Sumakay ako sa sasakyan niya. Nakaramdama agad ako ng lamig kaya isinara ko ang nakatutuk na aircon sa akin.
"Nilalamig ka?" tanong ni Miguel.
"Oo, pero ayo na. Lamigin lang talaga ako." tumango naman siya at tumingin ulit sa kalsada.
Tahimik naman ako habang siya naman ay sumisipol sipol pa. Mukhang masaya siya. Dahil siguro sa kikitain niya. Siguro ay isa sa mga nirereto sa kanya ng lola niya.
"Sino ang kikitain mo sa mall?" tanong ko bigla. Sumulyap naman siya sa akin at ngumiti."Isa sa mga pinapadate sayo ng lola mo?" napahawak naman ako sa bibig ko.
"Kapatid ng kaibigan ko." tumango nalang ako.
Pagdating namin sa mall ay. Nagpark siya sa malapit sa entrance. Pumasok kaming dalawa sa mall.
"San ka?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing nakasunod lang siya sa akin.
"Ikaw saan ang punta mo?" tanong niya sa akin.
"Sa may jewellery shop sa second floor." sagot ko.
"Doo din ako." kahit nagtataka ako ay tumango nalang ako sa kanya.
Magkasabay lang kaming naglakad papalapit sa scallator. Nauna akong umapak sa scallator at nasa likuran siya.
Pagtaas namin sa second floor ay akala ko ay hindi na ako susundan ni Miguel pero nakasunod parin siya sa akin.
"Saan ka ba talaga pupunta?" tanong ko at medyo naiinis na din.
"Hindi ko pa alam, Okay? Sasama muna ako sayo." pagpapaliwanag niya.
Hindi ko na siya kinausap at pumasok nalang ako sa jewellery shop na kung saan ko nakita yung kwintas na bagay sa amin ni Matteo.
Bago ako lumapit sa dapat na bibilhin ko ay tumingin muna ako ng iba pang mga alahas dito.
Halos magaganda ang design na mga alahas dito at halos pamahal din ng pamahal. Three thousand lang ang budget ko doon sa gusto kong bilhin. Mura lang yung
Tiningnan ko naman si Miguel na tumitingin sa mga alahas na nakadisplay. Mukhang nakabili na din siya dahil may hawak hawak na siyang maliit na paper bag na may nakatatak na pangalan ng shop.
Umiwas naman ako ng tingin doon at lumapit sa bibilhin kong kwintas. Pero wala na doon yung mga kwintas. Pinalitan na ito ng ibang design. Mukhang nabili na ng iba.
Tininganan ko naman yung bagong nalagay doon. Parang magkatulad lang sila ng design nung gusto kong bilhin pero mas maganda yun dahil maliit lang ang pendant at chain nung gusto kong bilhin.
Yung nandito ngayon ay medyo lumaki ng konti at nagdagdag din ang presyo. Binilang ko naman sa isip ko kung magkano ang pera ko sa wallet ko.
"Gusto mo yan?" biglang sumulpot si Miguel sa tabi ko. Inirapan ko siya nawala tuloy ang focus ko sa pagbibilang ng pera ko.
"Bwiset ka naman, magbibilang ako ng pera ko." sabi ko at nagtataka naman siyang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at binuksan ko nalang yung wallet ko para tingnan kung magkano ang pera ko.
"Binili ko yung katulad niyan kanina pero mas maganda itong nabili ko." sabi nito at ipinakita niya ang paper bag niyang hawak sa harapan ko.
"Patingin nga nitong binili mo." sabi ko at inagaw ko sa kanya yung paper bag nia at binuksan iyon."Ito nga yun!" sabi ko habang nakatingin sa box na hawak hawak ko.
"E, ano naman? Binili ko na yan. Kaya ako na ang mayari nito." kinuha naman niya sa akin yung box at inilagay ulit yun sa paper bag.
"Hi, Miss kukunin ko na po ito." sabi ko at itinuro pa yung mga kwintas. Humarap ako kay Miguel."Ihatid mo ako sa tindhanan namin ha, wala na akong pera." sabi ko sa kanya.
"Wag mo na yang bilhin, ibibihay ko nalang sayo yung isa dito." sabi nito at ipinakita ulit ang paper bag.
"Tsk, doon kana." sabi ko at sinunandan ko yung sales lady na kumuha nung kwintas.
