Makulay na ilaw ang paulit ulit na tumatama sa mga mata ko. Ilang boteng alak ang nasa harapan ko ngayon. Kasama ko sila Christina ngayon dito sa isang high-end bar kasi magbibirthday na daw siya. Pero bukas ang birthday niya, gusto daw kasi niya ng ganito, birthday salubong. Matagal bago niya ako napilit na sumama ngayon dito, nakailang tanggi na ako pero hindi siya pumayag, kinausap niya din si Nanay kaya pumayag na ako dahil mas gusto ni nanay na lumalabas ako ng bahay namin kahit minsan. Kaya nandito ako ngayon, nakaupo habang umiinom ng orange juice. Napapailing nalang ako dahil sobrang lakas nilang uminom halatang sanay na sila. "Ciara, inom ka naman kahit konti hindi mo naman ito ikamamatay." Sabi ng isa na may inaabot sa akin na isang maliit na baso. Umiling ako sa kanya at ngumi

