Dahan dahan kong iminulat ang mata ko dahil may naramdaman akong malamig na bagay sa ipinatong sa noo ko. Si Matteo ang bumungad sa akin na seryosong nakatingin sa akin. Nung nakita niyang nakamulat na ako ay ngumiti siya. "Kamusta ang pakiramdam mo? Ang lakas ng lagnat mo." Sabi niya sa akin."Hindi pa kita napapalitan ng damit." Sabi niya pa habang nakatingin sa akin." Kukuha kita ng pampalit tapos pupunasan kita." Tumango ako sa kanya at naupo ako sa kama ko. Bigla naman pasok sa isip ko yung nangyare kaya napatingin ako kay Matteo na abala sa cabinet ko. Bigla namang tumulo ang mga luha ko kaya napalingon sa akin si Matteo na mukhang naawa sa akin. Lumapit siya na may dala ng damit. "Linisan muna natin yang katawan mo para makapagpalit kana, gusto mo bang sa cr na kita linisan?" Tano