"Ibibigay ko na nga sayo yung isa ayaw mo pa." reklamo niya sa akin.
"Bibilhin ko sayo yan, ano?"
"Ayaw ko nga, nabili ko na ito. Kaya akin ito"
Hindi ko na siya inimikan. Pumunta nalang ako sa cashier para magbayad. Nasa labas lang siya ng store hinihintay ako. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako ng store at nilapitan siya.
"San na yung kikitain mo dito?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Nakatingin lang siya doon sa paper bag kong hawak.
"Ewan ko, naglilibot pa sa mall. Tara kain muna tayo. Libre ko." nakangiti naman akong tumango sa kanya at sumunod sa kanya.
"Libre mo ako ha, wala na talaga akong pera." sabi ko sa kanya.
Wala na talaga akong pera. May dalawang piso pa ata ako sa wallet ko pero hindi parin yun sapat para sa pamasahe ko!
"Sabi ko naman sayo wag mo ng bilhin yun, ibibigay ko sayo yung isa."
"Para sa amin ni Matteo yung kwintas kaya kung bibigay mo sa akin yang isang kwintas dapat kasama din yung isa."
"Hindi nga pwede." mariing saad niya.
"Kaya nga bumili ako ng para sa amin ni Matteo."
"Saan mo ba gustong kumain?" tanong nito.
"Libre mo talaga ako ha, lagi kang libre ng turon at maruya sa tindahan natin. Kaya doon lang tayo sa fastfood. Kumakain ka ba Jollibee?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw mo ba sa restaurant?" mahinang tanong niya.
"Hindi ka kumakain sa fastfood?" tanong ko. Hindi naman na ako nagulat dahil jusko baka kaya niya pang bumili ng tatlong jollibee at dalawang mcdo. Jusko.
"Kumakain ako, during college." sagot niya. Nauna siyang pumasok sa jollibee sumunod naman ako sa kanya.
Pumila agad kami sa counter. Lumapit naman ako sa kanya para masabi ang gusto ko.
"Gusto ko nung C6, yun lang ang akin at mcfloat." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.
"Okay, hanap kana ng upuan natin. Pero wag sa bandang yun." sabi niya at itinuro ang banda kung saan kami kumain ni Matteo."Doon tayo banda." itinuro niya yung isang banda kung malapit sa counter. Wala naman masyadong tao kaya naupo ako sa isang table.
Paglingon ko naman sa counter ay nakita ko si Miguel na papalit na sa akin. Umayos naman ako ng upo at hindi ko na siya nakasalubong.
Inilagay niya isa-isa ang mga inorder niya. Unang inilagay sa table ay yung sa akin. Pagkatapos ay yung sa kanya naman. Naupo na siya sa harapan ko at kinuha niya yung kutsara at tinidor. Pinunasan niya pa ang mabuti ang tinidor at kutsara niya gamit ang tissue. Ako nga mabilis ko lang na pinupunasan ang utensils ko!
Nagsimula na akong kumain habang siya naman ay umiinom ng coke niya. Hindi ko na siya ulit tingnan at nagpatuloy lang ako sa pagkakain.
Pagkatapos kong kumain ay pinapanuod ko nalang siya dahil two-piece chickenjoy anh inorder niya at nagkakamay siya ngayon sa harapan ko.
"Gusto mo?" tanong niya sa akin. Umiling ako sakanya at dumighal. Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkakain.
Hinintay ko siyang matapos sa pagkakain at nagpaalam siyang pupunta muna daw siya sa comfort room. Comfort room kaso ang term niya ng cr. Arte ng richkid.
Lumabas na ako ng jollibee dahil maraming pang pumasok na mga estudyante sa loob. Sa labas ng jollibee ko siya hinihintay.
Tumingin ulit sa loob ng jollibee at nakita ko si Miguel na kinakausap yung dalawang babaeng nasa pwesto namin. Mukhang nagtatanong siya sa dalawa. Nakita ko naman na itinuro ako nung dalawang babae kaya kumaway ako para makita niya ako. Mukhang nagpasalamat naman siya doon sa dalawang babae bago tumungo papunta sa akin.
"Akala ko iniwan mo na ako." sabi niya pagkalapit niya sa akin.
