gumagawa ka ng lesson plan mo." marahan naman itong tumawa at tumikhim.
"Mabilis na din yun, konting tiis nalang." sabi ko at inilagay ang plato sa salayan na nandito sa tindahan namin. Naramdaman ko namang tumayo siya. Bago pa ako makalingon sa kanya ay nahawakan niya na ang balikat ko. Nakatayo lang siya sa likuran ko haharap na sana ako sa kanya kaso ay hinigpitan niya ang hawak niya sa balikat ko. Pinagsiklop naman niya ang mga buhok ko at inipit niya iyon ng mataas. Ramdam ko ang paghinga niya sa batok ko.
"Matteo." marahang tawag ko sa kanya nang halika niya ang batok ko. Para namang may kuryenteng dumikit sa balat ko at na buhay ang ugat sa buong katawan ko.
"Uwi na tayo." sabi niya at lumayo sa akin. Pangiti-ngiti pa siya tuwing napapatingin ako sa kanya. Nauna siyang lumabas ng tindahan namin para tumawag ng tricycle. Nakasimangot ako sa kanyang likuran habang sinisipa Sipa yung mga maliliit na bato. Napalakas ata yung Spa ko nung tumama sa paa niya yung bato kaya napalingon siya sa akin na may ngisi sa labi.
"Dito ka sa tabi ko." inilipat naman niya yung dala niyang bag at inlahad ang isang kamay sa akin. Hinawakan ko naman yung kamay niyang nakalahad sa akin. Hindi na siya nagsalita hinawakan niya nalang ang kamay ko hanggang sa may tricycle na huminto sa harap namin.
Pinauna niya akong sumakay sa tricycle at naramdaman ko pa ang kamay niya sa ulo ko. Akala niya siguro ay mauuntog ako katulad nung isang araw. Pagsakay ko sa tricycle ay siya naman ang sumunod dahil nga medyo may kalakihan siyang tao ay halos madasik na ako sa gilid nitong tricycle.
"Wag ka munang sumandal." sabi niya kaya naman medyo umusog ako ng konti. Nang naka ayos naman siya ay sinenyasan niya akong umayos na ng upo. Nakasandal ako ngayon sa kalahati ng katawan niya.
"Ang landi natin." sabi ko nalang at hinayaan siyang umakbay sa akin. Umiling lang siya sa akin at hindi na muling nagsalita. Nakatingin lang siya sa kalsada at ako naman ay binabasa yung sticker na nakalagay na nasa harapan ko.
Barya ka ba? Kasi umaga pa lang kailangan na kita.
Napangiwi naman ako at iniwas nalang doon ang tingin ko. Si Matteo na ang nagbayad ng pamasahe namin. Napatingin naman ako sa bagong computer shop na bagong bukas dito sa amin.
"Bakit?" tanong sa akin ni Matteo bigla kaya nagtataka akong napabaling ng tingin sa kanya.
"Ha?" takang tanong ko.
"Wala, Tara na." tumango ako sa kanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
Pansin ko lang simula ngg maging kam ni Matteo ay naging touchy na siya sa akin dati ako lagi ang humahawak sa kamay at ngayon ay nagkukusa na siya. Lagi na din niya akong hinahalikan katulad kanina pero hanggang doon nalang yun. Wala ng iba.
Pagdating namin sa tapat ng bahay namin ay akala ko ay hindi na siya papasok pero nauna pa siya sa akin. Naabutan namin si Nanay na naghuhugas ng plato at si Tatay naman ay inaayos yung mga telang gagawing pamunas ni Nanay.
"Natagalan ata kayo." Si Nanay. Nilingon lang kami nito saglit at bumalik na sa paghuhugas ng plato. Si Matteo na ang sumagot kay nanay at ako naman ay pumunta sa kwarto ko.
"Natagalan po kas yung sundo ni Maam Judy."
"Dito kana kumain, magsabay na kayong kumain ni Ciara."
Mabilis lang akong nagpalit ng pambahay at paglabas ko sa kwarto ko ay naauubutan ko si Matteo na kausap si Tatay.
Hindi ko narinig yung usapan nila dahil mahina lang ang usapan nilang dalawa kaya lumapit nalang ako kay Nanay na abala sa kusina namin. Kumuha naman ako ng dalawang plato para sa amin ni Matteo. Inilagay ko iyong sa lamesa.
"Matteo, kain na muna tayo bago ka umuwi sa bahay niyo." sabi ko sa kanya. Kumuha naman ako ng ulam at inilagay ang rice cooker sa lamesa namin. Pagkatapos naman ni Nanay na maghugas ay pumasok na ito sa kwarto nila ni Tatay. Lumapit naman sa lababo si Matteo at naghugas ng kamay niya bago naupo sa hapag.
Naupo din ako sa harap niya. Habang kumamakain kami ay napagusapan namin ang mga ginawa niya ngayong buong araw at ang ginagawa ko buong araw. Hindi na ako nagtaka ng naka dalawang kuha ito ng kanin. Iniilingan nalang ako nito pag tinatawanan ko siya.
"Nagutom ako e." sabi niya habang kumukuha ng kanin." Kumain ka pa." naglagay din naman siya ng konting kanin at ulam sa plato ko.
"Tama na yan." pag-aawat ko sa kanya. Inabot naman niya sa akin yung plato ko.