Nandito kami ngayon sa Library nagrereview para sa exam namin ngayon. Seryoso silang binabasa ang mga reviewer na ginawa ko para sa akin. Ibinalik ko nalang ang tingin sa binabasa ko.
"Tapos na kayo?" tanong ni Jude sa namin. Napatingin naman kami sa orasan.
Nagunat naman kami sa kinauupuan namin bago namin ayusin ang mga gamit namin.
"Gusto nyong maggroup study tayo sa condo ng Kuya ko?" tanong ni Christina.
"Nandon ba yung pinsan mo?" tanong ni Mandy.
"Wala, abala yun sa paghahanap ng magiging asawa niya." tumawa pa si Christina."Pero alam ko si Maddison ang pipiliin nun, nakita kong nakaluhod sa harap ni Kuya Miguel." nagtawanan naman sila sa sinabi ni Christina.
"Magaasawa na ba ang Kuya mo? Sayang hindi niya pa ako kilala. Sabihin mo naman sa Lola itry niya sa akin ipagkasundo ang Kuya Miguel mo."
"Gaga, tinakwil nga ako nila paano ako makakalapit sa Lola ko." tumawa naman si Christina na parang hindi Big deal sa kanya ang pagtatakwil ng pamilya niya.
Lumabas kami ng Library at ang pinaguusapan nila ang overnight group study. Hindi ako naniniwala ng magaaral sila. Kaya hindi na ako nakikisali sa kanila. Mas gugustuhin ko pang magaral magisa sa bahay namin.
"Ikaw, Ciara? Sama ka?" tanong ni Christina sa akin mabilis naman akong umiling sa kanya.
"Sa sunod nalang may pupuntahan kasi ako." Sagot ko sa kanya at inirapan ako nito sabay tawa.
"Lagi nalang, sa susunod sumama ka naman sa amin." tumango naman ako sa kanya.
Humiwalay naman ako sa kanila dahil nagkasundo sila na pupunta sila kala Christina para mag group study, Sigurado ako hindi lang pag-aaral ang gagawin nila doon. Umuwi agad ako para sa bahay na ako mag-aral.
Pagdating ko sa bahay ay wala si Tatay dahil minsan lang naman yung umuwi lalo na at maraming project yung boss nila. Si Nanay lang ang nandito nagtatahi.
"Natagalan ka ata ngayon, kumain kana, Kanina pa ako kumain." sabi ni Nanay sa akin pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay namin.
"Nag aral kami sa library kanina." sagot ko. Inilapag ang bag ko sa tabi niya at nagmano sa kanya. Tumango siya sa akin. Pumunta naman ako sa kusina para kumain. Pagkatapos kong kumain at hinugasan ko ang pinagkanan. Nagpahinga lang ako ng konti bago ulit ako nagaral sa kwarto ko.
Kinaumagahan ay maaga akong gumising para makasabay ako kay Matteo papunta sa hospital. Dadaan muna ako doon para dahil yung mga saging na lutuin ni Nanay para sa araw na ito.
Paglabas ko ng bahay namin ay si Matteo agad ang nakita ko. Napalingon naman siya sa akin at lumapit. kinuha naman niya yung dala kong basket.
"Ako na ang magdadala niyan." sinubukan niyang kunin yung basket na dala ko pero hindi ko sa kanya binigay.
"Hindi na, baka madumihan pa ikaw." umiling naman siya sa akin at sinubukan pang kunin pero hindi ko binitawan kaya hindi na siya namilit na kunin ang basket.
"Alam ko namang kaya mo pero baka maadumihan din yang uniform mo."
"Hindi naman puti ang uniform ko." tumango siya at hinayaan nalang ako. Pumara naman siya ng triycle papunta sa hospital. Pagdating namin sa Hospital akala ko ay pupunta na agad siya doon pero sinamahan niya pa ako sa loob ng tindahan namin.