"Hindi'no, edi maglalakad ako pauwi." sagot ko naman." Nasan na ba yung kikitain mo dito?" tanong ko sa kanya."Magdidilim na hinihintay ako ni Matteo sa tindahan."
"Text ko muna." tumango naman ako sa kanya. Kinuha naman niya yung phone niya bulsa niya at nagtipa doon."Text mo yung boyfriend mo na ihahatid kita doon." sabi niya sa akin.
"Wala akong cellphone."sabi ko.
" Ha? Wala kang cellphone? " gulat na tanong nito.
" Meron pero nasa bahay wala naman akong itetext." magsasalita pa sana siya kaya lang ay may babaeng tumawag sa kanya.
"Miguel Lucius delicious!" sigaw ng babae. Parehas naman kaming napalingon ni Miguel.
"Miguel Lucius Delicious!" ulit na sabi ng babae bago lumapit sa amin at patalon na yumakap kay Miguel.
Tinapik tapik naman ni Matteo sa likod ang babae tapos umayos na ito ng tayo. Nagbeso sila sa harapan ko.
"Na miss kita, I actually want meet you. But your always busy." sabi nito habang nakikipagbeso kay Miguel. "Your breath smells jollibee chicken joy." dahil sa sinabi ng babae ay lumayos Miguel sa kanya.
"Kumain kami dyan." itinuro niya yung Jollibee. "By the way, nasan ang mga tropa mo?" tanong ni Miguel.
Napatingin naman ako sa babaeng maganda na nasa harapan ko. Mukha siyang mayaman. Hindi mayaman talaga siya. Halatang halata sa pananamit niya at sa kilos niya.
"They are just there somewhere. " sabi nito habang nakatingin sa akin. Umiiwas naman ako ng tingin sa kanya at lumayo ng konti sa kanila. "And who is she? Your date? Chosen by your mom or Grandma?" tanong nito at nagulat ako nang lumapit ito sa akin para bigyan din ako ng beso sa magkabilang pisngi ko. Napasinghap ako sa gulat!
"She's Ciara." sagot ni Miguel. Parang naninigas naman ako sa ginawa niya. Niyakap din niya ako na parang matagal na kaming magkakilala. Tiningnan ko si Miguel para manghingi ng saklolo sa kanya.
"You chose her." masayang saad nito at niyakap ulit ako. Narinig ko ang pagtawa ni Miguel at ako naman ay nakatingin sa kanya. Humihingi parin ng tulong. Bumitaw sa pagyakap sa akin at nagpakilala. "By the way, I'm Regina Gallerov." magiliw na saad nito sa akin. Akmang yayakapin pa ako nang hinila ako ni Migule pala kay Regina.
"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" tanong ni Miguel.
"Meron akong regalo sa inyong apat." Si Reg. At semenyas ang kamay na parang may pinapalapit. May nagsilapitan namang mga lalaking nakaitim na may mga dalang paper bag ng may mga tatak ng mga mamahaling brand."
Tatlong lalaki ang may mga dalang paper at yung dalawa naman ay sinusundan nung tatlong personal guard siguro nitong si Regina.
" Bakit apat lang? Sino ang wala matatagap? " tanong ni Miguel. Lumapit naman yung isang lalaki para iaabot apat na malalaking paper bag. "
" For you, For Rey, For Luis, and for my brother." isi-isa niyang inabot yun kay Miguel habang binabanggit yung mga pangalan.
"Yung para kay Blade?" Si Miguel habang tinitingan yung mga paper bag.
"I already gave it." ngumisi ito kay Miguel at muling bumaling sa akin kaya iniiwas ko ang tingin ko sa kanya." Nice meeting you, I'll give you something when I see you again."
"May sasabihin ako sayo, Reg. Teka lang ha." sabi nito sa akin, bago niya hinila si Regina ay nagbeso muna ito sa akin at nagpahila na.
Medyo lumayo naman sila sa akin at nagusap na sila. Pansin ko naman ang panay ang paglingon ni Regina sa pwesto ko kaya hindi ako mapakali.
"Tara na, ihahatid na kita." tumango naman ako sa kanya at nakita ko si Regina na pumasok sa isang boutique.
"Ayos lang ba talaga na ihatid mo ako?" muling tanong ko sa kanya. Baka madami pa siyang gawin.
"Ayos lang, wala naman akong ginagawa." sagot niya sa akin.