Nasa may harap na kami ng Hospital nang may tumawag kay Miguel. Ako naman ay nakatingin sa lalaking nakatayo sa harap ng hospital. "Lalabas na ako, salamat." mahinang sabi ko pero alam ko namang narinig niya ako dahil nilingon niya ako. Tumango siya sa akin at nakipagusap na ulit sa kausap niya sa kabilang linya. Marahan kong isinara ang pinto ng sasakyan niya at napansin ko namang nakatingin si Matteo sa akin kaya kumaway ako sa kanya na parang matagal kaming hindi nagkita. Ibinuka naman niya ang kamay niya dahil patakbo akong lumalapit sa kanya. Patalon naman akong yumakap sa kanya. Miss na miss. "Sabi ni Nanay pumunta ka daw ng mall, kamusta naman?" tanong niya at mariing hinalikan ang noo ko. "Ayos naman, may ibibigay nga pala ako sayo." sabi ko sa kanya at medyo lumayo ako sa