Inilagay ko yung basket sa ibabaw ng lamesa. Nasa likuran ko si Matteo na kasunod lang siya sa akin. Pag harap ko sa kanya ay halos mapatalon ako sa gulat dahil mabilis ako nitong hinalikan sa noo.
"Nakakagulat ka naman." reklamo ko.
"Haha, ingat ka pagpunta sa school niyo." tumango naman ako sa kanya.
Nauna siyang lumabas ng tindahan kaya sumunod na ako sa kanya. Pumara muna siya ng tricycle bago tumawid papunta sa Hospital. Kumaway pa ako sa kanya pero hindi na siya kumaway dahil pumasok na siya sa loob ng hospital.
Sumandal naman ako ng maayos sa upuan ko bago ako bumalik sa pagsusulat ng mga notes ko. Napatingin naman ako sa mga kaklase kong nagsusulat din. Naririnig ko din ang usapan nila Christina tungkol sa paggroup study na naman nila.
"Bakit wala na naman ang kuya mo?" mahina lang ang boses.
"Oo, set-up naman ni Tita. Kaya pwede ulit tayo doon."
"Sasama ulit doon, amoy na amoy ko si Kuya Miguel mo." Nakarinig pa ako ng mahinang hagikhik mula sa kanila.
"Pero may napili na ba ang Kuya mo sa lahat ng nirereto sa kanya?"
"Wala pa nga, e. Kung hindi ko lang nakita yung mga ginagawa niya kasama yung mga babae niya mapagkakamalan kong baka si Kuya pero hindi e." nagtawanan naman sila kaya sinaway sila ng nagtuturo sa amin.
Natahimik naman sila at hindi na mulling nagusap. Pagkatapos ng klase namin ay inayos ko agad ang mga gamit ko para makauwi na.
"Hoy, Ciara!" malakas na tawag sa akin ni Christina kaya napahinto ako sa paglalakas. "Sama ka sa amin?" tanong nito pagkalapit niya sa akin.
"Hindi, sa Birthday mo nalang. Malapit na diba?" nagmake face naman siya sa harapan ko.
"Sige ha, Pagkatapos ng exam yun.May alam akong bar na alam kong magiging blast kasi ayaw akong papuntahin ni Kuya Miguel. " tumango nalang ako para hayaan niya na akong umalis.
Dahil maaga pa naman pupunta na muna ako sa tindahan namin para tulungan si Nanay. Sumakay agad ako sa tricycle papunta sa hospital. Pwede naman akong mag jeep para makamura pero nagtatagalan ako sa jeep kaya mas gugustuhin ko nalang ang sumakay sa tricycle at ayaw ko din sa jeep dahil mabilis akong mahilo.
Pagdating ko sa tindahan namin ay nagbayad ako sa tricycle at nagtataka naman ako ng nakita ko sa loob ng tindahan namin si Miguel at Judy. Nagluluto si Nanay habang nakikupagusap sa dalawa. Pagpasok ko sa loob ng tindahan ay natigil sila sa paguusap.
"Maaga ka ata ngayon." sabi ni Nanay sa akin.
"Hindi na po kami dumaan sa library." sagot ko. Isinabit ko yung bag ko sa sabitan na nasa tabi ni Judy.
"Hindi ka sumama sa group study?" tanong ni Miguel kaya napatingin kami sa kanya.
"Bakit hindi ka sumama?" tanong naman ni Nanay sa akin.
"Kaya ko naman magaral magisa." sagot ko at kumuha ng turon.
"Pero mas magandang sumama ka sa mga kaibigan mo." Si Nanay.
Hindi naman ako sumagot sa kanya at nakatingin lang ako kay Miguel at Judy na kumakain din ng maruya habang nakatingin kay Nanay.
Si Judy ba ang dinedate ni Miguel ngayon? Hindi naman sila mukhang magdidate pero bakit naman sila magkasama ngayon kung hindi sila magdidate? Kahapon lang sila magkakilala tapos magkasama na naman sila ulit.
