Miguel's POV The rain is getting heavier. Mas mabilis ng napupuno ang timbang nakasahod sa tulo ng bubung nila. Nandito parin ako sa bahay nila. Mas lumalakas na din ang hangin kaya natatakot ako na baka lipadin ang bubung nila. Ang Tatay ni Ciara ay nasa loob ng kwarto nila na lalabas lang tuwing makikita akong dadaan sa harap ng kwarto nila. Ako ang nagaalis ng tubig sa timbang napupuno. Parang sanay na sanay na sila sa sitwasyon nila habang ako ay tumitingala tuwing naririnig ko yung yero na tumutunog. Tuwing kinukuha ko ang timba na nasa may kwarto ni Ciara ay nakikita ko si Ciara na nagbabasa nung libro na binili ko. Hindi man lang ito lumingin sa akin. Abala yung nanay ni Ciara sa pagluto ng meryenda namin. Naramdaman ko na namang nagvibrate ang cellphone ko. Kanina pa text nang