Napatingin naman ako sa paa ni Judy na nakacast parin. Napatingin naman ako kumukuha ng order kay Nanay. Si Matteo!
"Kukunin ko na po yung order ko, Nay." hindi ako nito napansin kaya tinatawag ko siya.
"Hoy, Matteo!" tawag ko sa kanya nagulat pa siya nung tinawag ko siya.
"Maaga ka atang umuwi ngayon."
"Oo, sa bahay na ako magaaral." sabi ko at lumabas ng tindahan namin. Pumunta naman si Matteo para salubungin ako. Nasa may gilid kami ng pinto ngayon dalawa.
"Sasabayan mo ba akong umuwi ngayo o mauna ka ng mauwi para makapagaral ka ng maayos?" tanong niya sa akin.
"Hihintayin na kita dito." tumango naman siya. Tumingkayad naman ako para mahalikan ko siya sa pisngi niya. Umiling lang siya sa akin at ngumisi bago tumawid papunta sa hospital.
Pagharap ko sa pinto ng tindahan namin ay nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Miguel at nakagiting si Judy. Salubong naman ang kilay ko habang nakatingin kay Miguel. Inirapan ko naman siya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Medyo siga yung boses ko kaya sinaway ako ni Nanay.
"Bumibili." simpleng sagot ni Miguel.
Sinamaan ko nalang siya ulit ng tingin at nagpaalam kay Nanay na may bibilhin ako.
"Nay, aalis muna ako. May bibilhin lang ako." sabi ko."Excuse me, kukunin ko lang yung bag ko." sabi ko kay Judy. Tumango naman si Judy at iniiwas ang ulo sa bag ko.
Binuksan ko ang bag ko para kunin ang wallet ko. Buti nalang maayos ako sa gamit ko kaya nakita ko agad na nasa ibabaw yung ng mga notebook ko. Inilabas ko yung wallet ko sa bag at ibinalik ko ulit ang bag sa sinasabitan nito.
"San ka pupunta?" tanong ni Nanay.
"Sa mall may bibilhin lang ako." malapit lang din ang mall dito pero ma jeep ako kasi mahal pagtricycle.
"Anong bibilhin mo? May kailangan ka sa school? Bibigyan kita ng pero pangbili." kukuha na sana siya ng pera sa money bag niya ng pigilan ko siya.
"Hindi, Nay. Wala na ako kailangan sa school. May bibilhin ako para sa amin ni Matteo. Pinagipunan ko yun at sakto na ang pera ko."
"Ah, akala ko ay sa school niyo na. Na sabi mo na ba yan kay Matteo? Baka tanggihan yang ibibigay mo lalo at pinagipunan mo yan." napangusu naman ako sa kanya. Naisip ko na din na hindi tatangapin ni Matteo yung ibibigay ko sa kanya lalo na pagnalaman niyang pinagipunan ko iyon.
"Ako ng bahala sa kanya, Nay." sabi ko. Lalabas na sana ako sa pero biglang nagsalita si Miguel.
"Sumabay kana sa akin, may kikitain din ako sa mall." tatanggi pa sana ako pero nagsalita na si Nanay.
"Sumabay kana, Ciara. Mas makakatipid ka." si Nanay.
Pumayag na ako. Naunang lumabas sa tindahan namin si Miguel para kunin ang sasakyan niya.
"Ikaw, Judy? Hindi ka ba sasama sa amin?" tanong ko. Nakangiti naman siyang umiling sa akin.
"Hindi, hinihintay ko lang yung driver namin." tumango naman ako sa kanya.
Lumabas naman ako ng tindahan ng nakarinig ako ng busina. Itim na sasakyan ang gamit ni Miguel. Hindi lang ako sigurado kung ito din ba ang gamit niyang sasakyan nung inihatid niya ako sa amin.